Thunder's POV
Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto niya. Pumasok ako sa kwarto ko at napasandal sa pader. Hawak hawak ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang bang anytime sasabog na siya. Saglit akong pumikit at nakita ko ang maamo niyang mukha. Yung cute na ilong niya. Perfect eyebrows. Kissable lips nya. Shet teka nga! Bakit ba ganun ang naiisip ko?!
"Aba nababaliw nanaman akong alaga ko. Nakapikit na nakahawak pa sa dibdib tapos nakangiti ng parang nang walang bukas." pang aasar na sambit ni Tanda sakin. Hindi ko namalayan nakangiti ako habang naiisip ko yung mga yun. Panget kasi.
"Ha?! Ano?! Iniisip ko kasi yung paghahabol mo sakin kanina. Nakakatawa ka kasi. Parang kang susong pinagkaitang sa height at buhok" sambit ko sakanya habang humahalakhak.
"Walangya ka talagang bata ka. Wala ka ng ibang ginawa kundi pagurin at laitin ako" napangisi na lamang si Mang petes habang sinasabi ito sakin.
"Nga pala. Sino yung nasa kabilang kwarto? Himala atang may nangahas na maging kapitbahay ko? Tagal ng bakante yan kwarto na yan ah." tanong ko sakanya habang lumundag ako sa kama ko.
"Ah. Siya si Heaven. Dati na siyang naadmit dito. Bata ka pa nun kaya baka di mo na maalala. Magkaedad nga lang ata kayo eh." sambit niya. "bakit type mo?" dagdag niya.
"PORKET TINANONG KO LANG TYPE NA AGAD?! Solenn pa din ako." palag ko.
"Sus. Ikaw talaga. Oh siya inumin mo na tong gamot mo at sisilipin ko lang si Heaven sa kabila." inilapag niya ang mga gamot sa side table ko at lumabas na siya. Agad naman akong dumikit sa katabing pader na nagsisilbing harang sa dalawang kwarto.
Kumatok si Mang Petes sa kwarto ni Heaven. Nilock ata niya dahil sakin.
"pasensya na po!" sambit niya. "may weirdong lalaki po kasi na pumasok sa kwarto ko kanina. Nag iingat lang po." paliwanag niya kay Tanda.
"Ako weirdo? Gwapo naman" bulong ko sa sarili ko habang nakangisi.
"Hija, maputi ba at matangkad yung lalaking sinasabi mo?" tanong ni tanda. Malamang ako yun.
"Yeah that idiot looks like that." pag agree niya kay tanda.
"Yan idiot na sinasabi mo siya si Thunder. Wag kang mag alala hija, Harmless naman siya kahit mukha siya harmful. Pilyo lang kahit na sira ulo yun mabait naman yun." pag papakilala ni Tanda sakin. Siraulo to ah!
"Hoy tanda na mukhang paa! Narinig ko yun!" bigla ko nalang nasabi yun sakanila ng pasigaw.
"Oh bakit? Totoo naman eh!" sigaw pabalik ni Tanda.
Bwisit na matanda yun. Kung ano ano nanaman sinasabi tungkol sakin. Di bale ng mukhang weirdo gwapo naman. Yun ang mahalaga. Sapakin ko siya eh. Tss. Muli ulit akong nakinig sa usapan nila.
"Okay lang po ako pero ayoko talaga dito. Pero wala naman akong magagawa. Salamat nalang po." sambit ni Heaven kay Tanda.
Kung gusto niya umalis sa lugar na to what more pa kaya ako na walong taon gulang palang nandito na.
Parehas kami.
Parehas namin gustong umalis na sa lugar na to.
Parehas namin hinahangad na maging normal na tao muli. Lahat naman ng pasyente dito yan ang nais.
Pero at the end of the day wala pa rin kaming magagawa. Kinakailangan nandito kami para magpagaling.
Gagaling pa ba ko? I don't think so. Nagpapakasaya lang ako sa harap nila para di nila makita at mapansin ang sakit na iininda ko sa araw araw.