It's my graduation day today.
I've been waiting for this day to come dahil alam kong ito lang ang araw na maa-appreciate ni mama lahat ng efforts ko. Sa wakas, maririnig ko na din sa kanya kung gaano siya kaproud sa akin bago ko pa aminin sa kanya ang totoo. Kahit ngayon manlang, maging proud muna siya bago niya ako itakwil.
I'm pregnant. 3 weeks na akong delayed. 3 out of 3 pregnancy test ang nagpositive sa akin. Ito na siguro ang kabayaran sa lahat ng mga katangahang ginawa ko kasama si Dale. Kahit masakit at gulung-gulo ako ngayon, pinipilit kong maging normal at masaya sa harap ng ibang tao. Ganito pala kahirap magpanggap, para akong preso na nakatakas at naghahanap ng mapagtataguan. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba to dahil hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kay mama 'to. Ang buong akala niya, wala akong boyfriend. Pero, ano? Buntis ako, at iniwan ako ng taong nakabuntis sa'kin. In short, nagpakatanga ako! Oo na! Napakatanga kong tao! Sana kasi hindi na lang ako nabuhay sa mundong 'to kung ganito lang din naman pala ang mararanasan ko.
Shit! Ayoko munang isipin 'to ngayon. Hindi ako pwedeng maiyak nalang bigla dito kaya binura ko muna ang mga bagay na nagpapagulo sa isip ko. PLEASE LANG FAYE, MAGCONCENTRATE KA MUNA SA GRADUATION MO!
*
Nauna na nga pala akong pumunta sa auditorium ng school, dito kasi gaganapin ang graduation namin. At dahil may rehearsal pa bago magsimula ang gradution ceremony, 2 hours before magstart dapat nandito na kami. Bale, 4 pm pa lang at mamayang 6pm pa gaganapin ang big event.
Bakas sa mukha ng mga kabatch kong gagraduate kung gaano sila kasaya. Masaya din naman ako, pero dahil sa isang bagay na nasa loob ng tiyan ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sayang nararamdaman ko dahil lang gagraduate na ako. Ano ba naman! bakit ba hindi ko maalis-alis sa isip ko 'to ngayon! SHIT FAYE! TAMA NA PLEASE? WAG NGAYON!
****
2 minutes nalang at magsisimula na ang graduation ceremony pero wala pa din si mama kaya hindi na ko nakatiis na tawagan siya.
"Hello, ma? Nakaalis ka na ba?" Tanong ko. Ang sabi niya kasi, magpapaparlor pa daw siya. Medyo nakaramdam ako ng saya kanina dahil nafeel ko na excited siya para sakin.
"Anak sorry, pero sinugod sa ospital ang kapatid mo." Mom anxiously said.
"Pero ma..." Wala akong maisip na sabihin sa kanya.
"Anak...susubukan kong pumunta---"
Binaba ko na ang cellphone dahil nag-umpisa nang magsalita sa microphone ang emcee at ayoko din bumagsak ang luha ko. Bakit naman kaya nasa ospital yun? Baka masakit nanaman yung ulo o 'di kaya nilalagnat nanaman. Shit! Nakakainis! Naiinis talaga ako!
Malapit na tawagin ang pangalan ko.
Sa tingin ko, wala na talagang balak pumunta dito si mama. Gusto kong umiyak pero pinilit ko nalang pigilin yung luha ko dahil baka masira yung make-up.
"Faye, asan na yung mama mo?" Tanong ni Nikki na nasa likod ko lang.
"Wala eh. Sinugod daw sa ospital si Macey." Mahina kong sagot. Babagsak na kasi talaga yung luha ko.
"Ganun ba. Bakit daw? Edi hindi siya aattend?" Tanong niya ulit.
"Baka hindi na. Ewan." Oo, umaasa pa din ako na dadating siya kahit alam ko at sigurado akong mas pipiliin niya pa din si Macey.
Ako lang yata ang walang kasamang parents. Okay. Wala akong pakialam. Buti nalang dean yung magsasabit ng medal sa'min.
***
BINABASA MO ANG
REMORSE (Completed)
SpiritualeI watch myself fade while realizing every single mistake I've done. It felt so painful that it made me want to withhold and surrender my last breath, but I can't. -Faye Lauren Valencia. (A story about the twist and turn of Faye's life)