CHAPTER 6

342 10 4
                                        

Third Person's POV

Bumaba ng jeep sila Heaven at Thunder sa tapat ng isang kainan.

"Sigurado ka ba dito? Safe ba pagkain dito?" tanong ni Thunder habang nakangiwi at kamot ang ulo niya.

"Ofcourse yes! Aling Goreng's Famous Mami since 1901. Open 24hours serving the best Mami in town!" taas noo sinabing ni Heaven kay Thunder at hinila na niya to sa loob para umorder.

Nag iinarte sa una si Thunder sa kadahilanan baka Daw di maayos ang pagluto sa mga pagkain doon pero sa huli napakain din ni Heaven ito ng pagkain doon.

Heaven's POV

Napangiwi ako habang pinagmamasdan ko siyang kumakain. Actually di kain ang ginagawa niya. Lamon kung lamon. Parang kanina lang halos puro reklamo at tanong siya kesho baka madumi pagkakaluto o kaya di maayos ang pagkakaluto tapos eto siya ngayon lamon to the highest level. Kalalakeng tao ang arte arte. Pang limang order na niya ng mami tong kinakain niya.

Kinuha ko ang camera ko at pinicturan ko siya. Nagulat siya dahil sa flash ng cam ko.

"Stalker ba kita?" napatigil siya sa pagkain at kumunot ang noo niya.

"Kapal mo. Never. Asa ka pa." taas noo kong sambit sakanya habang pinapaypay ko ang litrato para lumitaw na ang imahe.

Napangiti ako ng masilayan ko ang imahe ni Thunder habang sarap na sarap sa pagkain ng mami. Inabot ko sakanya ang litrato niya.

"It's always good to keep memories." sambit ko sakanya. Bigla nalang niya inagaw ang camera ko at kinuhanan niyo ko. Nakakainis! Stolen shot kaya ayun tawa siya ng tawa. Mabilaukan sana tong timang na to.

"Mukhang ang saya ninyo ha?" sabi ng isang matanda na nagdala ng isa pang order ng mami sa table namin.

"Gusto niyo kuhaan ko kayo ng magkasama?" tanong ulit ng Ale at mapatingin lang kami ni Thunder sa isa't isa.

Tumango si Thunder sa Ale at inabot niya agad ang camera.

"Atleast may remembrance ako kasama ang isang tuod." pang aasar ni Thunder. Tumabi siya sakin at kinuhanan na kami ng Ale ng litrato.

---------------------

"Thunds! You just ate 5 bowls! Hindi ba sumasakit tiyan mo?" napangiwi nanaman ako sakanya habang pinapanood siyang kumain ng pang anim na order ng mami.

"Tss. Kahit 100 na order ng mami kaya kong kainin!" taas noo niyang sambit sakin habang sumusubo ng noodles. Aba ang yabang.

"Talaga lang ha?" sarcastic kong sabi.

"Oo naman! Hinahamon mo ba ko Heaven?"

"Kaya mo ba?" tanong ko.

"Oo naman! Ganto. Pinapangako ko sayo makakaubos ako ng 100 na order ng mami sa isang upuan bago ako mamatay!" pagmamalaki niya kaya natawa nalang ako.

*******************

After 6 months....

Lalabas na sana ako ng banyo ng bigla na lamang sumulpot si Angel. Naupo si Angel sa kama ko habang nakangisi.

"Salamat Heaven." sambit niya.

"Para san? Angel naman! Uso katok bago pumasok! Kabute ka din eh!" Lumabas ako ng banyo ko at umupo sa upuan sa tapat niya.

"You saved us all from Thunder's wrath. Alam mo bang simula ng dumati ka dito naging payapa ang buhay namin?" Aniya.

"Payapa sainyo? Tapos impyerno sakin? Solong solo ko lahat ng kalokohan ng timang na yan. How nice." sarcastic kong sinabi sakanya.

Dying To Live Again [ALDUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon