Sorry po sa matagal na update sobrang busy lang po talaga.. enjoy reading.. (:
~~~~~~~~~~~
Chapter 8
~Sachi's POV~
Nagkatinginan kami ni Sky at binuhat niya ang bata
"Uhm. Little boy, we're not your parents. Ako si Kuya Sky, siya naman si Ate Rei Rei" sabi ni Sky
Tumingin naman sakin yung bata kaya nginitian ko siya
Para silang mag-ama, oh my gosh how cute!
Pero umiling lang ang bata at umiyak ng malakas
"Shh stop crying na. Meron ka bang picture ng mommy at daddy mo? Tutulungan ka naming hanapin sila"
Nagnod ang bata at may kinuhang picture sa bag niya
Oh my gosh! Ito ba talaga yung mommy at daddy niya? 0.0
Tinapat ko ang picture kay Sky at nagpabalik-balik ng tingin sa kanya at sa lalaki sa picture
They really look the same mas mature lang yung lalaki sa picture. Now I know kung bakit napagkamalan kaming magulang ng bata.
Nagkatinginan na naman kami ni Sky at sinenyasan siyang i-explain dun sa bata
"Little boy ang ganda at ang pogi ng mommy at daddy mo ah" sabi ni Sky
Napa-face palm na lang ako. Jusko. Akala ko pa naman nagets niya. Tungaw talaga nitong si Sky eh.
"Baby boy to be honest hindi kami ang parents mo. Siguro akala mo lang na kami yun kasi magkamukha kami.Help ka na lang namin ni kuya Sky mo hanapin sila okay? " sabi ko at nagnod din si Sky at tumahan na ang bata.
"Baby boy anong name mo?" tanong ko sa bata
"Jairo po" nagpupunas ng luhang sabi niya
"Wag kana sad Jairo ha. Gusto mo play muna tayo ni Ate Rei Rei?" sabi ni Sky at tumango bilang sagot si Jairo
Naglaro kaming tatlo sa may playground. Naghahabulan, nagtataguan at kung ano ano pa
Nang mapagod kami umupo muna kami sa may swing
"Pawis na pawis ka na Jairo. May pamunas kaba?" tanong ko kay Jairo at umiling ito bilang sagot
"Wait. Check ko lang yung bag ko kung may towel akong dala" sabi ni Sky at hinalungkat ang bag niya
"Oh eto Rei Rei oh" abot sakin ni Sky
"Jairo halika dito pupunasan natin yang pawis mo baka magkasakit ka" sabi ko kay Jairo at lumapit naman siya sakin
Pagkatapos ko punasan ng pawis si Jairo may naririnig kaming sumisigaw
"Jairo!"
"Jairo!"
"Jairo!"
Nang makita ni Jairo ang mag-asawang sumisigaw tumakbo ito palapit sa kanila
"Mommy!! Daddy!!" sigaw ni Jairo at niyakap sila
Agad akong nag-iwas ng tingin at pumikit-pikit dahil malapit ng tumulo ang luha ko.
Ewan ko ba pero napaka-sensitive ko minsan. Hay I miss them so much.
Tumabi sakin si Sky at tinapik ako sa balikat
Lumapit naman ang magulang ni Jairo sa amin. Oh my gosh kamukha nga namin sila! Para kong nakita ang sarili ko after 10 years *.*
YOU ARE READING
"The Campus Maid Is Mine" [ON-HOLD]
Ficção AdolescenteAng Maid na inuutos-utusan ng lahat at binubully sa Hiromashima University. Pero, What if sa isang iglap hindi lang isa kundi lima ang magkagusto sakanya, mafafall kaya siya ni isa sakanila o hinde?