Chapter 8

663 22 0
                                    

*** KRISZALYN'S POV ***

'Teka? Bat nandito ako sa kama? Ang huli kong naalala, nakatulog ako dun sa kubo tapos.. ay oo nga pala, dumating nun si Jackson. Baka binuhat na naman niya ako. Nakakahiya tuloy palagi nalang niya akong binubuhat tapos palagi ko pang tinutulugan. Haisst..' Sabi ko sa isip ko, kakagising ko lang kasi at pagmulat ko ay mag isa lang ako sa kama.

'Baka siguro lumabas lang si Jackson, makaligo na nga muna. Baka sabihin nun ang baho-baho ko. Teka-teka bat ko nga ba iniisip kung anong iisipin nung lalaking yun. Paki ba niya.' Sabi ko ulit sa isip ko at tumayo na ako para pumunta ng banyo. Nang malapit na ako sa tapat ng pinto ay bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang half naked na katawan ni Jackson na medyo basa habang nagpupunas ito ng towel na nasa ulo niya.

'Oh My G! Waaaah! My virgin eyes. Di ko akalain na may abs pala tong lalaki na to.' Sabi ko sa isip ko. Palagi kasing loose na shirt ang nakikita kong suot ni Jackson. Kaya hindi bakat yung 8 packs abs niya.

Bigla ko naman nakita ang pag-smirk ni Jackson at nagulat ako ng palapit ito ng palapit sakin.

"Jackson? Anong ginagawa mo?"

Hindi ito sumagot at patuloy lang ang paglapit at ako naman atras lang ng atras.

"Jackson! Ano ba! Di ka nakakatuwa."

Palapit siya ng palapit hanggang sa matigil na ako sa pag-atras dahil may pader na sa likod ko.

"Don't you wanna look at my body babe? You can see it clearly if you want to. Just tell me."

"Huh? Anong sinasabi mo? Kumain ka na ba ha? Gutom ka na ata eh. Kung anu-anong sinasabi mo."

"Hindi pa eh. Pwede ba kitang kainin?"

"Huh?"

"Hahaha! Just kidding." Sabi nito sabay kurot sa ilong ko.

"You look so cute with that reaction. Hahaha" Dagdag pa nito Sabay layo na sa akin habang tumatawa pa rin.

"Che! Lakas ng trip mo no?" Sabi ko nalang, nakakaasar kasi.

"Sige. Maligo ka na ang baho mo na kase eh!" Sabi nito. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon