***Jackson's POV***
"Kriszalyn? Nasan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap? Please.. sagutin mo na." Nag-aalala kong sabi habang nasa tenga at hawak-hawak ang aking phone.
Nung dumating kasi ako sa waiting area ng school nila eh wala na siya. Kaya naman dali-dali akong umuwi at nagbakasakaling nasa bahay na siya at nagpapahinga.
"What the hell are you talking!? Anong kailangan pang maghintay ng 24 hours, bago niyo siya hanapin? Alam niyo ba na tao ang nawawala hindi hayop!"
"Anak. Huminahon ka lang. Mahahanap din natin si Krisza." Pagpapahinahon sakin ni mama dito sa police station.
Naisipan ko na kasing ipagbigay alam ito sa pulis para mahanap namin siya agad dahil alalang alala na ako sa kanya. Pero ito kami ngayon, pinaghihintay pa na lumipas ang oras bago siya hanapin.
Napayuko ako sa inis na nadarama dahil kung anu-ano na ang naiisip ko na maaaring nangyayari sa kanya sa mga oras na ito.
Basta ang dinadalangin ko nalang sa ngayon ay sana nasa mabuti siyang kalagayan kung hindi, sarili ko ang sisisihin ko kapag may nangyari sa kanyang masama.
------------------
Tahimik lang akong nakahiga sa aking kama, pilit na pinapakalma ang aking sarili, dahil bigla ko nalang nararamdaman na para bang sumasakit ang dibdib ko.
Masyado na akong nag-aalala kay Kriszalyn. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
*Ring* *Ring*
Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Agad akong huminga ng malalin para naman humupa ang aking nararamdaman.
"Hello?"
"Mr. Jackson~ how are you?"
"Excuse me? Kilala ba kita?"
"Hmm. Maybe? Oo nga pala, hawak namin ang girlfriend mo."
"Huh? What are you talking about?" Nanginginig na sabi ko.
"Hawak namin ang buhay niya. Kung hindi ka pupunta dito ay tiyak na mawawala siya sayo."
"Ano bang kailangan niyo? Pera? Marami ako niyan sabihin niyo lang kahit magkano ibibigay ko! Basta wag na wag niyo lang siyang sasaktan!" Nakakuyom kong sabi habang nanggigil akong kausap ang nasa kabilang linya.
"Hindi namin kailangan ang pera mo, ang kailangan namin ay ikaw. Dapat wala ka rin kasamang pulis kung hindi, isang bala lang tong girlfriend. Itetext ko nalang sayo kung kailan at saan tayo magkikita. Wait lang pala.. may gustong bumati sayo."
"Jackson! Wag kang maniwala sa kanila! Marami sila dito, baka di mo kaya-----" Sabi sa kabilang linya habang may mga tumatawa tapos bigla nalang itong naputol.
"Krisza? Kriszalyn? Hello?" Napasuntok ako sa pader sa sobrang inis ko dahil narin sa wala akong magawa. Kahit anong gawin kong tawag ay hindi nila ito sinasagot.
"Ahhh!" Napasigaw ako sa inis tapos bigla ko nalang naramdaman na bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko, sa sobrang bilis nito ay unti-unti itong sumasakit.
"Ahhh!" Sigaw ko ulit, naramdaman ko na unti-unting lumabas ang pangil ko at nag iba na naman ang kulay ng mga mata ko.
Sa sobrang inis ko pala ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong ilabas ang tunay kong anyo. Unti-unti akong huminahon at huminga ng malalim. Unti-unti din nawala ang pangil ko at bumalik na din sa dati ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampirePano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...