*** Jackson's POV ***
Nasa tapat na ako ng isang malaking gate na sinasabing kitaan namin ng mga kumuha kay Kriszalyn. Nagmamadali akong pumunta dito dahil nag aalala na talaga ako kay Kriszalyn. Ayoko ng mawalay pa ulit siya sakin. Ayoko na.
Kumatok ako sa gate at agad naman may nagbukas nito. Pinapasok ako sa loob kasama ang dalawang lalaki na sumalubong na sa akin mula pa sa gate nang makita kung sino ako. Marahil ay kilala na nila kung sino ako.
"Nasan na siya? Nasan na si Kriszalyn?" Sigaw ko sa mga taong nasa harap ko, bigla naman silang nagsitabi at nakita ko roon si Kriszalyn na nakatali habang may takip sa kanyang bibig sa gitna. Kaya naman napatakbo ako ng wala sa oras at agad ko siyang nilapitan.
"Kriszalyn! Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ko. Then tinanggal ko narin yung takip sa kanyang bibig.
"Okay lang naman ako. Bat ka pumunta ka rito ng mag-isa? Tsaka anong nangyari sa mga mata mo? Bat iba ang kulay? Tapos parang ang putla mo?" Tanong agad niya nang makita ang mga pagbabago sakin. Nagbago ang anyo ko dahil sa nararamdaman kong galit kanina.
"Ah wala to. Wag kang mag-alala sakin." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang pagkakatali sa kanya. Tahimik lang naman siyang tumungo bilang sagot.
"Dito ka lang sa likod ko. Okay?" Sabi ko sa kanya pagkatapos kong matanggal ang mga taling nakapulupot sa kanya kanina lang.
Tumungo lang siya at tinuon ko na ang sarili ko sa mga taong dumukot sa kanya.
"Anong kailangan niyo sakin?" Tanong ko ng may pagpipigil sa sarili dahil alam ko sa sarili ko na kahit ano mang oras ay maaring magpalit ang anyo ko.
"Hmm. Hindi kami ang may kailangan sayo." Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang lider nila bigla itong nawala na para bang bula na ikinagulat ko.
'Hindi to maaari.' Sabi ko sa isip ko. Hindi kaya..
"Oo tama ang hinala mo, isa rin akong katulad mo." Bigla siyang lumitaw ulit pero hawak na niya si Kriszalyn at iba narin ang anyo nito. Nakalabas na ang pangil nito at iba narin ang kulay ng mga mata niya na tila ba sabik na sabik sa dugo.
"Jackson.." Mahina at natatakot na wika ni Kriszalyn.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko sa lalaking may hawak kay Kriszalyn habang nakakuyom ang aking mga kamay.
Bigla silang nawala ni Kriszalyn at napunta silang dalawa sa mataas na parte ng building na iyon.
"As you wish~ " Nakangiti niyang sabi at bigla niyang binitawan si Kriszalyn. Hindi ko na natiis ang lahat kaya naman wala na akong choice kundi ang magbago na ng anyo. Napasigaw ako at naramdaman ko ang paglabas ng pangil ko.
Pagkabago ng anyo ko ay agad akong tumakbo ng sobrang bilis papunta sa babagsakan ni Kriszalyn at dahil doon ay nasalo ko siya ng walang galos.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"Jackson? Ikaw ba yan? Anong nangyayari? Isa ka rin ba sa kanila?" Gulat na gulat na tanong niya sakin.
"Tsaka ko nalang ipapaliwanag sayo ang lahat. Maaari bang dito ka muna sa aking likuran." Binaba ko na siya at pumunata rin naman agad siya sa likod ko.
As I expected bigla naman silang nagsisugod sakin. Ang dami nila, kaya naman hindi naiwasan na magkaroon ako ng mga sugat.
Hindi ko iniexpect na may mga natira pa palang bad vampires dito sa Pilipinas.
Ginamit ko ang aking kapangyarihan para mapuksa ang bawat bampirang lumalapit sakin. Habang si Kriszalyn naman ay takot na takot na nasalikuran ko habang ito ay nakakapit sakin.
Sa sobrang dami nila ay di ko napansin na may dalang isang sandata na epektibo sa mga bampirangkatulad namin ang isa kong kalaban kaya naman ako ay kanyang nasaksak sa aking braso.
"Kriszalyn! Tumakbo ka na paalis, ako ng bahala dito." Sabi ko sa kanya ng walang pag aalinlangan. Kahit alam kong natatakot at nagtataka si Kriszalyn sa itsura ko ngayon. Pero mas iniisip ko ngayon ang kaligtasan niya.
"Paano ka?" Nag aalala niyang sabi. Kita ko sa kanya ang takot at pag aalala narin. Nababasa ko sa kanya ang lahat ng iniisip niya habang tinitignan ko ang mga mata niya.
"Kaya ko na to. Mas mapapanatag ako kung aalis ka na. Sige na!" Sigaw ko sa kanya. Kitang kita ko sa kanya ang halo-halong imosyon, may takot at pag-aalala sa kanyang mga mata. Ikinagulat ko nalang nang makita ko na biglang tumulo ang kanyang luha habang paalis siya sa tabi ko.
Dahil dun ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking isip na bago sa akin. Naramdaman ko nalang na para bang may malakas na energy ang dumaloy sa aking katawan at di ko sinasadyang makapaglabas ng malakas na kapangyarihan mula sa aking kamay na nakapagpatalbog palayo sakin ng mga kalaban ko pang bampira. Bigla naman nagliwanag sa may bandang pintuan ng building na pinasukan ko kanina lang at tumambad sakin ang tatlong magigiting na taga pagtanggol ng aking ama. Agad nilang tinalo pa ang iba at nang magapi nila ang lalaking lider ng lahat ay agad akong lumapit para itanong kung sino ang nag-utos sa kanila para gawin sakin ito.
"Hindi ako magsasalita!" Sigaw niya, tinanong ko kasi kung sino ang nag utos sa kanya na gawin ang lahat ng ito.
"Hindi ka talaga magsasalita ah..." Sabi ko sabay labas ng isang sandata na ginamit sakin kanina para saksakin ako sa braso.
Itong sandata (kutsilyo) na ito ang papatay samin mga bampira. Kapag nadaplisan naman nito ay hindi ito naghihilom agad. Hindi tulad ng mga karaniwang sugat mula sa karaniwang espada ay agad na naghihilom na para bang isang kisap mata lamang at para bang walang nangyari sa mga katulad namin bampira.
Inilapit ko sa kanya ang hawak ko na talaga naman kinatakot niya.
"Aamin ka ba? O gusto mong mamatay ng maaga?" Pagbabanta ko sa kanya habang nilalapit lalo sa leeg niya ang espadang hawak ko.
"Tama na. Aamin na ako!" Pag mamakaawa niya.
"Sino? Sabihin mo!" Sabi ko na may tono ng galit.
Pilit ko rin binasa kung ano ang nasa isip niya kaso hindi ko iyon magawa. Para bang may kung anong nakaharang na kapangyarihan sa kanya na nagagawa lang ng mga masasamang bampira.
"Mahigpit na pinaguutos ni Sir----- Ah!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may tumamang pana sa kanyang dibdib na ikinawalang malay ng lalaki.
Tinignan ko ng mabuti ang pana at nakita ang pamilyar na logo.
"Hindi ito maaari."
BINABASA MO ANG
My Future Husband is a Vampire?
VampirePano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya? Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao? Handa ka ba...