Heaven's POV
It's 1:29am in the morning and i still can't sleep. Oo sobrang hate ko matulog pero ngayon gustong gusto ko ng matulog dahil sa kahihiyan. Bwisit na Thunder yan.
¤ FLASHBACK ¤
"Hoy lecheng kidlat ka bumalik ka dito!" sigaw ko sakanya habang hinahabol ko siya. Naghahabulan kami dito ngayon sa ospital. Manakot ba kasi?! Bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Inikot ko ang buong pasilyo pero di ko siya makita paglingon ko......
Bigla nalang akong nabangga ng kung sinoman at napahiga kami sa sahig. Pagdilat ko si Thunder ang nakabanggaan ko. Nasa ibabaw ako ni Thunder ngayon. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Sorry! Di ko sinasadya!" agad akong tumayo at umiba ng tingin. Agad din siyang tumayo at ngumisi.
"sa susunod kasi tumingin ka naman sa dinadaan mo." sambit niya habang inaayos niya ang bonet niya. Nag umpisa na kong maglakad ng mabilis. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig Ang kamay ko. Sobrang awkward ng nangyari kanina.
"Hoy Heaven! Hintay! Bilis naman nito!" reklamo ni Thunder habang nakasunod sakin. Hindi ko siya pinansin. Ayoko siyang pansinin. Nahihiya kasi ako. Buti nalang walang nakakita samin. Buti nalang talaga.
"Uy! Peace na tayo!" sambit ni Thunder.
Agad agad akong pumasok sa kwarto ko at napasandal ako sa pinto. Sa wakas nakahinga na ko ng maluwag. Hindi na rin nangahas na kumatok si Thunder. Siguro nakaramdam na din siya. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ako ng kumot. Oh God bakit ba nangyayari sakin to?? Ugh.
¤ END OF FLASHBACK ¤
Napagpasyahan kong pumunta sa cafeteria sa baba. Bukas pa naman siguro yun for sure. Kinuha ko ang jacket ko at ang polaroid cam ko just incase i got bored, lowbat na din kasi ang ipad ko.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni Mang Petes, bawal ng lumabas ng kwarto kapag 10pm na. Malapit lang sa opisina niya ang elevator kaya sa hagdanan nalang ako dadaan.
Nakaikang hakbang palang ako pababa ng makita ko na may isang lalaki na nakaupo si gilid ng hagdan. Nakatalikod siya mula sa akin pero nakilala ko siya dahil sa suot niyang hoodie. Simula kasi ng pagdating ko dito suot lang niya lagi ang black hoodie niya. Hindi ba uso laba sakanya?
Aakyat nalang sana ako pabalik ng marinig kong siyang suminghap parang bang hirap na hirap siyang huminga.
"Thunder okay ka lang?" hindi ako nagdalawang isip na bumaba at lapitan siya.
Parehas kaming nagulat sa isa't isa. Siya di niya ineexpect na makikita ko siyang ganto at ako naman gulat gulat nang makita kong napakaraming dugo sa sahig.
Hindi ko maiwasang maawa sakanya lalo ng nakitang kong hirap na hirap siyang huminga habang umaagos ang dugo sa ilong niya. Hirap din siyang magsalita kaya itinaas nalang niya ang kanyang kamay na parang bang pinapaalis niya ko.
Pakiramdam ko ang sama sama kong tao kapag umalis ako kaya tinabihan ko siya at hinawakan ko ang nanginginig at nanlalamig niya kamay tinignan siya sa mata.
"Thunder! Hinga ng malalim!" giit ko at sinabayan ko siya sa paghinga ng malalim. Nakapako ang mga mata namin sa isa't isa habang ginagawa ito.
Di ako expert sa mga ganitong bagay pero i guess it worked kasi ilang sandali lang unti unti ng bumabalik sa normal ang paghinga niya.
Bigla nalang niya kong binitawan at tumungin sa mga hagdan pababa. Pinunasan niya ang mga dugong nagkalat sa hagdanan habang patuloy pa rin ang pag agos ng dugo niya mula sa ilong.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at inabot sakanya pero tinignan lang niya ko.
"Take it." imbes na kunin niya ang panyo tinitigan niya lang ako. Ako na mismo kumuha sa kamay niyang puro dugo at pinunasan ito.
"if you're not feeling well you can always tell Kuya Petes." sambit ko sakanya habang nakangiti. Hindi siya sumagot sakin nakatingin lang siya sa kawalan.
Tumayo na ko at iniwan sa tuhod niya ang panyo ko.
"Balik mo yan panyo ko ha? Labab mo mabuti ayoko ng may mantsa yan pagbalik sakin hehehe" biro ko sakanya pero akatingin pa din siya sa kawalan.
"Tara sa cafeteria, Libre ko" nakangiti kong sambit at bumaba nalang. Naiilang na talaga ako kaya di na ko lumingon pa sakanya.
------------------------
Napatingin ako sa paligid konti kang ang ocupadong lamesa dito. Halos lahat ng nandito nagkakape lang.
Umorder lang ako ng juice at sandwich nagulat na lamang ako ng biglang may tumabi sakin at nag order din. Tinignan ko siya, si Thunder lang pala. Namumutla pa din siya pero mas okay na siya ngayon kesa kanina.
"Ate dalawang order ng spaghetti at isang sandwich nga." dagdag ni Thunder at tumingin sakin.
"Teka sandwich lang order ko!" giit ko sakanya.
"Order ko yan. Diba sabi mo libre mo?" pilyo niyang sambit at ngumiti ng nakakaloko at kinagat ang labi niya. Weirdo talaga nito. Kanina ang seryo-seryoso ngayon natitimang nanaman.
Akala ko bubuhatin niya ang tray kaso iniwan ako ng loko at umupo ma sa bakanteng table. Walang akong magawa kundi irapan na lamang siya.
-------------------
Napatingin ako sa orasan ko. It's almost 3am na pero wala pang kalahati ang nakakain ko sa sandwich ko habang si Thunder pangatlong serving na ng spaghetti ang nilalamon niya. Oo nagpahabol pa siya kapal ng mukha diba.
"Maraming taong nagugutom at walang pambili ng pagkain kaya wag kang mag inarte" sambit ni Thunder habang ngumunguya.
"Wala akong gana eh."
"Eh bat pumunta ka Pa dito kung wala ka palang gana?" tanong ni Thunder habang ngumunguya. Nakakainis talaga. Mas masahol pa sa baboy kung kumain. Di ata siya naorient na "Dont talk when your mouth is full" smh.
"Akala ko kasi masarap pagkain dito malay ko bang hospital foods pa din" sagot ko sakanya habang nakangisi.
"Masasanay ka din magsabi ka nalang kay Tanda bukas kung anong gusto mong pagkain pagbibigyan ka naman nun eh." giit niya.
Naalala ko nung mga bata pa kami, tuwing gusto namin ng midnight snack ay may pinupuntahan kami ng pamilya ko na lugar para kumain. Alam ko malapit lang yun dito. Mapuntahan nga.
"Thunds samahan mo nga ako." pagyaya ko sakanya.
"Saan?" tanong niya.
"Basta!" giit ko.
"Saan nga!"
"Basta nga!"
"sa labas ba? Nako Heaven bawal tayong lumabas. Alam mo naman yun diba?" sambit niya at tumango tango nalang ako.
"Gusto mo makatikim ng masarap na pagkain ngayon? Libre ko." sabi ko.
"Tara! Habang wala pa yung guard!" tinuro niya ang daan sa exit at hinila na ko at nagtatatakbo na kami palabas.
- END OF CHAPTER 5 -
Author's Note
Sorry kung maikli lang. Hehehe! Nagutom ako bigla tara kain tayo.
> Weirdong_Writer <