Chapter two

4.6K 114 4
                                    


"HINDI NA kailangan." Magkapanabay na napatingala sa itaas si Shelley at Nana Maring.

Isang lalaking may matipunong pangangatawan ang nakita niyang nakatunghay sa kanila sa ibaba. Ang malalakas na mga bisig nito ay nakatiin sa railing, looking him more masculine. Nakarolyo ang magkabilang manggas ng long-sleeve nito. Bukas ang tatlong butones ng polo kaya nasisilip niya ang maninipis na balahibo sa dibdib nito. No doubt, the man was devilishly handsome. His profile spoke of strength and prowess. He got an impressive pair of eyes. Bata pa itong tingnan. She guessed he was in his early thirty's. Despite his tough aura, hindi naikubli ng mga mata nito ang lungkot. He was still grieving for his late daughter.

Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang lalaki.

"Hijo." bati ng matanda rito. "Halika at nang makilala mo ang bagong yaya ni Luigi."

As he descended the stairs, he moved with a natural grace unusual in so large a man. Marami na siyang na-meet na mga guwapong lalaki pero kakaiba ang personality ng isang ito. She felt the impact of his oozing charm. Nang makalapit ito sa kanila ay napakataas pala nitong tingnan, mga six-feet yata. Kailangan pa niyang tumingala rito para magkaharap sila.

"Darren, siya si...." Bahagyang napatda ang mayordoma. "Hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan mo, hija. At kung ilang taon ka na." wika nito sa kaniya

"She...." Natigilan siya. Hindi dapat na malaman ng mga ito ang tunay na pagkatao niya. "Shirley ho. Twenty-five years old na ako." Abut-abot ang kaba niya. Mabuti na lang at mabilis na gumana ang isip niya.

Nang ilipat niya ang tingin kay Mr. Jacinto ay titig na titig ito sa mukha niya. Kinabahan siya. Tiya Cely told her about Mr. Jacinto's visit when she was at the hospital. Saglit lang daw siya nitong sinulyapan sa bintana ng ICU para kumpirmahin kung totoo ngang nasa comatose stage siya.

Namukhaan kaya niya ako?

"I'm Darren Jake Jacinto, Luigi's father." pakilala nito sa sarili. Nakipagkamay ito sa kaniya. The texture of his hand was smooth, halatang hindi nasanay sa mabibigat na trabaho.

"I'm Shirley Madrigal, Sir. Kumusta po kayo?"

Sandaling natigilan ito. "I-I'm just fine. Okey lang ako. Maiwan ko na kayo, Nana Maring." baling nito sa matanda. "Kayo na ang bahala sa kaniya."

Noon niya napansin ang hawak nitong key chain. Paalis na pala ito. Ganito lang siya nito kabilis pagtiwalaan at tanggapin? Hindi man lang ba ito magdududa kahit bahagya sa pagkatao niya? Inihatid pa niya ito ng tanaw habang papalabas ng pinto.

"Istrikto si Darren sa mga taong hina-hire niya para kay Luigi." pukaw ni Nana Maring sa kaniya. "Pero nagtiwala agad siya sa iyo. Sabagay, hindi na ako magtataka. Ako man ay magaan na agad ang loob sa iyo, Shirley."

"Nasa school pa si Luigi ngayon at mamaya pa ang dating niya." patuloy nito. "Halika sa itaas at ipakikita ko sa iyo ang magiging kuwarto mo." Umakyat sila sa matarik na hagdan.

Pagtuntong niya ng landing ay ang maliit na living area ang bumungad sa kaniya. Napako ang mga mata niya sa malaking kuwadro na nakasabit sa dingding. Isang babae ang nakalarawan doon.

"Siya ang yumaong asawa ni Darren, si Bernadette." imporma nito sa kaniya.

"Napakaganda niya!" bulalas niya. Parang anghel na bumaba mula sa kalangitan ang babae.

"At napakabait. Isa siyang ulirang asawa at ina sa mga anak niya. Sayang nga lang at maaga siyang kinuha ng nasa Itaas." Ganoon naman yata ang kadalasang nangyayari sa mundo. Kung sino pa ang mabait ay siyang maagang namamatay.

Shelley's Secret (published under MSV)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon