Third Person's POV
"Paano ka ba nakatagal sa lugar na to?" tanong ni Heaven kay Thunder habang yakap niya ang tuhod niya parang bang inaantok ito.
"Ewan. Siguro dahil pinilit ko ang sarili kong maging matatag at tsaka andito naman si Mang petes kaya di ko nararamdaman na magisa ako tsaka may mga naging kaibigan na din ako bukas papakilala ko sila sa---" napatigil si Thunder sa pagsasalita ng maramdaman niyang nakasandal na ang ulo ni Heaven sa balikat niya. Hindi siya makagalaw sa mga oras na yun na parang bang isa siyang statwa. Paunti unti niyang sinilip ito at napansing nakatulog na pala. Napangisi na lamang si Thunder.
"Bastos ka din noh? Magtatanong ka tapos tutulugan mo ko? Ihulog kaya kita?" Binuhat niya si Heaven. Tinignan niya ang maamong mukha ng dalaga. Napangiti siya sa mga oras na yun habang nakatitig ito siya kay Heaven.
Maayos at maingat niyang inihiga si Heaven sa kama. Nilagyan niya ng kumot at inayos niya ang buhok nito.
"Goodnight Heaven. Wake up agad agad ha? Ang panget mo kase." sambit ni Thunder habang nakangiti ito.
-------------------------------------------
Kinaumagahan...
"Uy bro! Ang aga mo naman yatang bumisita sa kapitbahay mo. Ehem."
"Bakit bawal? May ubo ka? Halika tapikin natin likod mo" sambit ni Thunder habang nakangisi.
Pumasok si Thunder sa kwarto ni Heaven sumunod din naman ang kaibigan niyang si Drey.
"Pustahan magigising na siya ngayon" sambit ni Thunder habang nakatingin kay Heaven.
"Eh pano kung hindi?" giit ni Drey.
"Edi kikidnapin ko psp ni Flare at itatago ko eh pag tama ako?" giit din ni Thunder.
"Edi ako na magtatapon ng psp ni Flare." sagot ni Drey habang nakapangalumbaba sa wheelchair niya.
"Ang ingay niyo!" sambit ni Heaven habang nakapikit.
"Bro! Ayoko na! Atras na ko!" pagbawi ni Drey. Tinignan lang siya ng nakakaloko ni Thunder.
"Ilang araw o buwan ako nakatulog?" tanong ni Heaven sakanila habang kinukusot niya ang kanyang mga mata.
"Oras lang tulog mo." sambit ni Thunder habang tinitignan ang libro niya ang libro ni Heaven.
"Baliktad." sambit ni Heaven.
"Ang alin?" tanong ni Thunder.
"Yung libro. Baliktad. Baliktad ka ba magbasa? Weirdong tonta." natatawang sabi ni Heaven. Bigla naman inayos ni Thunder ang libro at kumilos na parang walang nangyari.
"sinadya ko yun. Cool kase" palusot ni Thunder.
Napatingin naman si Heaven sa kaibigan ni Thunder.
"Good Morning! Ako nga pala si Drey!" inabot naman ni Drey ang kanyang kamay kay Heaven.
"Heaven." sambit ni Heaven habang nakangiti ito at inabot ang kamay ni Drey.
"Drey tara na. Nanalo ako." at nagsimula ng tinulak ni Thunder ang wheelchair ni Drey.
"Uy teka san kayo pupunta?!" agad na bumangon si Heaven at sumunod sakanila.
"Brad naman! Di ka ba naaawa sakin?! Disisyete anyos lang ako! Paralisado ang mga paa ko! Wala akong laban don!" pagmamakaawa ni Drey kay Thunder.
Heaven's POV
"Uy! Wag mo na kayang ituloy?? Kawawa naman siya oh" pagpipigil ko kay Thunder. Kawawa naman kasi talaga.
"Kasalanan mo to eh! Bakit ka kasi gumising?!" pagmamaktol ni Drey.