I woke up in my bed happily. Para bang nabuo ako sa mga nalaman ko kagabi.
Pagkabangon ko ay dumaretso agad ako sa bathroom para gawin ang daily morning routine ko. Pagkatapos nito ay bumaba na ko para sana pumunta sa kusina. Nakasalubong ko naman si Manang Elsie habang papunta ako sa kusina.
"Ma'am, nakahanda na po ang pagkain. Kumain na po kayo. Samahan niyo na si sir Jackson." Pag aaya sakin ni Manang Elsie. Tumango naman ako bilang sagot at ngumiti. Dumaretso na nga ako sa hapagkainan, tulad nga ng sabi ni Manang nandito narin si Jackson at magsisimula na sanang kumain.
Napatigil ito sa paglalagay ng kanin nang makita ako. Agad naman akong kumuha ng plato ko at tumabi sa kanya.
"Ako na." Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nakangiti kong sabi sa kanya at nilagyan ko na ng fried rice ang pinggan niya. Nilagyan ko pa ito ng egg, bacon and hotdog.
"Ayan.. Ubusin mo yan ah. Dapat marami kang kainin kase papasok ka sa work. Dapat marami kang energy para matapos ka kagad." Nakangiti kong sabi habang inaayos ang pagkakalagay ng pagkain sa pinggan niya. Napatigil naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Tinanggal niya ng dahan-dahan sa kamay ko ang hawak kong tinidor at ipinatong ito sa pinggan niya. Hinawakan naman nito ang kamay ko at hinalikan.
"Makita lang kita at ang maganda mong ngiti, busog na ko." Nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa aking mga mata.
Natameme naman ako saglit at natawa sa sinabi nito.
"Nako! Kumain na nga lang tayo." Sabi ko habang nakangiti pa dahil sa aking pagtawa at dahil narin sa aking narinig. Kinuha ko na ang kamay ko at kumuha narin ng pagkain at nilagay ito sa aking plato.
Pagkatapos namin kumain ay nagprepare na si Jackson papasok ng office niya.
"Mamimiss kita. Dito ka lang naman sa bahay diba? Wala ka naman lakad at pasok ngayon diba?" Pagtatanong niya nang makalapit sa sala. Nasa sala na kasi ako at nanonood lang ng palabas sa sTV.
"Opo. Wala po. Dito lang ako." Sabi ko nalang dahil wala na kong ibang masabi dahil sa mga pinapakita niyang pag aalala sakin.
"Good." Nakangiti nitong sabi at hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko.
"See you later." Ngiting nakakalokong sabi nito. Lumabas na nga siya ng bahay at sumakay na sa sasakyan nakita ko naman na tumingin muna siya sakin habang nakabukas ang bintana ng sasakyan niya, bago niya ito pinaandar palayo.
-----------------------------
Puno ang saya nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Jackson. Hudyat na nakarating na ito. Alas nuebe na ng gabi na ito nakarating nang tumingin ako sa wall clock. Kasama ko si Manang Elsie dito sa sala habang naghihintay sa pagdating niya.
Pagpasok nito ay tumayo na si manang sa tabi ko at dumaretso na sa kusina para siguro maghain ng pagkain sa dining table. Nakita ko naman si Jackson na di maipinta at parang namomoblema ang mukha nang makapasok na ng tuluyan sa loob ng bahay.
"Anong nangyari? May problema ka ba?" Walang pagdadalwang isip kong tanong dahil nagtaka ako sa itsura niya ngayon lang.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinaupo ko ito sa sofa para makapagpahinga siya. Pumunta ako sa kusina, kumuha ng tubig, at iniabot ito sa kanya.
"Tubig oh." Sabi ko sa kanya sabay abot ng baso. Tinanggap naman niya ito at ininom. Tumabi naman ako sa kanya habang tinitingnan siya at hinihintay ang sagot sa aking tanong.
"Ano kase eh.. May business trip ako tomorrow. Sa Korea daw gaganapin. Mawawala ako dito for three days." Nakatingin sa mga mata kong sabi niya. Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
"Oh? Anong problema dun?" Sabi ko nalang ng nakangiti. Di ko alam pero nakaramdam ng lungkot sa naramdam pero di ko nalang iyon pinahalata.
"Hindi kita makikita at makakasama ng three days. Yun ang problema." Sabi nito ng hindi na makatingin sakin. Halata sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at hinawakan ko ang kamay niya, dahilan para tignan niya ako sa mukha.
"Ano ka ba, kailangan mo yan para sa work mo. Okay lang naman ako dito, pwede naman tayong magvideo call diba?" Nakangiti kong sabi sa kanya to cheer him up.
"Kung pwede ka lang sumama eh kaso may klase ka." Malungkot na naman nitong sabi.
"Magkikita at magkakasama din naman tayo after three days. Don't worry, I'll be safe and sound here." Nakangiti kong sabi para kumbinsihin siya. Kahit na umaayaw narin ang isip ko na umalis siya, pero kailangan kasi trabaho niya yun.
Hinawakan naman nito ang kamay ko na nakapatong lang sa kamay niya kanina at inintertwined sa kamay niya. We hold each other's hand.
"So, pwede ko bang sulitin ang gabing to ng kasama ka?" Nakangiti nitong sabi sakin habang nakatingin sa aking mga mata. Tumungo naman ako bilang pag sang-ayon.
Pagkatapos namin maghapunan, ay napagdesisyonan namin manood ng sine sa mini cinema room ng bahay.
"So anong gusto mong panoorin?" Tanong nito sakin habang namimili ako sa mga CD's na nakastock dito sa cabinet. Nakangiti na siya pero ramdam ko parin ang lungkot niya.
"Hmm. Siguro eto nalang." Sabay bigay ko sa kanya ng CD na napili ko. Isa itong comedy romance.
Umupo na ako at tumabi na siya sa akin pagkasalang niya ng CD. Pinagbuksan naman niya ako ng can ng cola at tig isa naman kami ng pack ng popcorn na binili namin kanina sa malapit na snack store.
Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong, kinuha ni Jackson ang kanang kamay ko dahil nasa kaliwa ko siya at hinawakan ito para magholding hands kami.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I feel so many butterflies in my stomach. I feel safe and comfortable everytime we hold our hands tight.
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampirePano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...