Chapter 4

195 10 1
                                    

  Chapter 4

 ~Sachi's POV~

 Nang makarating na kami sa classroom ko, nagpaalam na ako sa kanya.

 "Sky dito na ko. Salamat ulit tsaka ibabalik ko din agad bukas 'tong uniform ng pinsan mo. Lalabhan ko lang nakakahiya naman"

"Okay lang yun ako na bahala sa pinsan ko. Tsaka no prob Rei Rei basta pag need mo ng help nandyan lang ako sa tabi tabi" nakangiting sabi niya 

"Oh sige na Rei pumasok ka na sa room mo dadaan pa kasi ako sa office para malaman ko yung section ko. Nice to see you again bestfriend." dagdag na sabi nito

"Sige Sky. Bye at salamat ulit" nakangiting sabi ko

 Tumango siya at tuluyan ng umalis. Pagkapasok ko sa room lahat sila ay nakatingin sakin kaya yumuko na lang ako hanggang sa makarating ako sa inuupuan ko.

 Pag-kaupo ko may narinig ako usapan ng mga grupo ng babae sa likod ko

 "Uy girl sino kaya yung kasamang lalaki nung maid na yun kanina?" tanong ng babaeng naka-pink sa mga kasama niya

 "Hindi ko nga din kilala eh. Baka transferee. Ngayon ko lang kasi siya nakita" sagot naman ng naka-headband na kulay yellow

 "Pero in fairness ha ang gwapo niya" sabi naman ng naka-blue

 "Sana maging kaklase natin sya para ma-inspired ako" nangingislap na matang sabi ng naka-ponytail

 Hay ang lalandi talaga ng mga to pati ba naman bestfriend ko pagnanasahan nila. Well what's new? Sa tuwing makakakita naman sila ng gwapo lagi silang ganyan. Kung pag-aaral na lang inatupag nila hay palibhasa rich kids eh.

 Nagsi-balikan na ang lahat sa kanya-kanyang upuan at tumayo nang dumating na si Ms. Reyes, our English teacher.

 "Good Morning class you may now sit down" sabi ni Ms. Reyes

 Nang magsisimula na si ma'am mag-discuss biglang may kumatok sa pinto kaya lahat kami ay napatingin sa pinto

 "Excuse me po. Is this IV-Newton?" tanong ng lalaki kay Ma'am

 Hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa labas pa rin siya pero wait. Parang familiar yung boses na yun ah. Parang kilala ko talaga siya eh. Sino nga ba yun??

 "Yes iho ito nga yun. Ikaw yung transferee right?" tanong ni ma'am sa lalaki at tumango ito

 "Okay class you have your new classmate" sabi ni ma'am

 "Iho pumasok ka na at magpakilala" sabi ni ma'am sa lalaki at pumasok ito

 Nang pumasok siya nanlaki mata ko. What the? Si Sky pala. Totoo bang kaklase ko siya? 

 Nag-bulungan at nag-tilian naman ang karamihan sa mga girls. The boys were just deadma.

 "Diba siya yung kasama ni Campus Maid kanina??" sabi ng babaeng na nasa likod ko sa katabi niya

 "Ang gwapo niya talaga" sabi ng babaeng naka-braid ang buhok

 "Be mine!!" sigaw ng babaeng mahaba ang buhok

 At biglang umingay ang klase. Hay parang ngayon lang naman sila naka-kita ng gwapo. Napa-iling na lang ako.

 "Class enough" saway ni ma'am "Now introduce yourself iho"

 "Uhm hi! I'm Nathan Sky Smith you can call me Nathan. Nice to meet you all!" naka-ngiting sabi nito.

 "Okay Nathan you may now take your seat" sabi ni ma'am

 Nang makita niya ako dumeretcho sya sa tabi ko sakto pang vacant seat yun kaya dun siya umupo

 Bat kaya Nathan yung sinabi niya at hindi Sky? Tanungin ko na nga lang siya mamaya ginugulo niya isip ko jusko.

 "Hoy Rei Rei!" sabi niya sabay pitik sa noo ko

 Ouch! Ang sakit nun ha.

 "Uy tama na ang titig matutunaw ako nyan. Hmm siguro na-gwagwapuhan ka sakin noh? Aminin mo may crush ka sakin?" nakangising sabi nito at tumawa pa

 "H-Hoy a-anong nakatitig ka dyan? Wag kang feeling oy. Tsaka as if nagwagwapuhan ako sayo ang hangin mo masyado" sabi ko at sabay irap

 He laughed "Sorry naman Rei Rei ang sungit mo nanaman. Joke lang naman yun eh. Hindi ka pa rin talaga nagbabago"

 Pagkatapos ng klase ni ma'am Reyes ay vacant namin dahil wala daw si Sir kaya tumayo ako at pupunta na lang ako sa canteen. Pero hindi ko aakalain na susundan pala ako ni Sky.

 "Rei saglit! Oy hintay!" sabi ni Sky kaya napa-hinto ako

 "Grabe ang bilis mo naman maglakad" hinihingal na sabi niya

 "Loko ka rin eh noh? Malay ko bang susunod ka pagkatapos mo ko pitikin sa noo ang sakit kaya nun tas inasar mo pa ako" asar na sabi ko

 "Sorry naman sabing joke lang yun eh tsaka bored ako sa room yoko maiwan dun baka pag-fiestahan pa 'ko ng mga babae dun" nandidiring sabi nito

 Napatawa ako dahil na-i-imagine ko na pinagfifiestahan siya ng mga kaklase ko

 "Hay nako dahil nagtatampo ako sayo ilibre mo na lang ako para bati na tayo" with matching pout and beautiful eyes pa yan syempre

 "Sige na nga kawawa naman yang mga alaga mo sa tyan" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko ng tingin at hinila papuntang canteen.

 ~End of Chapter 4~  

~~~~~~~~~~

Author's Note:
     Salamat po sa mga nagbabasa ng story koo kahit na sobrang tagal ko magupdate minsan sana wag po kayo magsawa sa pagbasa ng story koo un lang salamat ulit Love you all ..

"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]Where stories live. Discover now