NAGISING si Shelley sa mga yakap ni Luigi sa kaniya. "Wake-up, mommy. Sabi ni Daddy, pupunta raw tayo sa Enchanted Kingdom. Wake-up!"
Mommy? Napangiti siya nang makita itong nakaunan sa mga dibdib niya. Hinagod niya ang buhok nito at hinalikan iyon. "Good morning." May ngiti sa mga labing nag-inat siya. What a lovely day! "Did you sleep well, dear?"
"Yes, I am. At excited na akong mamasyal sa Enchanted Kingdom. Excited na rin akong sumakay sa mga rides." Hindi ito magkamayaw sa sobrang saya.
She checked her lady wristwatch. It's six-thirty. Tatanghaliin na sila patungong Laguna. "Tell your dad I will be there in thirty minutes." Paspas siyang naligo.
Binalot niya ng tuwalya ang katawan at tumingin ng mga damit sa built-in cabinet. Capri pants na yellow ang isinuot niya katerno ang isang blouse na ganoon din ang kulay. Itim na strappy sandals naman sa kaniyang mga paa. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok na laging naka-ponytail. Kung i-bo-blower pa niya iyon ay gagahulin sila sa oras. Naglagay lang siya ng baby powder sa mukha at nag-lipstick. Nagme-make up lang siya tuwing papasok siya sa opisina.
Dumaan siya sa silid ni Luigi at binitbit ang bagpack nito. Kagabi pa niya iyon hinanda. Naglalaman iyon ng kakailanganin nito tulad ng ekstrang damit, pulbos, alcohol at ilang maliliit na face towel para sa pawis nito sa likod.
Nakatunghay sa kaniya ang mag-ama nang nasa hagdan na siya. Fondness ang nakabahid sa anyo ni Luigi pagkakita sa kaniya na tiyak niyang sa tunay na ina lang nito iniukol noon. Paghanga sa kaniya ang kay Darren at isang mahiwagang damdamin na hindi niya matukoy.
"Mom, are you ready?" Umabot ng halik sa kaniya si Luigi.
"Don't call her mom, Luigi." saway ng ama ritong nahihiya sa kaniya. "And not so fast, son. Ni hindi pa nga nag-be-breakfast si Shirley." Ayaw na ayaw ni Darren na tinatawag siyang 'mommy' ni Luigi. Siguro, hindi nito feel na maging asawa ang isang yaya lang na tulad niya.
"Huwag na, Sir....errr...Darren. Hindi pa ako nagugutom. Umalis na kaya tayo. Tanghali na tayong makakarating doon."
"No, lamnan mo muna ang tiyan mo. Masamang nalilipasan ng gutom." giit pa rin nito.
"O, siya. Huwag na kayong magtalong dalawa." Namagitan sa kanila si Nana Maring na galing sa kusina. May dala itong maliit na paper bag. Para sa kaniya raw iyon. Nasilip niya ang disposable food container sa loob niyon, isang magnolia cow's milk na naka-cartoon-packed at sandwich. "Sa kotse mo na kainin, hija at nang hindi ka gutumin sa daan."
"Salamat ho."
"Talaga bang ayaw ninyong sumama sa amin, Nana Maring? Pagkakataon na ninyong makapamasyal sa Laguna." panghihimok dito ni Darren.
"Kuu, itong tanda kong ito? Hindi na. Dine na lang ako sa bahay. Kayo na lang." Tinaboy na sila nito.
"Bye, Nanay." paalam ni Luigi sa mayordoma. Pagkatapos ay hinila na siya.
Ang CR-V ang gamit nila. Si Darren ang nagmamaneho. Sa harap siya pinauupo nito at si Luigi sa backseat. Nagtawanan sila nang umangal ang alaga. Kaya naging tatlo sila sa harapan. Sa expressway sila nagdaan. Mahigit dalawang oras, nasa Enchanted Kingdom na sila. Matapos i-park sa secured na parking lot ang sasakyan nila ay pumila sila sa booth. Nagbayad sila ng entrance fee.
Hindi magkamayaw sa tuwa si Luigi nang makasakay ito sa Anchor's Away at Roller Coaster. Sinubukan din nila ang Rio Grand Rapids. Hindi lang sila nag-enjoy, halos naligo sila sa rumaragasang tubig. Napagkamalan pa silang isang pamilya nang kumain sila sa isang restaurant doon. Mrs. Jacinto ang naitawag sa kaniya ng isang crew at hindi itinama ni Darren iyon. Ilang beses pang nangyari iyon na tinatawanan na lang nila kapag kumakain sila sa labas.
BINABASA MO ANG
Shelley's Secret (published under MSV)Completed
RomansaAno ang gagawin mo kung ang taong minahal mo ng sobra-sobra ay kasuklaman ka mula ulo hanggang paa dahil sa pagkamatay ng isang mahal niya sa buhay sa kagagawan mo? Alamin ang sekreto ni Shelley sa kaniyang kuwento ng pag-ibig...