Chapter 3

228 14 3
                                    

Chapter 3

~Sachi's POV~

"Sky?" "Rei?" sabay naming sabi

Totoo ba tong nakikita ko? Si Sky ba talaga 'to na childhood bestfriend ko? Pero paano? Kailan pa siya andito? Bakit?

"Rei? Earth to Rei Rei! Hello" natatawang sabi ni Sky

Mukha siguro akong timang na nakanga-nga. Samantalang siya mukhang naka-get over na sa shock niya.

"Oh natulala ka? Haha. Wag mong sabihing nakalimutan mo na ko? Si Sky to yung childhood bestfriend mo. " naka-ngiting sabi nito

"Weh? Di nga?" sabi ko

I can't believe this.

"Totoo nga ako nga si Sky baka gusto mo pang ipakita ko sayo yung balat ko sa pwet para lang maniwala ka?" tsaka siya tumawa ng malakas

"O-oo na. Na-naniniwala nako" sabi ko at napaiwas ng tingin

Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Loko tong mokong na to ah.

"Rei Rei halika punta tayo sa locker ng pinsan ko. May extra siyang uniform dun, hiramin mo muna. Nakakadiri ka na oh ang lagkit lagkit mo!" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

Pumunta na kami sa locker ng cousin niya at pinahiram ako ng uniform

Pagkatapos ko magpalit sa CR, naabutan ko sa labas si Sky. Nakasandal lang siya sa pader at nakatingin sa akin

"Uhm Sky salamat" Nakangiting sabi ko at ngumiti rin siya bilang sagot showing off his dimples

Grabe ang laki ng pinagbago niya. Dati totoy na totoy ngayon sobrang gwapo na bagay na bagay talaga sakanya ung bluish niyang mata. Naalala ko tuloy nung una kaming nagkakilala.

~FLASHBACK~


Nakamasid ako sa mga batang naglalaro sa slide sobrang saya nila. Lahat sila nagtatawanan.

Kailan kaya ako makakaranas ng ganyan?

"Kailan kaya ako magkakaroon ng kaibigan?" malungkot na sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa swing

Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin "Bat ang lungkot mo? Nagmumukha kang monkey oh" nagpipigil ng tawa na sabi niya, inirapan ko lang siya at hindi ko na lang siya kinausap.

Akala ko makikipag-kaibigan, sinabi lang palang mukha akong unggoy. Kaasar na bata to, isumbong ko kaya siya. Palibhasa, mukhang mayaman.

Nung nahalata niyang nainis ako sa sinabi niya, hindi siya makapakali

Huh! ano ka ngayon?

Nagkamot siya ng ulo bago nagsalita " Uhm a-ano I-I'm sorry. Hindi ka naman mukhang monkey eh. Sinusubukan ko lang kasi baka matawa ka eh" may dinukot siyang candy mula sa bulsa niya at inabot sakin

"Uhm eto oh candy w-wag ka na magalit oh." sincere niyang sabi at nagpeace sign pa

Napangiti na lang ako at tinanggap ang candy na binigay niya "Apology accepted. Thank you sa candy tsaka sorry kung inirapan kita hindi naman kasi ako monkey" nagmamaktol kong sabi at nagpout pa

"Eh sorry na nga. Di na po mauulit" sagot niya at napakamot ng ulo

"Uhm I'm Sky. Ikaw?" sabi niya

"Ako si Rei" nginitian ko siya

"Can we be friends?" nahihiyang tanong niya

"Sure pero pwede bang best friends na lang? Wala kasi akong best friend eh." nahihiya kong sagot

"Sure best friends" sagot niya at niyaya akong maglaro

Simula nung araw na yun, araw-araw na kaming naglalaro, nagsasabihan ng secrets at kung ano pa.

~END OF FLASHBACK~

"Rei Rei, okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Sky

"Huh? O-oo okay lang ako tara na may klase pa ko. Ikaw ba?" nakangiti kong sagot

"May klase rin ako eh. Tara sabay na tayo"

~End of Chapter 3~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note:

          Sa lahat ng nagbabasa ng story koo maraming salamat kahit naa first time kong gumawa ng story ee sana nagustuhan nyoo .. salamat ng maramii <3 Enjoy reading..

&quot;The Campus Maid Is Mine&quot; [ON-HOLD]Where stories live. Discover now