Since Mother's Day po bukas idinedicate ko po ito sa mga nanay na nagpapakahirap para sa kanilang mga anak. Kaya sa mga anak na hindi pa bumabati sa kanilang mga ina batiin niyo na ng Happy Mother's Day at syempre sabihan niyo na din sila ng I love you. Sana magustuhan niyo po ito. Hindi po ito ang kasunod na chapter para lang po ito sa mother's day ngayon. Happy Mother's Day po. Enjoy reading.
~~~~~~~~~~~~~~Mother's Day Special
~Sachi's POV~
Pagkagising ko tinignan ko phone ko.
Mother's Day nanaman ulit ngayon. I just wish kasama ko pa rin si mommy ngayon pero di bale kung asan kaman ngayon mommy sana masaya ka kasama si daddy. I miss you so much and I love you
May kumatok sa kwarto ko
"Oh Sachi anak gising ka na pala pinapatawag ka nga pala ni Sir Mike " sabi ni Nanay Lordes"Sige po Nay Lordes papunta na din po ako"
Isasara na sana ni Nanay Lordes yung pinto pero pinigilan ko siya at niyakap ito ng mahigpit
"Oh bakit anak? May problem ba?" tanong ni Nanay Lordes
"Wala po Nay gusto ko lang po kayo batiin ng Happy Mother's Day. I love you po" nakangiti kong bati sa kanya at tsaka ko siya hinalikan sa pisngi
"Salamat anak" naluluhang sagot ni Nanay Lordes
"Nay naman wag ka ng umiyak oh. Sige ka magfafade kagandahan mo Nay. Ngingiti nayan" niloloko kong sabi kay Nanay Lordes na kinatawa niya
"Yan Nay mas bagay sayo ang nakangiti at natawa. Sige Nay pupunta na po ako kay Sir Mike" paalam ko kay Nanay Lordes at pumunta na sa office ni Sir Mike
Kumatok muna ako sa office ni Sir Mike bago pumasok"Sir Mike tawag niyo daw po ako?"
"Oo iha alam mo naman siguro na Mother's Day ngayon diba? Balak ko kasi magkaron tayo ng salo-salo mamayang gabi para kay Manang Lordes para maramdaman din niya na naging nanay siya sa ating dalawa" suggest ni Sir Mike
"Approve po ako dan Sir Mike" sagot ko
Pinagusapan na namin ni Sir Mike kung paano ang gagawin naming salo - salo mamaya
Napagisipan ko na gagawa ako ng tula para kay Nanay Lordes
*fast forward*
Piniringan ko si Nanay Lordes at itinanggal iyon ng makarating sa hapag kainan
"Happy Mother's Day!" sabay na bati namin ni Sir Mike
Mangiyak ngiyak si Nanay Lordes ng masorpresa sa ginawa namin ni Sir Mike
Pinaupo namin si Nanay Lordes at ibinigay ni Sir Mike ang regalo niya na may lamang mug na may pangalang Lordes since mahilig magkape si Nanay Lordes tuwing umaga
Pagkatapos ibigay ni Sir Mike ang regalo niya
"Hindi man po kayo ang aking tunay na ina ngunit kayo na din po ang tumayong ina simula nung kupkupin ako ni Sir Mike"
"At hindi man po material na bagay ang maireregalo ko sa inyo ngayon ngunit ginawa ko po ito mula sa puso ko"
Sinimulan ko ng bigkasin ang tulang ginawa ko at maluha-luha nanaman si Nay Lordes kaya miski ako kay naiiyak na rin.
Sa unang pagmulat ng aking mata,
Marahil hindi ikaw ang aking unang nakita.
Sa unang pag-iyak at pag tawa ko,
Marahil, wala ka rin sa tabi ko para patahanin at arugain ako.
YOU ARE READING
"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]
Novela JuvenilAng Maid na inuutos-utusan ng lahat at binubully sa Hiromashima University. Pero, What if sa isang iglap hindi lang isa kundi lima ang magkagusto sakanya, mafafall kaya siya ni isa sakanila o hinde?