1/7 days

381 12 2
                                    

Hell does exist. Where? Visit our house.

"You're an idiot!!! Magsama kayo ng babae mo!" Mom shouted as they enter the door. She then threw one of her angel collection to Tito Clinton. Nagulat kami ni Macey, nakaupo kami pareho sa sofa habang siya nagbabasa at ako naman, naglalaro lang ng cellphone. Sa tingin ko, nahuli siya ni mama na may kasamang babae. From the start, alam ko naman na pera lang ang habol sa kanya ng lalaking yun. He has been my mom's boyfriend simula ng lumipat kami dito sa appartment malapit sa pinapasukan naming university ni Macey.

Macey's my step-sister, I'm 3 years older than her. Her father's a police which happened to be the husband of my mom, but he was unfortunately shot with a gun during a rescue operation a year after my mom gave birth to her. 4 years old ako noon at ang kinikilala kong tatay ay ang tatay ni Macey. I only found out the truth noong nagka-isip na ako. My real father? Hindi ko alam, never ko pa natanong si mama, dahil na rin siguro hindi ako interesado sa kanya. Kung makikilala ko ba siya, may magbabago? Wala 'di ba? Ayokong mag-aksaya ng oras para sa kanya.

Nagtatrabaho bilang editor in chief sa isang publishing company si mama. She has been a single mom after mawala ni papa, yung papa ni Macey. But what I consider worst is her commitments with random men na bigla bigla nalang niyang dadalhin sa bahay at ipapakilala sa amin. Actually, nakailang boyfriends na rin siya after mamatay ni papa.

"Ma, okay ka lang?" Macey calmly asked mom as she walks towards her. 

"Im so sorry. I thought he'll be a perfect father to you and Faye. I assumed too much. Im sorry." Mom said as she wipes the tears that are about to fall from her tired eyes. She's been crying too much lately because of tito Clinton. I suspect, matagal nang alam ni mama na may babae si Tito Clinton pero hindi niya lang talaga magawang iwan. Tss.

"Akala ko kasi talaga, last na siya." Mom added. Ilang ulit ko nang narinig sa kanya ang linyang yon. I can't figure out why mom has been bringing some dumbass idiots inside our house and still not learning a single lesson that guys are all the same. They will pretend to love you but the truth is they're just using you. Pare-pareho lang ang mga lalaki, hobby nilang paglaruan ang feelings ng mga babae.

"Ma, it's okay. You'll soon find the right man for you, you know, the right father for us..." Macey said while rubbing mom's shoulders. Very nice advice from my great sister. No wonder, siya ang paborito ni mama. Proof? Well, kitang-kita at halatang-halata naman.

'Dapat gayahin mo si Macey', 'Buti pa si Macey,' -ilan lang yan sa mga linya ni mama kapag sinesermonan niya ako. Macey here, Macey there, Macey everywhere. Si Macey ang magaling, matalino, mabait, at lahat-lahat na. Kahit hindi naman talaga. Ito pa, after mag-enroll ni Macey sa university na pinapasukan ko, lumipat kami ng apartment malapit sa school niya para hindi siya mahirapan magcommute. Samantalang ako, tatlong taon akong nagpakahirap tumayo sa train ng isang oras para lang makarating sa school. Sa tuwing bibili ng ice cream si mama, dapat chocolate kase yun yung paboritong flavor ni Macey, pa'no naman yung paborito ko? Ni hindi nga niya alam kung ano. Maliit na bagay lang 'yon pero sana naman kahit sa maliliit na bagay maramdaman kong importante ako. Pero wala, I wasn't born to be loved. Kaya na rin siguro ganito ako.

"I hope so, Sweetheart. Sana mahanap ko na si Mr. Right." Mom said. she's still sobbing. Macey gave her a hug. Nakakalungkot di'ba? Pero walang epek sa akin ang kadramahang yan ni mama dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan na sa tanda niyang yan, kailangan niya pa maghanap ng lalaki para maging boyfriend at ang ending, iiwanan lang din naman siya.

"Tahan na ma. Baka magkawrinkles ka nyan, sige ka hindi ka na makakahanap ng bagong boyfie." Macey said while wiping mom's face which turned black already because of her mascara that was ruined after she cried.

"Oo nga eh. Ang sakit kase anak. Akala ko siya na talaga." Tss. As always... Akala? Lagi nalang ba siyang ganyan? Lahat naman yata ng nakarelasyon niya, akala niya yun na talaga tapos ano? Iiwan lang din naman pala siya sa huli. Stupid.

"Mama naman. He doesn't deserve you. Sa ganda mong yan, madami ka pang makikilala, yung mamahalin ka talaga. Yung mas gwapo, mas mayaman, mas macho, mas... Ano pa ba? Basta lahat ng mas! Basta wag kang susuko mama loves." Sabi ni Macey habang nakangiti sabay yakap kay mama.

"Hahaha. Ikaw talaga!" Sabi ni mama habang kinukurot ng mahina si Macey.

Sabay silang tumawa ng malakas.

Silly.

I put on my earphones and pretend not to hear their conversation. I've always been the invisible one in this house. Kumbaga sa BUFFET at BOUQUET, ako yung T.

REMORSE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon