Chapter 5

198 12 3
                                    

Chapter 5

 ~Sachi's POV~

 Nang makarating kami sa canteen, agad kaming naghanap ng mauupuan ni Sky at tinanong niya ako kung anong gusto ko

 "Burger and Fries tapos tubig na rin" sabi ko

 "Yun lang ba?" tanong niya

 Tumango lang ako bilang sagot at umalis na siya para pumila. Habang naghihintay ako kay Sky may narinig nanaman akong usapang ng grupo ng mga babae. As expected, ako at si Sky nanaman ang topic nila.

 "Ang swerte naman ng Campus Maid ang gwapo ng kasama niya, hmm pero sa tingin niyo kaano-ano niya kaya yung guy na kasama niya?" tanong ng isang babae

 "Baka amo niya" sagot naman katabi niya

 Ramdam ko ang titig nila mula sa gilid ko but I chose not to mind them. Sanay na naman ako. Lalo na ngayong may kasama akong gwapo malamang hot issue talaga kami.

 "Tss. May amo bang sobrang close sa maid niya? I'm sure gumamit siya ng gayuma para mapalapit sa kanya yung guy na yun" inis na sabi ng isa pa

 Napa-kuyom ako ng kamao ko. Pag talaga ako hindi talaga nakapagpigil baka maka-sapak ako ng babaeng mukhang palaka! Mukha ba akong mangkukulam para mang-gayuma? Tsk.

 Dahil sa inis ko hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Sky

 "Rei Rei okay ka lang ba? magkasalubong nanaman yang kilay mo"

 "Huh? Wala wala gutom lang to. Kanina kasi ano hindi ako kumain. Oo tama yun nga" natatarantang sagot ko

 "Oh eto pagkain mo kain ka na. Mahirap pa naman pag nagwala yang alaga mo sa tyan" nakangiting sabi neto

 "Tse ang bad mo" binelatan niya lang ako

 "Bat sakin lang to asan yung sayo?"

 "Basta makita lang kitang kumain nabubusog na ako" nakangiting sabi nito

 Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Feeling ko tuloy namumula yung mukha ko. Loko naman 'tong mokong na to kahit kelan jusko!

 Habang nakain ako nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sakin

 Hala! Bat siya lumalapit oh my gosh!  >////<

 Paano kung marinig niya yung lakas ng tibok ng puso ko? Hala lagot na! Palapit siya ng palapit kaya napapikit ako.

 Nang may naramdaman akong panyo malapit sa labi ko bigla akong napamulat.

 "Ang dungis mo kumain kahit kelan 'tamo oh may ketchup ka pa sa labi kaya pinunasan ko" sabi niya

 "A-ayy ganun ba hehe"

 Grabe nakakahiya >////< Akala ko ano. Akala ko- aish nakakahiya talaga- akala ko kasi ano hahalikan niya ko yun pala augh kaasar! Baka isipin pa ng mokong na yun nag-a-assume asar talaga!

 Nang matapos ako kumain napatingin ako sa relo ko "May 20 mins pa" bulong ko

 "Sky thank you nga pala sa libre ha? Mauna ka na sa room. Dadaan pa ako sa library eh" sabi ko

 Tumango siya at nagpaalam na kaya tumayo na rin ako at dumeretcho papuntang library

 Nang makarating ako sa library, binati ko si Ate Karen na librarian namin

 "Oh Sachi bat napadaaan ka may kailangan ka ba?" tanong ni Ate Karen

 "Wala naman po ate. Nagbabasakali lang po ako baka kelangan niyo ng tulong o ano" sabi ko

 "Ikaw talagang bata ka. Sige pakibalik naman ito sa book shelf." inabot niya sakin ang ilang libro 

Kinuha ko yun at nginitian siya "Salamat" pahabol na sabi ni Ate Karen at tumango lang ako bilang sagot

Nang matapos ko yung pinapagawa sakin ni Ate Karen nagpaalam na ako. Pag kalabas ko hindi ko namalayan na may mga holen palang nakakalat sa dinadaanan ko kaya napadulas ako

 "Aray!"

 Ouch huh ang sakit ng pwet ko!

 Napalingon ako sa likod ng may narinig akong tawa ng lalaki

 "That was so funny. Grabe epic" he laughed again "ma-ipost nga" sabi niya habang tumatawang nag-ta-type sa phone niya

 "Wag mong ipopost yan!" inis kong sigaw sa lalaki

 "Eh pano kung ayaw ko?" nakangising sagot ng lalaki

 Nang sugudin ko siya hinawakan niya ang kamay ko at sinandal sa pader

 "I said don't post it!" sabi ko

 "Okay okay miss calm down" he smirked at me "I won't post it in one condition" nakangising sabi nito at lumapit sa tenga ko....












......"Be my maid"

 ~End of Chap 5~

~~~~~~~~~~~~~~

   Author's Note:
      Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng storyy koo..  Sanaa wag po kayo magsawa sa kakabasa ng story na to.. Love youu All!! :*** .. 

~FrozenSnowlight

&quot;The Campus Maid Is Mine&quot; [ON-HOLD]Where stories live. Discover now