"MAHILIG ka pala sa paghahalaman." Muntik nang mapatalon si Shelley nang may magsalita sa likuran niya. Mula sa pagbabaon niya ng mga buto ng sunflower sa bakanteng lupa na hindi pa natatamnan sa hardin ay nilingon niya ang nagsalita.
It was Darren, in his casual plain turquoise polo-shirt and faded jeans. Bumilis ang pagtibok ng puso niya pagkakita rito. Ang dalawang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng pantalong maong nito. His hair dark and wavy. Gumamit ito ng hair wax para makasunod sa uso. He looked more gorgeous than she saw him the other day. Bumata ito ng sampung taon sa itsura nito. Ano bang mayroon sa lalaking ito para maapektuhan siya ng ganoon?
"Good morning, Sir. Pasensya na kung nakialam ako sa garden ninyo. Wala kasi akong magawa. Pero nagpaalam naman ako kay Nana Maring at sa hardinero ninyo."
"It's all right. I'm just curious kung anong ginagawa mo. Anong itinatanim mo?" Hindi naman ito galit. Instead, his expression was half-amusing.
"Nagtatanim ng sunflower."
"So, you are fond of gardening and the flowers." Bahagya siyang tumango. "Fit for a beautiful lady like you." Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi sa papuri nito. Tinungo nito ang pick-up nito at pinaandar iyon. Bumusina pa ito nang dumaan sa harapan niya. Wala na ito ay napapatanga pa siya sa gate na nilabasan nito.
Saka niya naalala ang ginagawa. Na-mi-miss niya ang pag-ga-gardening. Sa mansion nila ay pinuno niya ng iba't-ibang klase ng bulaklak ang malaking hardin nila. Maginhawa sa mga mgata at nakakapagpaalis iyon ng pagod niya. Napahinto siya sa paghuhukay nang isang magandang paru-paro ang napansin niyang lumilipad. Dumapo iyon sa isang bahagi ng lupa. Parang isang maliit na guwang ng lupa ang tinuntungan ng paru-paro. Pagkatapos ay bigla rin iyon lumipad palayo na parang binugaw ng kung ano. Binalewala niya ang guwang at nagpatuloy sa pagtatanim.
Nang matapos ay naghugas pa rin siya ng mga kamay kahit may gloves siya. May pagka-health-conscious kasi siya. Nagpasalamat muna siya sa hardinero bago pumasok sa malaking bahay.
Pinanhik niya si Luigi. Naglalaro ito. Ang assignment nito na sinasagutan kanina ay nasa study table pa rin nito. Mukhang hindi na ginalaw.
"Are you finished with your homework, Luigi?" Sige pa rin ito sa paglalaro ng mga robots nito. Kaya kinuha niya ang mga laruan at itinabi iyon. "Kung maglalaro ka na lang ng maglalaro, wala kang matututunan sa school."
"Give me back my robots!" singhal nito sa kaniya.
"Not yet, unless you take a look at your homework." Hindi ito sumunod pero masama ang tingin nito sa kaniya. "Okey, sasabihin ko sa daddy mo na ayaw mong gawin ang homework mo." Alam niyang takot itong masita ng ama nito.
Nagdadabog na lumapit ito sa study table nito at hinarap ang notebook. Kakamut-kamot ito sa ulo na hindi malaman ang gagawin. Halatang nahihirapan itong sagutin iyon.
Lumapit siya rito. "Kung hindi mo alam ang isasagot, magtanong ka sa akin. Tutulungan kita." wika niya mula sa likuran nito. Nang lingunin siya nito ay maluha-luha ito. "Bakit?"
Ibinigay nito sa kaniya ang notebook. Isang family tree ang ipinagagawa rito ng teacher nito. Litrato ng bawat miyembro ng pamilya ang ididikit sa mga sanga na may bilog. Nanlumo siya. Naaawang niyakap niya ito. Isa na lang ang maituturing na kapamilya nito na maaari nitong idikit sa puno, ang larawan ng ama nito.
IT HAD been a long day for Shelley. Hindi lang nakakapagod ang pagbabantay kay Luigi sa school sa pagbuntot dito, nakaka-stress din.
Nagpapahangin siya sa lounge chair sa poolside. Sigurado siya na wala ng gising sa mga oras na iyon dahil malalim na ang gabi. Katatawag lang niya sa sekretarya niya. Marami na raw nabinbing mga papeles at kailangan ang presensya niya sa opisina. Sinabi niya ritong sa Linggo sila magkita at mag-o-opisina. Day-off niya iyon.
BINABASA MO ANG
Shelley's Secret (published under MSV)Completed
RomanceAno ang gagawin mo kung ang taong minahal mo ng sobra-sobra ay kasuklaman ka mula ulo hanggang paa dahil sa pagkamatay ng isang mahal niya sa buhay sa kagagawan mo? Alamin ang sekreto ni Shelley sa kaniyang kuwento ng pag-ibig...