6/7 days

239 11 0
                                    

Tatlong linggo na simula ng mailibing si Macey. Ganun pala kasakit mawalan ng kapatid. Triple ang sakit sa ginawang pag-iwan sa'kin ni Dale.

Hindi ito ang normal na oras ng pagising ko. Pero ewan ko ba kung bakit 6am pa lang ng umaga, bumukas na ang mga mata ko. Dala na rin siguro ng kakaisip ko sa problemang nagpapasikip sa dibdib ko ngayon, tsaka siguro nga ganito talaga kapag buntis. Dalawang araw ko palang na kinikimkim to pero pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang bigat. I don't know if how long can I possibly take this.

Bumangon ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos, sinuot ko ang black sleeve dress ko at pinatungan ito ng gray na cardigan tapos nagsuot ako ng itim na flats.

Tatlong linggo na rin pala ang nakalipas ng huli akong tumapak sa lugar na 'to. Ewan ko pero medyo nakakapanibago ang aura ngayon. 

Nagsimula na ang seremonyas ng misa. Hindi naman gaanong puno yung loob ng simbahan dahil siguro maaga pa.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, kung paano ako hihingi ng tulong sa kanya. Paano niya naman ako matutulungan? Matutulungan nga ba talaga niya ako? Eh yung kapatid ko nga na mabait at madasalin, hindi niya nagawang iligtas. TSK! Sabi ko na nga ba eh! Walang kwenta ang pagpunta ko dito. Sinasayang ko lang ang oras ko.

Nagsisilabasan na ang mga tao pero parang may pumipigil sakin na lumabas. Pumunta ako dito para humingi ng tulong sa kanya 'di ba?

I've decided to kneel down, bow my head, put my hands together, and close my eyes.

Hindi pa ako nagsisimulang makipag-usap sa Kanya pero nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Ano ba naman to!

"Hindi ko alam kung pinapakinggan Mo ako ngayon... pero sana naman nakikinig ka nga talaga. Matagal na kasi akong sumuko na humingi ng tulong Sayo. Ni minsan kasi nung bata ako, hindi mo pinapakinggan yung simple at kaisa-isang hiling ko, na kahit isang araw manlang maging paborito ako ni mama. Pero kahit ngayon lang, sana pagbigyan Mo ako. Hindi naman ako hihingi ng milagro ngayon kasi alam kong imposible na talaga,  lakas ng loob lang naman sana ang hihilingin ko Sayo. Hindi ko na kasi talaga kaya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama to, kakamatay lang ng kapatid ko at halos mamatay na rin si mama sa sobrang lungkot, ni hindi niya nga ako magawang kausapin dahil sa tuwing lalabas siya ng kwarto, puro iyak lang ang naririnig ko sa kanya. Alam ko namang si Macey lang ang nakakapagpatawa sa kanya, alam kong sa tingin niya, wala akong kwentang anak. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na buntis ako. Ayoko na Lord! Ayoko na kasi palalain ang tingin sakin ni mama. Alam kong masusunog ang kaluluwa ko sa impyerno kung ipapalaglag ko to, pero hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko dahil hangga't nararamdaman kong may buhay na humihinga sa loob ng tiyan ko, mas lalo ko lang naaalala ang panlolokong ginawa sa'kin ng gagong lalaking 'yon. Bakit naman hinayaan Niyong mangyari sa'kin 'to? Oo, alam kong mali na sisihin ko Kayo pero 'di ba sana manlang ginabayan Niyo ako na huwag magpaloko sa gagong 'yon. Pero ngayon, isa lang naman ang hinihingi ko, bigyan niyo lang ako ng konting lakas ng loob, kahit konting-konti lang talaga... Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat nitong dinadala ko. Sobrang bigat pala sa pakiramdam na wala kang ibang mapagsabihan ng problema mo. Hindi ko naman kayang sabihin sa mga kaibigan ko dahil natatakot ako na baka mag-iba ang tingin nila sakin. Si Macey... kung buhay lang sana siya, oo inaamin kong wala akong kwentang ate sa kanya pero sigurado akong papakinggan niya ako at maiintindihan niya kung bakit nangyari sa'kin 'to. Mahal ko naman si Macey eh, hindi ko lang talaga alam kung pa'no ko ipapakita sa kanya. Kaso wala na eh, huli na ang lahat kasi kinuha Niyo na siya. Ang malas-malas ko! Wala akong kwenta. Kahit siguro Kayo, mag-aagree sa mga sinasabi ko, kasi totoo naman 'di ba? Wala akong silbi. Pero kakampihan niyo naman ako 'di ba? Wala na kasi akong naiisip na kakampi ngayon kundi Kayo. Ayoko na Lord. Pwede bang kunin niyo nalang din ako? Suko na kasi talaga ako. Akala ko malakas ako, akala ko matapang akong tao, hindi pala.

REMORSE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon