7/7 days

258 15 2
                                    

(5 YEARS AFTER)

5 years na pala ang nakalipas.

Madaming nangyari. I mean, sobrang daming nangyari. Madami akong tanong na hanggang ngayon wala pa ding kasagutan. Sobrang bilis ng mga pangyayari na para bang sa tuwing ididilat ko ang mga mata ko, may bagong pagsubok nanaman akong kakaharapin.

I was crossing the street when I saw a very familiar face...

He's holding a bouquet of yellow stargazers on his left hand (My favorite color!), and a box of donuts on his other hand (I drooled at the back of my mind. Mukhang masarap yung donut. Matagal na din akong nagkicrave nun dahil sa mga naririnig ko na masarap daw talaga pero ewan ko ba kung bakit hindi ko magawa-gawang bilhin. Napakamahal din kasi.)

I frowned 'coz it seems that he's giving it to someone special, siguro sa asawa siya. See? Hindi talaga ako ang nakatakda para sa kanya. Mabuti na lang at hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya.

Standing right beside him is a little boy wearing a blue checkered polo shirt and black shorts. I suspect, anak niya.

Nacurious ako kaya sinundan ko sila. Sinuot ko ang shades at scarf na nakalagay sa loob ng bag ko.

They are heading to the cemetery. Yung cemetery kung saan din inilibing ang kapatid ko. Hindi ko na matandaan kung saan siya banda inilagak. Matagal na din kasi akong hindi nakakabisita sa kanya.

Tumigil na silang maglakad. Tumigil din ako sa tabi nila at nagkunwari na sa kabilang puntod nakatingin. Hindi naman yata ako namumukhaan ni Kevin.

Nabasa ko kaagad ang lapida...

Macey Z. Valencia

Born: October 10, 1992

Died: August 30, 2013

A beloved daughter and a loving sister.

You are loved beyond words and missed beyond measures.

Ah, so binisita pala nila ang puntod ng kapatid ko. Kevin lighted a candle right in front of my sister's tomb.Pero pa'no niya nalaman na namatay si Macey? Ah! baka nasabi ko sa kanya dati.

"Daddy, do you think mommy will like the donuts?" Tanong ng batang kasama niya.Tama ba ang dinig ko? Tinawag siyang 'daddy' ng batang lalaki? So, tama nga ang hinala ko kanina, anak niya pala talaga.

"I think so, baby. Give the donuts to her now." Kevin said as he put the bouquet of flowers beside Macey's tomb. I stared blankly on the rectangular-shaped metal where he exactly put the bouquet of flowers and where the little boy put the box of donuts, reading a very familiar name:

Faye Lauren Z. Valencia

Born: December 25, 1989

Died: April 24, 2014

A beloved daughter, a loving sister,

a devoted mother whom we'll dearly remember.

You are loved beyond words and missed beyond measures.

REMORSE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon