4/7 days

235 12 1
                                    

Isusurprise ko ngayon si Dale para naman makabawi ako sa kanya. Nagbake ako ng lasagna para sa kanya, favorite niya kasi to. Sobrang hilig niya sa mga pastas.

Nagtaxi ako papunta sa village nila. Masyado kasing malayo ang lalakarin kapag nagjeep ako.

*** 

Nakarating na ako sa bahay nila. Nandito ata sila George at Kirby(kabarkada ni Dale), kasi nakapark yung sasakyan nila sa harap ng bahay nila Dale. Tamang-tama, madami naman 'tong lasagna na niluto ko. Actually, lagi kong ipinagluluto si Dale, tapos pinapatikim niya sa mga barkada niya kaya ayun gustung-gusto nila kapag nagluluto ako.

Sa kabila ng lahat, si Dale na lang talaga ang nagpapasaya sa'kin. Kahit kailan kasi hindi ko naramdaman na nag effort si mama para mapasaya ako. Ultimo birthday ko, yung paboritong mga pagkain pa din ni Macey ang inihahanda niya. Tss.

Ano ba naman! Bakit ko nanaman ba sinasali si mama dito. Erase!!!

Hindi na ko nagdoorbell kase nakabukas naman yung gate nung tinulak ko.

Nakabukas din yung main door nila. Narinig kong may mga nagtatawanan sa loob, boses ni Dale, George, at Kirby.

"Pa'no ba yan bro? Panalo ako! 1 year na kami ni Faye! wala eh, the best siya sa lahat ng mga pinaglaruan ko eh! So, pa'no?" Dinig kong sabi ni Dale. PInaglaruan? Damn it!

"The best? talaga? Wala ka ngang proof eh! Hahaha!" -boses ni KIrby.

"Proof? Kelangan pa ba yun? Sige wait lang, susunduin ko lang si Faye.Haha!" Sagot ni Dale.

"Papayag ba yun na gawin niyo ng live dito? Hahaha putangina bro! Iba ka talaga!" -boses ulit ni Kirby.

"Gago! hindi! Baka mainggit kayo eh. Pero papakita ko sa inyo kung gaano siya kagaling humalik. Good kisser pare!" 

"Taena! swerte mo bro! Kung ako sayo, hiwalayan mo na si Claire! Wala ka namang napapala dun. Hahaha! Sunduin mo na nga dun!" -Si George naman ngayon.

Bigla na lang may pumatak na luha sa mata ko ng hindi ko namamalayan. Shit, Faye! Wag kang iiyak, please? Wag ngayon! Wag sa harap niya. Mas lalo lang niyang iisipin kung gaano mo siya kamahal at kung gaano ka nagpaloko sa kanya.

"Gago mahal ko si Claire. Atat na atak ka naman! Eto na nga! Susunduin ko na. Hahaha. " Sino si Claire? Para akong binuhusan ng isang kilong pako sa ulo ko. Kakaiba ang tono ng pananalita ni Dale. Ibang-iba siya umasta sa harap ng mga kaibigan niya, hindi siya ganito kapag magkasama kami. 

"Wala kang balak makipagbreak sa kanya? Haha pa'no pag nalaman to ni Claire?" Tanong ni George.

"Tanga eh nasa Australia siya diba? Hindi niya malalaman kung hindi niyo sasabihin." Nasa Australia? Yun ba yung nakita ko dati sa kausap ni Dale sa skype? Tapos sabi niya, pinsan niya lang daw na taga Australia. DAMN!!!

Parang gusto kong ihagis sa kanya yung hawak kong lasagna pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang bigla nalang nagfreeze at tumigil ang mundo ko. Konti nalang, sasabog na talaga ang puso ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko, nakasilent lang kase.

HUBBY calling...

"Hello, Baby? asan ka?" Tanong niya. Hindi niya pa din kasi alam na nandito lang ako sa labas ng main door nila sa sala.

"Ba--kit?" Tanong ko. Nauutal na ako dahil pinipigilan kong bumagsak ang luhang naipon sa mga mata ko.

"Susunduin sana kita." Sabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya pumasok na ako sa loob para harapin siya. Halatang nagulat siya.

"Hindi na kailangan! Walang hiya ka Dale! Nagtiwala pa naman ako sayo! Niloloko mo lang pala ako! Gago ka! Hayop ka! Break na tayo!" Sinampal ko siya. Yeah. Maybe those actions are overused in movies pero hindi ko akalaing ganun din pala ang gagawin ko, automatic lang kasi na lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon, pati yung sampal. Just like the movies, pero masakit pala talaga kapag totoo na. Unti-unti nang nagbagsakan isa-isa ang mga butil ng luha na kanina lang ay kaya ko pang pigilin sa pagbagsak.

Mabilis akong lumabas ng bahay nila. Hinila ni Dale ang braso ko pero nakalas ko kaagad. Ang pinakamasakit sa lahat... Hindi niya manlang ako hinabol sa labas. Hindi sa umaasa ako, pero mas lalo niya pa kasing pinatunayan na totoo lahat ng pinagsasabi niya sa mga kaibigan niya.

Teka...

Sayang yung lasagna.

Tutal naman niluto ko 'to para sa kanya, bumalik ako sa loob ng bahay nila.

"Baby, it's not what you think..." Sabi niya ng makita akong pumasok ulit. Wow ha? Matapos kong marinig yung pinag-uusapan nila.

"Really? Sorry pero hindi ako utu-uto Dale!" Tinanggal ko yung foil na nakatakip sa lasagna at--- *PLAAAAK*

"Congrats sa isang taon mong panloloko sakin!" I said and walked out the door.

"F*CK!" Napamura siya. Fuck you Dale!

Isang taong kong binigay ang pagkatao ko sa kanya. 

Isang taon ko siyang pinagbigyan sa mga gusto niyang gawin sa'kin. 

Isang taon kong sinayang ang oras ko sa kanya.  

Isang taon akong nagpakatanga sa kanya.

Isang taon akong naniwala na may nagmamahal ng totoo sa'kin.

Buong pagkatao ko, ginive-up ko sa kanya dahil akala ko totoo ang pagmamahal na ipinapakita niya. Yun pala, iba ang habol niya sa'kin. Pero kahit sa ganung paraan ba, hindi niya pa din ako natutunang mahalin? It's only now that I realized: sex won't make him love me. He only played games with my heart at nagtagumpay nga siya dahil pakiramdam ko ngayon, durog na durog na ang puso ko at wala akong ibang maisip na solusyon kung paano ulit maibabalik sa dati 'to. Parang gusto ko na tumalon sa tulay para wakasan na lahat ng nararamdaman kong sakit dahil sa sarili kong katangahan.

One word that would best describe me: TANGA

Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?

REMORSE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon