"Nagugutom ka na ba? Bat kasi ganitong oras kayo natapos sa groupings niyo?" Tanong sakin ni Jackson nang pagkapasok namin ng sasakyan. Sinundo na niya kasi ako nang malamang gagabihin ako, pinauna niya yung mga guard na kasama ko nang dumating siya.
"Hmm medyo. Pero okay lang sa bahay nalang tayo kumain, okay?" Sabi ko sabay ngiti para mapapayag siya gustong gusto ko narin kasing umuwi di ko alam kung bakit?
"Are you sure? We can order sa drive thru." Sabi niya. Tumungo naman ako bilang sagot kaya naman inistart na nga niya ang makina ng kotse.
Hindi ako mapakali sa mga oras na ito kaya inabala ko ang sarili sa pag tingin sa labas. Nakatingin ako sa side mirror nang may mapansin akong kakaiba na lalong nagpabillis ng pagtibok ng puso ko.
"Ah Jackson.." Nanginginig kong tawag sa kanya, nakita ko kasi sa side mirror na may mga nakasunod samin sasakyan ang kakaiba dito ay nakikita ko mula samin ang mga namumula nilang mga mata at nagliliwanag ang mga ito at mas lalong nagpakaba sakin nang lumabas ang ulo ng isa sa mga ito para tignan ako.
"Ano yun? May problema ba?" Tanong niya habang nakatingin sa daan sabay tingin sakin. Tumingin siya sa akiin mga mata at napakunot ang noo niya. Tumingin siya sa side mirror at naramdaman kong bumilis ang pagmamaneho niya. "Kumapit ka." Sabi niya.
Sinunod ko ang utos niya at kumapit mula sa kinauupuan ko. Bumilis lalo ang pagmamaneho niya nakailang liko kami para makaiwas sa mga kasabay na kotse. Nang makarating kami sa madilim na bahagi na di ako alam kung saan lugar ito ngayon ay may naaninagan kami na kotse sa harapan.
Wala na kaming pwedeng likuan kaya wala ng nagawa si Jackson, kundi ang tumigil. Nagmadali siyang magtanggal ng seat belt at tinulungan din niya kong magtanggal ng akin nang makitang nahihirapan akong tanggalin iyon.
Kinakabahan at natatakot kasi talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam bakit kailangan nandito na naman kami sa ganitong sitwasyon?
"Halika, dito tayo." Sabi niya sakin nang makababa kami ng sasakyan, hinila niya ako sa aking kamay at nagmadali kaming lumayo at pumunta sa malawak na damuhan.
"Anong nangyayri Jackson?" Tanong ko, ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko sa kaba.
"Wag kang mag alala, di ko hahayaan masaktan ka okay?" Sabi niya sabay lingon sakin at ngumiti.
Nagawa pa rin niyang ngumiti kahit alam kong nag aalala siya sa akin at sa kung anong pwedeng mangyari.
"Okay." Sagot ko nalang kahit takot ako, para narin hindi na siya mag alala pa.
Napahinto si Jackson nang bigla nalang may humarang sa dadaanan namin, isang bampira, pinapunta ako sa likod ni Jackson at galit na hinampas ang lalaking nasa harapan, dahilan para ito ay tumalbog sa isang puno.
Nagpatuloy kami sa pagtakbo nang maramdaman namin may mga sumusunod samin, naramdaman ko nalang nang may humugot sakin. Naramdaman ko ang matatalas niyang kuko,
"Kriszalyn!" Sigaw ni Jackson nang hilahin ako ng isa sa mga bampira. "Bitawan niyo siya. Ako lang kailangan niyo diba? Pakawalan niyo siya!" Sigaw ni Jackson sa mga lalaking bampira.
"Sumama ka samin, kung hindi, sasaktan namin siya." Sabi ng bampirang may hawak sa akin ngayon. Idinikit niya sa leeg ko ang mahahaba at matatalas niyang kuko.
Pigil hininga kong naramdaman ang pagdampi ng kuko niya sa balat ko. Nakita ko naman si Jackson na naiinis na sa nangyayari at nakikita ko narin ang ilang pagbabago niya na tila ba ay pinipigilan niya sa mga oras na ito.
Huminahon si Jackson at tila ba ay nawalan ng lakas na nagsasabing sasama na siya sa mga ito. Nagdilim nalang bigla ang paningiin ko nang takpan ng may hawak sakin ang akin ilong ng isang panyo. Nawalan ako ng malay dahil dito.
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampirPano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...