Chapter 6
~Sachi's POV~
Aish ano ba yan! Nakakabwisit naman yung lalaking yun! Ano bang karapatan niyang mang-blackmail sakin? Asar! Ang malas naman oh nadumihan pa tuloy 'tong uniform ko kainis.
Sa sobrang tagal naming nag-usap nung weirdong lalaki, pag tingin ko sa relo ko, "shocks! Hala late na ako lagot!"
Napatakbo pa tuloy ako ng wala sa oras. "Patay talaga ako kay Ma'am nito. Bwisit na weirdo yun kasalanan niya to eh tsk."
~Nathan's POV~
*classroom*
Kainis naman si Rei Rei biruin mong iniwan niya ako dito mag-isa? Ikinakahiya niya kaya akong makasama? Sus 'tong gwapo kong to!
"Omg ang cute naman niyang mag-pout noh girls?" rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko
Napailing na lang ako. Ang hirap naman maging gwapo hay.
Ang tagal naman ni Rei Rei mag-titime na eh nasan na kaya yun? Mamaya mapa-trouble nanaman yun. Hay kung puntahan ko kaya siya sa library?
Akmang tatayo nako nang biglang dumating si ma'am.
"Good morning class!" she said
Anak ng tokwa naman oh wrong timing nga naman. Umupo na lang ako at napasimangot. Nasan ka na ba kasi Rei Rei?
After what felt like an hour- de joke lang mga ten minutes lang naman ang nakalipas hahaha. May narinig akong kumatok sa pinto kaya napatingin ako pati na rin yung mga kaklase ko
"Ma'am sorry I'm late" sabi ng babaeng hinihingal sa may pinto
Hala si Rei Rei!
"Why are you late Ms. Akiyama?" tanong ni Ma'am
"Maybe her amo made her linis pa. Look oh she's so dirty eww. Ganun naman lahat ng maids right?" singit ng babae naming kaklase na nasa harap kaya nagtawanan yung mga kaklase ko
Napakuyom naman ang kamao ko. Psh pasalamat siya babae siya kundi nako! Tsk lagi na lang nila binubully yung mahal ko ay este si Rei Rei.
"Class be quiet!" sigaw ni ma'am at buti naman tumahimik silang lahat
"Again Ms. Akiyama why are you late?" ulit na tanong ni ma'am kay Rei Rei
"Ah kasi po s-sa library po ma'am tinulungan ko po si Ate Karen. Sorry po." nakayukong sagot niya
"Ok Ms. Akiyama you may now sit down. I hope hindi na maulit to" sabi ni Ma'am at nagpatuloy sa pagdiscuss
Umupo si Rei Rei sa upuan na tabi ko "Rei Rei okay ka lang ba? Nauuhaw ka ba? Gusto mo juice o tubig? Baka gutom ka eto oh. Napagod ka ba?" sunod sunod na tanong ko na nagpangiti sa kanya
Tapos bigla siyang tumawa. Hay biruin mong tinatawanan niya lang ang kagwapuhan ko? Nasan ang hustisya?
"Hahahaha! Wag ka ngang paranoid Sky okay lang ako promise!" with matching taas ng kamay
"Eh bat ang dumi ng uniform mo? Tsaka may sugat ka sa siko oh" sabay turo sa sugat niya
"Ah a-ano nadulas kasi ako kanina kaya eto nadumihan uniform ko at nagkasugat" sagot niya
"Ganun ba. Teka wait" agad kong binuksan yung bag ko at kumuha ng band aid
"Akin na yang siko mo." pagkapatong niya ng kamay niya sa desk ko nilagyan ko ng band aid yung sugat niya
"Yan para hindi maimpeksyon yang sugat mo"
"Salamat Sky!" nakangiting sabi niya
"Kaso bat barbie yung design? Are you gay Sky?" natatawang tanong niya sakin
"Huh?! Ah eh hindi noh. Sa kapatid ko yan nilagay niya sa bag ko" napakamot na lang ako sa ulo
Grabe! Nakng nakakahiya napagkamalang bakla pa ako. Sa gwapo kong to hahaha.
"Hahaha ang cute mo Sky" sabi niya sabay kurot sa ilong ko
"Aray! Rei Rei ang sadista mo talaga" kunwari nagtatampo kong sabi
"Hahaha sorry naman mana lang sayo!" sabay belat na sabi niya
Hahaha pasalamat siya cute siya.
Gagantihan ko sana si Rei Rei kaso biglang nagsalita si ma'am
"Class review, may quiz kayo bukas okay? Class dismiss" sabi ni ma'am
Hala! Hindi pa naman ako nakinig kokopya na lang ako kay Rei Rei bukas tama tama hahaha de joke lang good boy kaya ako. Magbabasa na lang ako mamaya.
Pagkasabi ni ma'am na class dismiss nagsilabasan na silang lahat at puro tili ng babae ang naririnig ko sa labas
Ano naman kaya ang pinagkakaguluhan nila dun?
Nagulat ako kasi biglang lumabas din si Rei Rei. Siguro nacurious na din kaya sinundan ko siya.
Pagkalabas namin nagulat kami lalo ako sa kinilos ni Rei Rei ang sama ng tingin niya dun sa lalaking pinagkakaguluhan nila tapos magkasalubong nanaman yung kilay niya tapos nakayukom pa yung kamao niya pero bakit?
Bakit hindi man lang niya sinabi sakin kung may kaaway siya o may umaway sakanya? Hindi na ba niya ako pinagkakatiwalaan kaya tinago niya sakin to? At sino naman yung bwisit na kinaiinisan ni Rei Rei?
~End of Chapter 6~
~~~~
Author's Note:
Thank youu sa mga nagbabasa ng story koo love koo kayoo promise hahaha muahh :* .. Vote, Comment and Follow na din po if you want walang napigil po sainyo hahaha hndi koo naman kayoo kakagatin ee xD kakainin lang de joke hahaha.. sanaa wag kayoo magsawa sa kakahintay sa update koo .. yun lang Mwaps! :*~FrozenSnowlight
YOU ARE READING
"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]
Teen FictionAng Maid na inuutos-utusan ng lahat at binubully sa Hiromashima University. Pero, What if sa isang iglap hindi lang isa kundi lima ang magkagusto sakanya, mafafall kaya siya ni isa sakanila o hinde?