CHAPTER 7

442 11 11
                                        

Third Person's POV

"Will he be okay?" tanong ni Heaven habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya.

"Oo naman. Siya pa ba? Si Thunder Ramirez kaya yun. Sobrang basic lang sakanya yun. Tiwala lang." giit ni Javi habang kumakain ng potato chips.

"Heaven hija?" sambit ni Mang Petes habang kumakatok sa pinto ng kwarto.

"Hi po!" bati nilang tatlo kay Mang Petes. Inilapag niya sa table ang isang paper bag ng mcdo.

"Kinwento sakin ni Drey ang nangyari kanina. Maraming salamat kasi hindi mo sinukuan ang alaga ko." Sabi ni Mang Petes at napangiti na lamang si Heaven.

"Kamusta na po siya?" tanong ni Heaven.

"Gising na siya pero ayaw pa niyang mamansin at kumain." Mang Petes.

"If you like each other then go date each other" otomatikong napalingon si Heaven kay Angel habang nakakunot ang noo.

"Ha?! Ano?!" tanong ni Heaven habang namumula na to.

"Hindi ka naman bingi diba? Bakit ko pa uulitin?" pataray na sagot ni Angel.

"Wala akong gusto sakanya! Asa pa." giit ni Heaven.

"Kung wala kang gusto sakanya.... Bakit concern na concern ka sakanya?!" pagdagdag ni Drey habang nakangisi.

"Oo nga naman sure ka iha?" Natatawa na lamang si Mang Petes sakanila kaya maging siya nakikisali na din sa pang aasar kay Heaven.

"Wala nga sabi! Caring lang ako na tao okay? Kahit naman sainyo mangyari yung gagawin ko yun. Tigil niyo na yan" Giit ni Heaven.

"Hahaha! Ikaw talaga iha di ka mabiro. Pwede bang humingi ng pabor sayo?" Sambit ni Mang Petes.

"Oo naman po wag ka lang magtatanong ng Math hehehe" giit ni Heaven.

Heaven's POV

"Pwede bang kausapin mo siya? Kailangan na kasi niyang kumain para lumakas siya. Mukhang Sayo kasi makikinig Siya eh." sambit ni Mang Petes.

"Yun makikinig sakin? Mukhang malabo po hehe pero sige susubukan ko" kinuha ko ang jacket ko at sinuot ito. Pupuntahan ko na sana si Thunder ng biglang may naisip akong idea.

"Mang Petes okay lang ba Na susunod nalang ako?" paalam ko at tumango na lamang siya.

---------

"Delivery po para kay Ms. Heaven...." hindi ko na pinatapos ang guard sa pagsasalita niya at dali dali kong kinuha sakanya ang dalawang supot at dali daling umakyat sa kwarto ni Thunder.

Pumasok ako sa kwarto ni Thunder. Inilapag ko ang sa mesa at kumuha ng bowl. Sinenyasan naman ako ni Mang Petes ni aalis daw siya at dali dali siyang lumabas ng kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Thunder kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong di pa niya ginagalaw ang pagkain nasa side table niya.

"Ayaw mo ba talaga kumain?" tanong ko sakanya at umiwas lang siya ng tingin sakin.

"Ano ayaw mo ba talaga?" muli kong tanong sakanya at iling lang ang sinagot niya sakin.

"O sige aalis nalang ako kasama itong mami." nagparinig akk at kinuha ko ang supot ng mami. Palabas na sana ko ng kwarto ng biglang...

"Teka lang. Mami? Pahingi..." nauutal na sabi niya kaya napangiti na lamang ako.

-------------------------

"Thunds pwede bang huminahon ka lang? Dahan dahan lang baka mabilaukan ka." paalala ko sakanya habang nakangiwi ako. Iisang order palang ang nakakain ko samantalang siya, nakakatatlo na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dying To Live Again [ALDUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon