Chapter 7

181 7 0
                                    

Chapter 7

~Sachi's POV~

Tsk. Sa lahat ng pwedeng makita yung pang lalaking nantrip sa akin kaninaa! Like what the packing tape na tadhana yan bat ngayon pa. Psh hindi na talaga ako magtataka kung sakaling magtrending ung video na kinuhaan niya pag pinost nya yan tsk famous pala yung bwisit na yun!

Napansin kong biglang tumabi sakin si Sky

"Rei are you okay? Parang papatay ka na ng tao sa itsura mo eh." sabi ni Sky

"Kung pwede lang talaga pumatay ginawa ko na kanina pa tsk" bulong ko

"May sinasabi ka ba Rei Rei?" tanong niya

"A-ah sabi ko oo okay lang ako"

"Sige sabi mo eh. Ganito na lang dahil mukhang stress na stress ka ngayon kain tayo sa labas, my treat" nakangiting sabi niya

"Aii hahaha sige na nga kahit na nakakahiya game ako dyan pagkain eh. Pero punta muna tayo sa locker ko magpapalit lang ako ng damit na pangalis nakakahiya naman kung lalabas tayo ng nakaganito ako baka pagtawanan lang ako" tumango lang naman siya bilang sagot

Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako ng CR

"So let's go? May alam akong Ice cream shop malapit dito" sabi niya

"Sige sige dun tayo" feeling ko kumikinang pa ang mata ko sa sobrang excitement

Ice cream eh! Favorite ko kaya yun!

Pagka-rating namin sa Ice cream shop

"Anong gusto mong flavor Rei Rei?" tanong niya

"Rocky Road na lang" sabi ko

"Sige ako na bahala magorder, ikaw na lang maghanap ng mauupuan natin" sabi niya at tumango ako

Pagkahanap ko ng mauupuan namin tumingin tingin ako sa paligid nang may isang taong nakakuha ng atensyon ko. That person really looks familiar to me pero hindi ko maalala kung sino. Naka-tingin pa rin ako sa taong yun ng dumating si Sky

"Rei oy eto na yung ice cream mo. Sorry kung medyo natagalan ako nagpapacute pa sakin yung babae sa cashier. Kulang na lang matunaw na din ako sa mga tingin nila hahaha ang hirap talaga pag gwapo." nagmamayabang niyang sabi

"Ang hangin talaga neto" sabi ko with matching pitik pa sa noo

"Tsk kain na nga tayo natutunaw na yung ice cream oh!" habol kong sabi at tinuro yung ice cream

Asar talaga tong kasama ko pagtawanan ba naman ako eh natutunaw na nga yung ice cream.
Makakain na nga lang bahala siya dyan.

Tinitignan ko sya habang kumakain. Nak ng parang bata kumain hahaha! Ang dungis niyang tignan

"Nga pala Rei Rei bat parang tulala ka kanina may problema ka ba?" punong bibig na tanong niya

"Oy don't talk when your mouth is full para kang bata kumain. Sobrang dungis mo Sky" sabay kuha ng tissue at pinahid sa bibig niya

"Sorry naman, ang sarap sarap kasi ng ice cream eh" with matching pout at peace sign pa kaya napatawa ako

"So anyway bat ka nga tulala kanina?"

"Ah yun ba may nakita kasi ako kanina na parang kakilala ko pero hindi ko alam kung sino."

"Babae ba o lalaki?" tanong niya

"Lalaki eh. Hay parang kilala ko talaga siya eh, napaka-familiar" tinitigan ko siya 

"Anyway ikaw bat Nathan naman yung sinabi mong nickname kanina at hindi Sky?"

"Ah yun hahaha! Wala lang natripan ko lang na nathan gamitin ko bihira ko kasi gamitin yun. Maiba man lang" nakaiwas na tingin na sabi ni Sky

Hmm I smell something fishy dito kay Sky ha parang may tinatago ata sakin tong mokong na 'to.

May itatanong pa sana ako kay Sky ng biglang may sumingit na babae na nagtratrabaho dito tapos eto pa ha nakaharap lang kay Sky- like hellooo may kasama po siya tsk.

"Uhm s-sir y-yung bill niyo po" nauutal na sabi ng babae

Hmph pa-cute kaasar! Ang pabebe niya!

"Sige thank you. Ito oh keep the change" nakangiting sabi ni Sky sabay kindat pa sa babae

Pagtingin ko sa babae sobrang pula na ng mukha parang kamatis nung umalis kaya sinamaan ko ng tingin si Sky

"What?!" nagpipigil na tawang sabi nito

"Tsk may pakindat kindat ka pang nalalaman. Talande mo talage eh" napailing na lang ako

"Bakit gusto mo ba ikaw yung kikindatan ko?" nakangising sabi niya

"Tse! Shut up halika na nga!" sabay hila sa kanya palabas ng shop

"Ano? Halikan na? Hahahaha ikaw Rei Rei ah"

I glared at him. Bwisit talaga tong mang-asar. Hmph!

Pagkalabas namin sa Ice cream, hindi ko siya pinapansin kaya naman nabigla ako ng bigla siyang umakbay

"Tampo ka naman agad. Sorry na. Hatid na kita sa inyo Rei Rei" alok ni Sky

"Pasalamat ka talaga tsk. Hindi okay lang. Yakang yaka kong umuwi mag-isa" with matching siga moves na sabi ko

"Aray ha ang hilig mong kurutin ung ilong ko tss" asar na sabi ko

Tsk tawanan at kurutin ba naman ako. Magaling na bata! Ugh!

"I insist para na din masure kong safe ka" nakangiti niyang sabi

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Bat kasi ang sweet sweet ni Sky?! Kung patayin ko kaya siya--ng pagmamahal hahaha joke lang. At dahil sa hindi ako pwedeng tumanggi inihatid nga talaga ako ni Sky

After a few minutes ng paglalakad. Nasa may playground na kami ng huminto siya.

"Grabe nakakapagod maglakad. Ganito ba talaga kalayo nilalakad mo?" hinihingal na tanong ni Sky

"Hahaha! Hindi noh malayo na nga tayo sa bahay na tinutuluyan ko eh. Sabi ko naman kasi sayo kaya ko na sarili ko tapos ngayon magrereklamo ka dyan"

"Hindi naman sa nagrereklamo ako. Eh bat dito tayo pumunta?" tanong niya

"Eh kasi lagi ako pumupunta dito. Dito kasi naaalala ko yung una tayong nagkakilala tapos yung mga bonding natin kapag nasa playground tayo. Kahit na napapagalitan tayo ng parents natin kasi sobrang dumi natin .Nakakamiss lang yung dati. Lalo na nung buhay pa sila"

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Hala sh*t ang drama ko talaga. Pinahid ni Sky yung luha ko at niyakap ako

"Shh wag ka na umiyak. Wag kang magalala andito pa naman ako eh. Kahit wala na sila tita andito lang ako. Lagi lang akong nasa tabi mo, promise"

After ng pagdradrama ko mga ilang minuto may narinig kaming batang umiiyak ng makita kami bigla siyang tumakbo samin ni Sky at niyakap kami

"Mommy! Daddy!" umiiyak na sabi nung bata at nagkatinginan kami ni Sky

~~~~~~
Author's Note:

guys thank you sa pagaantay ng update ko sorry kung ang tagal ko magupdate nasira kasi yung laptop kaya medyo nahihirapan ako magupdate sa ngayon pero thank you pa rin sa pagsuporta sakin .. sana maenjoy niyo tong chapter na to.. love you all :*

"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]Where stories live. Discover now