Napakaamo ng mukha niya. Sigurado akong kapag lumaki na ang batang 'to, madaming magkakagusto sa kanya. SIguradong lalaki siyang gwapo tulad ng dad niya.
Bago ko pa makalimutang sabihin...
I am now one of the billions of angels God has created. Bago niya ako niregaluhan ng pakpak, inalis muna sa akin lahat ng alaala ko. In short, para akong may amnesia. Isang amnesia na kahit kailan ay hindi na gagaling pa. Ang tanging naaalala ko bago ako bumaba dito sa lupa ay ang itsura ng langit. Bawat tao pala dito sa mundo at may kanya-kanyang anghel na tagapagbantay.
Hindi basta-basta binibigyan ng pakpak at ginagawang anghel ang kahit sinong namamatay. Ayon sa pagkakaalam ko, ang mga nireregaluhan niya lang ng pakpak ay yung may mga nagawang kabayanihan bago mamatay. Ano kayang kabayanihan ang nagawa ko? Sayang, nabura na kasi talaga lahat ng alaala ko.
Inatasan akong bantayan ang isang napakacute na batang lalaki. Sa mismong 6th birthday ng niya ako nagsimulang bantayan siya. Napakacute at daldal niyang bata. Sobrang gaan ng loob ko kanya na hanggang sa pagtulog niya ay hindi ko magawang alisin ang tingin ko.
"Henry...teacher Michael is waiting for you." Tawag ng dad niya. May violin lessons kasi siya. Wala nang nanay si Henry dahil namatay pala ito sa panganganak sa kanya. Narinig ko lang sa kanya nung minsang tinanong siya ng kalaro niya. In fact, I can still remember the exact words he said to his playmate that time.
"My mommy lives in heaven. My daddy said, mommy died after giving birth to me because she wanted to save me. She's in heaven right now because she's a good person."
And beacuse of that, I salute his dad for making his son believe that heaven really does exists.
"Riri, can you eat a little faster? Teacher Michael is waiting for you." Sabi ng dad niya. Riri ang palayaw ni Henry.
"Yes daddy." Sagot niya. Pagkatapos ay binilisan na niyang ngumuya. Naku talaga naman! Sinigurado kong hindi siya mabubulunan.
"Im done!!!" Matapos niyang kumain ay tumakbo na siya sa sala dala-dala ang violin niya. Nasa likod niya lang ako. Napakahyper niyang bata kaya lagi lang akong nakabantay sa likod niya. Kahit kailan, hindi pa siya nadadapa dahil lagi ko siyang sinasalo at inaalalayan.
"Hi Teacher Michael!" Bati niya sa lalaking nasa sala.
"Hi Riri! Did you study the notes?" Tanong ng teacher niya.
"Yes, teacher! Let me show you." Sabi ni Riri, pagkatapos ay ipinatong na niya ang violin sa balikat niya.
Napatingin ako sa daddy niya na katabi ko lang na nakaupo sa sofa habang pinapanood si Henry. Sinasabayan niya kasi ng kanta ang tugtog ng violin.
"When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm stronger I've figured out"
May tumulong luha sa mga mata niya. Bakit kaya?
How this world turns cold
And breaks through my soul
And I know, I'll find deep inside me
I can be the one
Parang may tumusok sa puso ko na para bang naramdaman ko kung gaano siya nasasaktan habang kinakanta niya ang mga linyang 'yon.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven
It's okay, it's okay, it's okay
"NO, It's not okay." Sabi niya. Parang ang sikip na ng dibdib niya pero pinipigilan lang niyang bumagsak lahat ng luha niya.
Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you, I'll be the one..."
Tinapik ko ang likod niya. Bakit ganun?Parang nakuryente ako bigla. Ihihingi ko na lang siya ng favor kay God na sana maibsan na ang sakit na nararamdaman niya kahit hindi ko naman talaga alam kung bakit siya nasasaktan ng ganyan.
.
I will never let you fall.
I'll stand up for you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.
Pinahid niya bigla ang luha na nagkalat sa mukha niya, humarap kasi si Riri sa kanya dahil tapos na itong tumugtog ng violin.
"Very good Riri! Im sure your mom is so proud of you right now." Sabi ng teacher.
"Yes. That's my mom's song for me because she saved my life." Sabi ni Riri.
Napatingin ulit ako sa daddy niya dahil hinawakan nito ang bilog na locket na suot niya.
Pagkatapos ay unti-unti niya itong binuksan, natanaw kong may picture ng isang babae kaya lumapit ako para tingnan.
Gulat na gulat ako sa nakita ko...
Nakita ko ang mukha ko.
*End
(A/N: Ayos ba? haha! Hi guys :)) dito lang ako eepal. Kahit hindi ko sure kung may nagbabasa ba nito. One-shot lang kasi dapat to kaso ewan ko ba, humaba na ng humaba. Kaya ayan 7 chapters nalang siya. Kaya ewan ko kung magulo o ano. Yun lang! Ang daldal ko, nakakahiya. Comment nalang kayo kung anong masasabi niyo. Positive or negative, okay lang sakin. Libre puri! Chos! Haha :)) love you readers(kung meron man, magparamdam kayo kasi ililibre ko kayo. Note: Hindi ako nagjojoke! hahaha) ^__^
BINABASA MO ANG
REMORSE (Completed)
SpiritualI watch myself fade while realizing every single mistake I've done. It felt so painful that it made me want to withhold and surrender my last breath, but I can't. -Faye Lauren Valencia. (A story about the twist and turn of Faye's life)