Chapter 11

533 15 0
                                    

"Kriszalyn? Susunduin kita mamaya ah? Maaga kasi akong makakaalis ng office mamaya." Sabi sakin ni Jackson habang nandito kami sa dining area habang kumakain ng breakfast.

"Ha? Sigurado ka? Kahit wag na. Magpapasundo nalang ako kay manong Pert." Sabi ko nalang. Kasi hindi ako komportable na pumupunta siya ng school. Palagi kasi kaming pinagtitinginan ng mga studyante nun. Ewan ko ba pero naiirita ako pag nakikita kong nakatingin sila kay Jackson.

"Hindi pwede. Hindi makakarating si Manong, pinauwi ko muna sa kanila kasi nagkasakit yung anak niya." Mahinahon niyang sabi habang hinihiwa ang hotdog na nasa pinggan niya.

"Edi magcocommute nalang ako. Madali lang naman yun eh." Madali kong sabi para lang pigilan siya sa kanyang balak.

"No. Basta hintayin mo ko sa waiting area niyo and that's final." Medyo napipikon na sabi niya.

"Edi okay." Sabi ko nalang mukha kasing wala na kong magagawa dahil sa tono palang niya. Then pinagpatuloy ko na ang pagkain at ininom ko narin yung milk na nasa baso ko.

Pagkatapos namin kumain ay inihatid narin niya ako sa school bago siya pumasok sa trabaho niya. Then niremind na naman niya sakin na susunduin niya ako mamaya. So di na ako umangal pa kasi baka mamaya mapikon na naman siya sakin.

Pagkatapos ng klase ay agad kong tinext si Jackson para sabihin na tapos na yung klase ko.

Then nagreply siya na medyo malelate daw siya ng dating dahil sa may emergency daw sa office kaya anong oras na daw siya nakaalis. Kaya naman naisipan ko munang pumunta sa 7/11 na malapit lang sa university na pinapasukan ko.

Tumitingin ako ng mabibili nang makaagaw pansin sakin ang Pepero (Korean stick biscuit) na gusto kong bilhin. Nung kukunin ko na ay may isa pang kamay na kukuha din nito. Napatingin ako dito at nagulat ako nang tumambad sakin ang crush na crush kong lalaki sa school na si Josh Roderick.

"Ah. Sige sayo na yan. Meron pa naman isa dito, akin nalang tong isa." Nakangiti niyang sabi at kinuha ko na nga yung pepero na nahawakan namin dalawa.

"Ah. Sige salamat." Nakangiti at nahihiya kong sabi, ikaw ba naman na makita mo ang matagal mo ng crush, hindi ka ba mahihiya?

"Oo nga pala. Madalas ka ba dito?" Sabi niya habang nakasunod siya sakin papunta kasi ako sa side ng mga fridge. Kukuha lang sana ako ng soda.

Nagulat naman ako kasi dati naman madalas akong nagpapapansin sa kanya then parang bigla nalang niya akong napansin. Gumanda ba ko lalo ngayon?

"Hmm. Hindi eh, minsan lang kapag naisipan ko lang." Nakangiti kong sabi, sabi nga nila pacute ng unti sa crush mo. Haha.

"Ah ganun ba? Let me take that for you. It's my treat. Pati narin tong Pepero." Nakangiti niyang sabi nang makuha niya ang soda na kukunin ko sana sa loob ng fridge.

"Oh. Okay. Thanks." Nahihiya kong sabi wala na kong nagawa pa dahil kinuha niya sa kamay ko ang mga dala ko, tsaka baka sabihin niya ang arte ko baka maturn off sakin. Napailing ako sa naiisip. Binayaran na nga ni Josh ang mga bibilhin namin at pinalagay niya yun sa magkahiwalay na plastic, para sa amin dalawa.

"Oo nga pala san ka na pupunta? Uuwi ka na ba?" Tanong niya habang inaabot niya sakin yung plastic ng pepero at soda ko.

"Hmm. Hindi pa eh. Dun lang muna ako sa waiting area. May susundo daw sakin eh."

"Ganun ba? Ihahatid na sana kita sa inyo." Nadisappoint na tono na sabi niya. Then naglakad na kami papuntang waiting area. Tapos umupo narin ako at umupo rin siya sa tabi ko.

"Hindi. Okay lang naman ako eh." Sabi ko nalang kasi baka mamaya magalit pa yung mokong na yun kapag sumama ako dito sa lalaki ng walang paalam.

'Wait! What's going on to you Krisza? Bakit ka nag-aalala sa sasabihin nung nilalang na yun? Tsaka wala naman siyang karapatan na magalit kasi wala ka rin naman ginagawang masama. Hindi ba" Sabi ko nalang sa isip ko.

Para bang nagtatalo yung isip at puso ko sa gusto kong gawin ewan ko ba kung bakit?

"Oo nga pala. Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. I'm Josh Roderick. Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi habang inaabot sakin ang kamay niya para makipag shakehands.

"Oh. Nice to meet you too." Nakangiti kong sabi kahit na alam ko na ang pangalan niya. Syempre painosente ng unti. Kunwari di ko alam inabot ko na ang aking kamay para makipag shakehands. Inabot naman niya ito at nagpakilala na din ako."Ako nga pala si Krisza----"

"Kriszalyn Fonte. Yeah. I already know you." Nakangiti niyang sabi then nag shakehands na kaming dalawa. Medyo nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin iniexpect na kilala ako ng crush ko.

"Pano mo ko nakilala?" Shock na shock na tanong ko.

"Hmm. Dahil sa kilala ang company niyo? At sikat ka rin kaya sa school natin." Sabay ngiti niyang sabi.

"Oh. Okay." Sa sobrang gulat ko ay kitang kita parin sa mukha ko ang pagka shock sa aking nalaman sabay iwas narin sa tingin niya dahil nahihiya talaga ako sa mga sinasabi niya sa mga oras na to. Tingin ko kasi, kahit alam kong kilala ang company ng family namin ay di naman ako ganun kakilala sa school.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin dalawa. Kaya naman habang tahimik kaming dalawa sa pagkain ay biglang nagring ang phone niya.

"Wait. Excuse me. I just need to answer this call." Pagpapaalam niya sakin.

Tumungo nalang ako bilang sagot dahil kagat kagat ko sa ang isang stick ng pepero biscuit. Umalis muna siya saglit papunta sa isang tabi para kausapin yung tumawag sa kanya mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik narin siya habang kamot kamot ang ulo.

"Ahm. Kriszalyn, I really need to go now. May biglaan kasing pinagagawa yung daddy ko eh. Gusto pa naman sana kitang samahan dito kaso kailangan ko na talagang umalis. Maybe next time when I see you again?" Nakangiti naman sabi niya.

"Hindi. Okay lang naman ako dito wag kang mag-alala. Sige next time." Nakangiti kong sagot.

'Bakit ang bait ng lalaking to? I can't imagine ang isang katulad niya ay magiging kasing bait ng ganito and I never thought na mapapansin niya ko kung kailan nasa complicated situation ako ngayon' Sabi ko sa isip ko na medyo nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya.

"By the way, it's really nice to meet you. I know this sounds weird but, can I get your number? I just really want to know you better so that we can be friends. So, can I?"

"Uhm. Yes you can." Medyo nahihiya kong sagot dahil hindi ko iniexpect ang paghingi niya ng phone number ko.

"Here is my phone." Sabay abot niya sakin ng phone niya then nilagay ko na yung phone number ko.

"Thanks Kriszalyn. See you around." Nakangiti niyang sabi habang palayo siya sa kinaroroonan ko. Tinignan ko lang siya hanggang sa sumakay siya sa isang kotseng itim.

"Teka? Anong oras na pero wala pa rin yung lalaking yun." Sabi ko sa sarili ko habang kumakain ng pepero biscuit. Halos paubos na tong kinakain ko wala pa rinkasi siya. Halos one hour na siyang wala, naiinip na ko dahil narin siguro sa wala akong kasama dito.

Then biglang nagring ang phone ko, napataas ang kilay ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello? Nasan ka na?" Tanong ko kay Jackson na may naaasar na tono. Ang tagal niya kasi kanina pa ko naghihintay dito.

"Kriszalyn, sorry medyo malelate pa ko, traffic kasi. Hintayin mo lang ako dyan."

"Hindi, wag na. Mauuna na ako wag ka ng mag-abala pang sunduin ako." Naiirita kong sabi.

"No Kriszalyn, susunduin kita no ma--" Hindi ko na siya pinapatapos pa.

"Bored na ko dito. Mauuna na talaga ako. Period." Then I end the phone call bago pa siya makaangal.

'Kasi naman. Papanga-pangako pero di naman tinutupad!' Sabi ko sa isip ko then nagsimula na akong maglakad papunta sa bus stop.

Tahimik lang akong naglalakad nang biglang may itim na Van na huminto sa harap ko. Nagulat ako kaya napatigil ako sa paglalakad, mas ikinagulat ko nalang ay nang makita ko na bumukas ito at lumabas ang tatlong lalaking may mga takip ang mukha. Bigla nila akong hinawakan at tinakpan ang bibig ko ng isang panyo, papasok ng Van na iyon at bigla nalang ako nakaramdam ng hilo.  

My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon