"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Jackson sakin nang makita niya ako sa loob ng ambulance.
"Okay lang ako. Gasgas at pasa lang to galing sa mahigpit na pagkakatali sakin kanina." Kitang kita kasi sa balat ko ang kulay lilang bakas ng pagkakatali ng lubid sakin kanina.
"Shit!" Biglang imik ni Jackson habang pumadyak sa inis ng isang beses at habang nakayuko. Para siyang galit na hindi ko mintindihan.
"Bakit? Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Sabi ko sabay hawak ko sa balikat niya.
"Naiinis lang ako sa sarili ko. Hinayaan kong kunin at saktan ka nila." Nakayuko pa rin niyang sabi.
"Jackson, hindi mo naman to kasalanan. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Tara? Uwina tayo. Ngugutom na ako eh." Sabay tawa ko para naman mapagaan ang pakiramdwm niya at inalalayan na niya akong bumaba ng sasakyan.
Pagpasok namin ng kotse niya ay tahimik pa rin siya at malalim pa rin ang iniisip habang nakatingin sa daan.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko na hawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa manubela na kanyang ikinagulat.
Nginitian ko siya at, "Wag mong sisihin ang sarili mo. Hayaan mo nalang, atleast ligtas na ako. Ligtas na tayong dalawa."
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Ilang segundo din ang lumipas tsaka lang nag sink in sa utak ko ang ginawa ko. Kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko alam kung sa ginawa ko ba siya natawa o sa naging reaksyon ko sa aking nagawa.
Habang nasa byahe kami ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sakin mula sa itaas ng salamin ng kotse niya. Habang ito ay nakangiti at mukhang maganda ang mood niya. Napangiti nalang ako sa nangyari.
"Jiha! Kakain na." Pagtawag sakin ni Manang habang nakatok sa aking pinto.
"Opo. Bababa na po." Sabi ko habang nagkukusot ng aking mata.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad kong nakita si Jackson na tahimik na kumakain. Bagong-bagong ligo ito dahil sa mukhang mabasa pa niyang mga buhok at mukhang malambot ito dahil narin sa paggalaw nito sa tuwing gumagalaw si Jackson.
"Good Morning~" Bati ko sa kanya pagkaupo ko, ngumiti ako.
"Good Morning." Bati niya sakin sabay ngiti.
Bigla naman nakiliti ang buong katawan ko. Para ba itong nakuryente sa mga tingin niya sakin. Ilang minuto din ang lumipas ay tahimik lang kaming kumakain. Napatingin ako sa harap ko kung saan naroon si Jackson at napansin kong nakatingin siya sa aking kamay na may bakas pa rin ng pasa ,na naiwan sa pagkakatali sa akin kahapon. Kaya naman medyo tinago ko ito na kanyang agad napansin, Dahil sa nag iwas na ito ng tingin at nagtuon nalang sa kanyang kinakain.
"Kriszalyn, nalaman na nga pala nila Tita ang nangyari sayo. Kaya naman, napagdesisyunan nilang magsama ka muna ng dalawang body guard tuwing aalis ka ng bahay. May mga guards narin pala dito sa loob at labas ng bahay" Wika nito habang naghihiwa ng ham na nasa pinggan niya.
"Body guards? Are you serious?" Nakakunot noo kong sabi.
"Wag ka ng umangal. Para din naman to sa kaligtasan mo. Habang di pa natin nahuhuli kung sino ang utak ng pagkakakidnap sayo ay pansamantalang makakasama mo sila para proteksyonan ka nila. Hindi ka muna papasok ngayon at magpapahinga ka muna dahil sa mga nangyari next week ka na babalik. Naipaalam na din kita sa school niyo at may inutusan narin akong hihingi ng kopya ng mga lessons niyo." Sabi nito sabay subo ng pagkain.
Wala narin akong nagawa pa at tumungo nalang ako dahil may point nga rin naman siya.
Pagkatapos namin kumain ay agad akong pumasok ng kwarto para magpahinga at magmunimuni. Dahil narin sa wala naman akong maisip na pwedeng gawin.
Medyo nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya naman napabangon ako mula sa aking pagkakahiga. Binuksan ko ang pinto at nakita ko roon sa labas si Jacksoon habang may hawak na first aid kit sa kanyang kamay. Naglulat ako dahil hindi ko inexpect ang pagkakita ko sa kanya dahil akala ko ay pumasok na siya ng trabaho dahil sa suot niya kanina na naka longsleeves na pang office attire.
"Can I come in?" Nakatingin sa mata at nakangiti niyang tanong sakin. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan. Para makapasok siya sa loob.
"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" Nagtataka kong tanong nang makaupo ako sa malambot kong kama. Umupo din siya sa may harap ko bale nasa bandang paanan siya ng kama ko.
"Patingin ako ng pasa mo. Gagamutin ko." Nakatingin sa aking mata niyang sabi.
"Ha?" Punong-puno ng gulat at pagtataka kong tanong. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang narinig ko o nag iilusyon lang ako. Pero hindi nalang ito sumagot at kinuha ang aking kamay. May kinuha siyang kung anong lalagyanan. Marahil isang gamot dahil nilagay niya ang laman nun sa balat ko sa parteng may pasa.
Nagulat ako nang biglang unti-unting nawala ang sakit at ang kulay nitong lila sa aking maputing balat. Mukha na ulit tong tulad ng dati dahil hindi mo na maaaninag kung saan ang bakas nito dati at para bang walang nangyari.
"Anong klaseng gamot yan?" Manghang mangha kong tanong na parang bata. Kinuha ko sa kamay niya yung lalagyan at tinignan ang lama nito ng nakangiti at inamoy amoy ko pa.
"Gamot ito na ang pamilya lang namin ang nakakaalam at ang nakaimbento." Manghang mangha ako sa nangyari kaya naman napasecond look ulit ako sa aking kamay kung saan ako may pasa.
"Thank you, Jackson." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Hindi mo na kailangan pang magpasalamat dahil responsibilidad kong alagaan ka. Ipinapangako ko na hinding-hindi ka na ulit masasaktan at hinding-hindi ko na hahayaang mapalayo kang muli sa tabi at sa paningin ko." Sincere at may halong lungkot na sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako agad humiwalay sa yakap niya at hinayaan nalang na ganito kaming dalawa ng ilang minuto.
Natigil ang yakapan namin nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ito at si Manang iyon na medyo nagulat ang ngumiti ng saglit sa kanyang naabutan. Sinabi nito na may bisita daw akong dumating at nasa baba daw ito at naghihintay.
Dali-dali akong bumaba at naabutan ko si Heart na may namamaga at namumulang mata.
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampirosPano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...