Third person's POV
"Thundeeeeeerr!!!! Bumalik ka dito!!!!" umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw sa buong hallway. Narinig niya ito kaya kumaripas lalo siya ng takbo.
Takbo lang siya ng takbo. Hindi niya alam kung saan siya dadaan at patungo. Paniguradong haharangin siya lahat ng nurse o kahit sinong empleyado ng ospital na makakasalubong niya.
Tumakbo siya papunta sa kwarto ng mga batang pasyenteng katulad niya. Nahagip ng mata niya ang isang kwarto sa pinakasulok nito. Pumasok siya don at nagtago.
Nakahinga ng maluwag si Thunder ng walang ibang tao na nakakita sakanya pumasok sa kwarto na yon maliban nalang sa batang babae na nakahiga sa kama na natutulog na kasing edad lamang niya.
"Hoy bata wag mo ko susumbong huh?! Lagot ka sakin! Hoy sumagot ka kinakausap kita" inalog niya yung batang babae pero wala itong reaksyon.
"Bahala ka nga! Basta huh?! Wag mong sasabihin nandito ako. Sikretong malupet natin yun. Okay?!" Pakiusap ni Thunder sa batang babae at nagtago na siya sa ilalim ng kama.
Makalipas ang ilang minuto ay mistulang nabagot na ito sa pagtago sa ilalim ng kama. Gumapang siya palabas at sinilip ulit ang natutulog na babae.
Nagtataka siya kung bakit natutulog pa din ito kaya nilapitan niya ang batang babae.
"Alam mo bang masamang matulog na parang mantika?" pilyong sinabi ni Thunder habang nakangisi na parang bang may naisip nanaman na kalokohan.
"Dahil hindi ko alam ang pangalan mo.........." winagayway ni Thunder ang marker. Tinanggal niya ang oxygen mask ng batang babae at dinrawingan niya ng tuldok sa gilid ng ilong nito.
"Tatawagin na kitang Nora! Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso natin lahat!" anunsyo nito habang humahalakhak na parang bang wala ng bukas. Muli siyang tumingin sa bata at nainis na siya ng natutulog pa rin ito.
"Ayaw mo talaga magising huh?!" bahagya niyang niyuko ang mukha niya at tinignan maigi ang mukha ng batang babae. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito.
Iilan inches nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa ng bigla kumurba nanaman muli ang pilyo niyang mukha... Bigla nalang niyang pinisil ang ilong ng bata. Dahil don pansamantalang hindi nakahinga ang batang babae.
"ewan ko nalang talaga kung hindi ka pa magisi-" Nanlaki ang mga mata ni Thunder at natigil siya sa pagsasalita ng narinig niyang bumubukas ang pinto. Napabitaw na lamang siya sa batang babae at napaharap sa pintuan.
"Ikaw bata ka andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Diba sabi ko naman sayo parang kagat lang ng langgam itong injection! Halika na!" pakiusap sakanya ng kaninang pang humahabol sakanya na nurse na hingal na hingal.
"Kuya naman eh! Hindi din naman masarap mangagat ang langgam! Gusto mo ikaw nalang! Pakasal kayo! Ako ring bearer!" giit ni Thunder na kulang nalang magtatatalon sa inis.
"Diba gusto mo ng guma-" napatigil ang nurse sa pagsasalita sa laki ng gulat nito na nakitang gising ang batang babae.
"Nasan ako? Mommy...." mahinang sambit ng batang babae. Hinang hina pa ito at pinipilit pang magsalita.
"oh Lord! Gising ka na!" sambit ng nurse at kumaripas ng takbo palabas pata tumawag ng doktor.
"Si... sino ka?" nauutal na sambit ng batang babae ng napatingin kay Thunder.
"Ako si...... Iron Man!!!!" taas noo nitong sinabi habang natatawa at kumaripas ng takbo palabas.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤