Chapter 1
~Sachi's POV~
Ako si Sachi Rei Akiyama half Filipino and Half Japanese. Isa akong scholar sa Hiromashima University.
Sa loob ng tatlong taon kong pag-aaral dun, lagi akong nabubully simula nung nalaman nilang maid ako. Inexpect ko na din naman na ganun yung mangyayari sakin kasi hindi ako belong dito. Dito kasi puro mayayaman ang nag-aaral, yung tipong kapag may gusto silang bagay makukuha na agad nila. Eh ako dahil sa scholarship lang kaya ako nakapagaral dito tsaka ako kasi kailangan ko pang paghirapan at pagsakripisyohan iyon para lang makuha ko yung bagay na gusto koo..
"Sachi, Hija baba na may pasok ka pa ngayon" sabi ni Nanay Lordes
Si Nanay Lordes siya yung kasama kong katulong dito sa amo ko na si Sir Mike. Siya na din ang tinuringan kong Second Mother simula nung mapunta ako dito. Namatay na kasi ang mga magulang ko when I was 6 years old. They died because of a car accident kaya naulila ako.
Buti na lang talaga nakita ako ni Sir Mike at napunta ako dito.
"Opo, Nay Lordes." Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako at humalik sa pisngi ni Nay Lordes "Good morning po Nay Lordes, Si Sir Mike po?"
"Naku Hija maagang pumasok sa trabaho si Sir Mike" sagot nito, tumango na lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain sa hapag kainan.
Si Sir Mike naman siya ang mabait kong amo. Siya yung nakakita sakin after ng car accident tinuring na nga niya akong anak niya. Sa sobrang workaholic niya wala pa siyang asawa at anak. When I got older namasukan ako bilang katulong niya bilang utang na loob sa kanya. Noong una nga ayaw pa niya pumayag pero dahil sa mapilit ako pinagbigyan niya na akoo at bilang kapalit nun binigyan ako ni Sir Mike ng scholarship kaya nakapasok ako sa Hiromashima University. Malaki ang pasasalamat ko kay Sir Mike, kundi dahil sa kanya baka hay ewan ko na lang.
"Alis napo ako Nay Lordes." pagpapaalam ko "Sige Hija ingat ka sa daan" sagot ni Nay Lordes at umalis na ako
Nang nasa tapat na ako ng university napabuntong hininga na lang ako. Hay nandito nanaman ako. Panibagong araw nanaman. Konting tiis na lang Sachi makakaalis ka rin dito. Pampalakas ko sa loob ko. Pero kahit anong sabihin ko, alam kong matagal pa na panahon bago ako tuluyang makawala sa pambubully nila.
~ End of Chapter 1~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Comment, Vote and Follow me for the next update
~FrozenSnowlight
YOU ARE READING
"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]
Fiksi RemajaAng Maid na inuutos-utusan ng lahat at binubully sa Hiromashima University. Pero, What if sa isang iglap hindi lang isa kundi lima ang magkagusto sakanya, mafafall kaya siya ni isa sakanila o hinde?