"Manang, Si Jackson po?" Tanong ko habang hinihiwa yung hotdog na nasa plato ko.
"Maaga pong umalis si Sir, Maam. May mga kailangan daw po siyang tapusin ngayong araw dahil sa hindi niya pagpasok kahapon. Para po mabantayan kayo dahil nag-aalala po siya sa inyo." Paliwanag ng isa namin bagong kasambahay na si Ling. Agad siyang sinaway ni Manang Elsie dahil sa kanyang kadaldalan.
Napatigil ako sa pag nguya at napakagat sa labi dahil napuyat ata siya kagabi sa pagsabay niya samin sa panonood kagabi.
'Ano ba yan Kriszalyn! Pasaway ka talaga baka di yun makapagtrabaho ng maayos.' Sabi ko sa isip ko habang nakahawak sa mukha ko.
"Ahm.. Manang Elsie? May available po ba tayong driver ngayon?"
"Yes.. Ma'am. May pupuntahan po ba kayo?"
Tumungo ako bilang sagot at nagmadali ng kumain hanggang sa matapos ako at pumunta sa room ko para maligo at magbihis.
"Manong, sa office po ni Jackson." Sabi ko sa driver nang makaupo ako sa may passenger's seat.
"Sige po Ma'am."
Nag start na ngang magdrive si manong. Napagdesisyunan ko kasing dalhan ng tanghalian si Jackson. Para naman makabawi ako sa pang-aabala ko sa kanya kagabi.
"Good Afternoon Ma'am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong sakin ng isang magandang babae na receptionist ng building na ito.
"Can I know kung saan floor makikita si Mr. Jackson Loires? Pwedeng pasabi naman na nandito ako. "
"Yes Ma'am wait for a second. Let me talk to her secretary if ever may schedule po kayo kay sir ngayong araw, for security purposes lang po. Uhm.. can I know your name po?"
"Ah yeah. I'm Kriszaly Fonte. I don't have any schedule but..."
"Oh. You are Ms. Kriszalyn Fonte? Your Mr. Jackson's fiancé?" Nag nod nalang ako bilang sagot.
"Wait for a second lang po Ma'am. I'm going to call Mr. Jackson's Secretary." Nag dial na nga ito sa telepono at may kinausap na sa kabilang linya.
"Naku po Ma'am, nasa meeting pa raw po si Sir Jackson, sa mga oras na ito. Pero papasamahan ko nalang po kayo sa isang kasamahan ko papunta sa office ni Sir. Mukhang matatapos narin naman po yung meeting ni Sir.
"Okay thank you." Nakangiti kong sabi rito.
Maya-maya pa ay may dumati nangang lalaki at inassist na nga ako papunta sa office ni Jackson. Ito na ang pumindot ng kung anong floor ang pupuntahan namin sa nasakyan namin elevator.
"Thank you!" Sabi ko sa lalaki nang makalabas na ko ng elevator. Hindi ko na siya pinalabas pa dahil kaya ko narin naman ang sarili ko. Ngumiti nalang ito at nagbow ng unti sakin.
"Good Afternoon Ma'am. I'm Mr. Jackson's secretary. It is a pleasure to meet you po." Sabi ng isang magiliw na ginang na sa tingin ko ay nasa 40's na ang edad. Sabay abot ng kamay nito para makipagkamay sakin. Agad ko naman itong tinanggap para makipag kamay ng nakangiti.
"Good Afternoon din po." Sabi ko.
"Pasensya nap o Ma'am nasa meeting pa po si Sir ngayon eh. Pero pwede po kayong maghintay sa kanya sa loob." Pagtutukoy niya sa loob ng office.
"Okay lang po yun. I can wait naman po."
"Sige po Ma'am, matatapos narin poi yon mga ilang minuto nalang po. This way Ma'am." Sabi nito sakin habang naglalakad kami papunta sa isang pinto. Binuksan niya ito at tumambad sakin ang malinis at maayos na sa tingin ko ay ang office ni Jackson. Pumasok kami sa loob.
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampiroPano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...