Chapter four

4.4K 100 2
                                    


NANG itawag ng isang maid kay Darren ang kalagayan ni Luigi ay napasugod siya sa bahay sa sobrang pag-aalala. Mahal na mahal niya ang anak. Kaya lang ay masyadong hectic ang oras niya sa mga negosyo. Kulang ang panahon niya kay Luigi. At isa pa, sinasadya niyang abalahin ang sarili para mabawasan ang sakit sa pagkawala ni Krista.

Nang datnan niya si Shirley na yakap-yakap si Luigi ay may pumunong saya sa puso niya. Magdadalawang taon nang patay si Bernadette at hindi niya inaasahan ang magiging damdamin niya kay Shirley nang una niyang masilip ito mula sa bintana ng kuwarto niya habang nakatingin ito sa garahe. Hindi niya akalain na napakaganda pala ng yayang inirekomenda sa kaniya ng isang kakilala niyang doctor. Ang mahabang buhok nito na kinulayan ng burgundy ay kumikinang sa sikat ng araw at bahagyang inililipad ng hangin. Nang araw na iyon ay naging malaking katanungan sa kaniya ang dalaga kung bakit sa lahat ng mga babaeng naikama niya ay hindi niya naramdaman sa mga iyon ang nararamdaman kay Shirley kapag nasa tabi lang ito gaya ng nangyari sa kaniya sa pool at sa mini-bar. He felt the familiar heaviness in his belly. He always wanted to kiss her and to make love to her.

Hindi masamang muli siyang magmahal. Mabait si Shirley. Kahanga-hanga ang nakikita niyang pagtitiyaga nito. Nakapag-adjust agad ito sa ugali ni Luigi, bagay na hindi nagawa ng mga naunang yaya ng anak niya. Alam niyang magiging mabuting ina ito.

Sa pagkakahiga nito ngayon ay natukso siyang hagurin ang kalambutan ng pisngi nito as what he wanted to do everytime he saw her. Oh, how he wished to hold her in his arms and smashed her soft lips with his. Then, Shirley opened her eyes. Nang tumayo ito ay gusto niya itong habulin. And tell her to never leave them again. Pero hindi nito batid ang damdamin niya. Hindi niya masabi. Parang napakabilis at alam niyang mabibigla ito. Hindi niya alam kung gugustuhin nito ang isang biyudong tulad niya na may anak na.

"MABABA lang ang WBC count niya. Magiging normal din iyon dahil bata pa siya. Ipinapayo kong pakainin ninyo siya ng vegetables, tulad ng ampalaya. Lalo na iyong mga green leaves. Maaari rin ang atay ng baboy. It was a good source of iron. Reresetahan ko siya ng mga vitamins at ferrous sulfate. At para sa sipon niya. May trangkaso siya kaya nilalagnat siya." anang doktor nang ipasundo ito sa tahanan ng mga Jacinto.

"Thank you, Dr. Luis." Kinamayan ni Darren ang manggagamot.

"Mrs. Jacinto, aalis na ako." paalam sa kaniya ni Dr. Luis sa pag-aakalang asawa siya ni Darren.

Mukha ba akong may-asawa na? "Dok, yaya lang ako ni Luigi." pagtatama niya.

Malakas ang naging pagtawa nito. "Oh, I'm sorry. Akala ko misis ka ni Mr. Jacinto. Bagay kasi kayong maging mag-asawa."

"Siyanga, dok?" nagkainteres na tanong ni Darren.

"E, Dr. Luis, baka marami pa kayong pasyente." singit niya. Baka kung saan pa mapunta ang biruang iyon.

"Oo nga pala. Bueno, bilhin ninyo ang mga gamot na nireseta ko. Ipainom ninyo sa kaniya sa tamang oras para gumaling agad siya."

Inihatid ito ni Darren pababa. Nagpahanda naman siya sa cook ng kakainin ni Luigi. Dala niya ang tray na kinalalagyan ng sopas nang bumalik siya sa silid nito. "Hi, Luigi. It's time for your meal." Napainom na niya ito ng gamot na para sa lagnat kanina. Pakakainin naman niya ito ngayon.

Inalalayan niya ito sa pag-upo. Inilapit niya dito ang mangkok ng sopas at kutsara at handang subuan ito. "Now, open your mouth." Nagbuka naman ito ng bibig at tinanggap iyon.

Ilang subo lang ay umayaw na ito. "I like cheesedogs, Miss Shirley."

"Hindi pa puwede sa iyo ang matitigas na pagkain. Iyon ang bilin ng doctor."

Shelley's Secret (published under MSV)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon