CHAPTER 2

343 12 3
                                    

Heaven's POV

Ang taas babang linya na senyales ng buhay ay tuluyan ng pumatag. Lahat ng tao sa loob ay sumisigaw na habang sinusubukan pang gawin ang lahat ng makakaya nila maibalik lang ang buhay ng taong nakahiga sa kama. Bigla na lamang natahimik ang lahat at napatingin sa taong nagmamay ari ng pusong tumigil sa pagtibok. Isang nakakabinging alarm ng machine ang bumalot sa malamig na kwarto na iyon.

Tinignan ng doktor ang orasan at ipinahayag ang isa sa pinakanakakalungkot na oras....

"Time of Death --"

Nagising ako dahil sa isang kalabog. Sa wakas, gising nanaman ako. Iilan minuto, oras, buwan at taon nanaman ba ako nakatulog? Sigh.

Nanaginip pala ako. Hindi pala akin ang pusong tumigil sa pagtibok, akala ko mamamatay na ko... Akala ko di na ko magigising. Isang masamang panaginip lang pala. Pero bakit parang totoo yun? Premonition ba ang panaginip na yon? Ganun na ganun ba ang mangyayari sakin? Bukas kaya mangyari sakin yun? Mamaya? Sa susunod na araw? Next month? Kahit anong gawin ko alam kong di ko maiiwasan ang pangyayari na iyon kaya natatakot ako ng lubusan.

Teka ano yun? Bakit parang may nararamdaman akong humihinga malapit sa mukha ko?

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Laking gulat ko nang bumulaga sakin ang mukha ng isang tisoy na lalaki. Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa at halos nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makakilos. Hinang hina Pa din ako.

Bigla na lamang siyang napasigaw na parang bang nakakita ng multo. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.

"Bata ka! Anong ginagawa mo di--- Heaven?! Gising ka na?!" saway ng nurse sa lalake ng bigla itong napatingin sa akin. Agad agad siyang lumabas ng kwarto at tumakbo kung saan man.

Bumalik ulit ang paningin ko dun sa lalake. Kitang kita pa din sa itsura niya na gulat na gulat siya. Bigla na lamang siyang kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko.

------------------------------

"Mama...." tinawag ko ang atensyon ng aking mama na nagbabalat ng paborito kong mansanas gilid ko. Nakakaupo na ko at medyo nakakakilos na din simula kahapon.

"Mama kailan ako makakalabas dito?" mahinang sambit ko sa aking ina. Lumingon ako sakanya at napansin kong napatigil siya saglit at ngumiti sa akin.

"May gusto ka bang puntahan? Tatlong araw ka din nakatulog. Pwede tayong lumabas bukas. Magpapaalam lang tayo sa doktor. San mo ba gusto pumunta?" malambing niyang sambit sakin.

"Ma hindi yun.... Hindi yun ang ibig kong sabihin... Ang ibig kong sabihin kailan ako makakalabas sa ospital na toh? Kailan ako makakabalik sa paaralan at magkakaroon ng normal na buhay?" malungkot kong tinanong ito sakanya.

Halos buong buhay ko bigla nalang akong makakatulog ng di ko mamamalayan at magigising nalang ako sa isang hospital.

Hindi naman ako lumaking ignorante kahit na ganto ang kalagayan ko. Nakkaapag aral pa din ako kahit papaano yun nga lang kapag umatake ang sakit ko early drop ako. Wala naman masyadong bawal sakin. Nagagawa ko lahat ng gusto ko pero laging may bantay kasi kahit anong oras pwedeng makatulog nanaman ako. Gusto kong pumasok na normal sa isang paaralan, yung matatapos ko ang isang school year. Gusto kong magkaroon ng mga kaibigan. Gusto kong mainlove tulad ng mga tauhan sa mga librong binabasa ko. Ayoko na ng ganto. Gusto kong maranasan antukin at matulog kahit anong oras ko gusto at magising ano man oras. Gusto ko na ng normal na buhay. Gusto ko na maging normal na tao.

"Malapit na." ngumiti si mama at nagsinungaling.

"Malapit na kong maging normal o malapit na kong makatulog tapos never ng magigising?"

"Heaven! Ano ka ba?! Wag kang mag isip ng ganyan! I love you Heaven. I'll visit you every week. Take care of yourself." naririnig ko ang pag nginig ng boses ni Mama. Napapikit nalang ako ng maramdam kong niyakap niya kong mahigpit at matapos niya kong halikan sa pisngi dali dali siyang umalis at hindi na ko nilingon pa.

I guess that's the best way to say goodbye, mas mabuti pa yun kesa makita ko pa ang pag iyak Niya.

Pagkaalis niya kumain na din ako ng tanghalian ko at nagbasa nalang ako ng libro na dala ni mama.

Base sa doktor kinakailangan ko munang tumira dito sa ospital na to para ma examine nila ako at mabantayan.

-----------------------------

Pagkalipas ng ilang oras naramdaman kong may dahan dahan bumukas ng pinto ng kwarto ko. Humiga ako ng maayos at pumikit. Nararamdaman ko ang bawat pag apak ng mga paa Niya. Papalapit ito ng papalapit sa akin. Muli ko nanaman naramdaman ang hininga sa mukha ko. This time may amoy na. Kabadtrip. Bigla akong dumilat at nagulat siya.

"waaaah!!! Bakit ba ang hilig mo manggulat?!" sambit niya habang nakahawak siya sa dibdib niya.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?! Manyakis ka! Kahapon ka pa!" dali dali ko siyang tinulak palabas ng kwarto. Babatuhin ko na sana siya ng hawak kong libro ng bigla na lamang siyang tumakbo palabas ng kwarto.

"Weirdong amoy adobo ang hininga!" sigaw ko at dali dali kong nilock ang pinto.

It's bad enough that i'll be staying in this hospital tapos ngayon kakailanganin ko naman tiisin ang mga weirdong tao dito.

Pero base sa kasuotan niya masasabi kong isa rin siyang pasyente dito. On the bright side, his dimples makes him look kinda --- cute? I think. Matangkad siya. Tisoy. May dimples. Baho nga lang ng hininga. pero subukan lang talaga ulit ng lalaki yun na pumasok dito sa kwarto ko makakatikim siya ng super kick with extra punch sa dingdong at face niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinagmasdan ko ang blanko kong kwarto.

My life has officially sucked more than it ever sucked. Wait, did i mention my life sucks? Nah, my life will be forever sucks.

Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto. Gusto ba talaga nun makaramdam ng sakit ng katawan?! Di ba talaga niya ko titigilan?!

"Heaven! Buksan mo nag pinto!" sambit ng matanda ang boses habang kinakatok ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin kung sino ang kunakatok.

"Hija bawal maglock ng pinto dito. Isa yan sa mga patakaran ng ospital." nakangiting sinabi sakin ng matandang nurse.

"pasensya na po!" natawa nalang ako at binuksan ko na ang pinto. "may weirdong lalaki po kasi na pumasok sa kwarto ko kanina. Nag iingat lang po." paliwanag ko sa nurse.

"Hija, maputi ba at matangkad yung lalaking sinasabi mo?" tanong niya naman at tama naman ang pagdescribe niya.

"Yeah that idiot looks like that." pag agree ko sakanya.

"Yan idiot na sinasabi mo siya si Thunder. Wag kang mag alala hija, Harmless naman siya jahit mukha siya harmful. Pilyo lang kahit na sira ulo yun." tumawa siya. Close siguro sila nung thunder. Ganun na ba siya katagal dito?

"Hoy tanda na mukhang paa! Narinig ko yun!" bigla kaming may narinig na isang sigaw na mula sa kabilang kwarto.

"Oh bakit? Totoo naman eh!" sigaw pabalik ng matandang nurse.

So hindi ko lang pala kasamang nakaadmit yung weirdong ugok na yun? Kapitbahay ko pa? Wow. Thank you Lord! -_-

"Ako nga pala si Kuya Peter. Kuya Petes nalang itawag mo sakin. Ako ang head nurse sa ward na to. Wag kang mahihiya na lumapit o magtanong sakin ha? Okay ka lang ba?" sabi niya sakin habang nakangiti.

"Okay lang po ako pero ayoko talaga dito. Pero wala naman akong magagawa. Salamat nalang po." ngumiti ako at pinilit kong tumawa sa matanda.

- END OF CHAPTER 2 -

Sleeping beauty disease ang tawag Sa sakit ni Heaven. Rare disease siya. Search niyo nalang sa google mahaba kapag inexplain ko pa hehe

Thanks for reading! ALDUB YOU!

Vote, comment and spread!

Dying To Live Again [ALDUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon