Chapter Nine

5.3K 105 3
                                    


"DOK, ano na ang lagay ng anak ko?" Nilapitan ni Darren ang doktor pagkalabas na pagkalabas nito ng ER. Nakilala niya ito sa isang functional gathering at nakapalagayang-loob. Kasama nito ang misis nito noon na hindi nalalayo sa edad nito. Ito ang nagrekomenda kay Shirley na maging nanny ni Luigi.

"He's stable now. Mabuti at hindi makamandag ang ahas na nakatuklaw sa kaniya." Nagpasalamat siya sa nasa Itaas. Takot na takot siya kanina habang itinatakbo nila sa ospital si Luigi. Mas masakit ang mawalan ng anak sa ikalawang pagkakataon. At ayaw na niyang mangyari iyon.

"Salamat, Dok at ligtas na si Luigi."

"Kung malakas ang pananalig natin sa Kaniya, walang imposible." Tinapik siya nito sa balikat. "Nasaan nga pala ang yaya niya?" Pinasaglit niya sa bahay si Shirley para kumuha ng mga gamit ng anak.

"Ah, si Shirley."

"Shirley? Iyon ba ang palayaw ni Adelina?"

"Sinong Adelina?"

"Adelina Quintos. Iyong ang nurse cum yaya na ipinasok ko sa inyo, kapalit ni Celine."

Napaisip siya. "O-oo nga pala. Medyo nakalimutan ko ang pangalan niya."

He laughed. "Bata ka pa para maging ulyanin. Bueno, mayamaya ay puwede nang ilabas ang anak mo."

"Salamat uli, dok."

MASUSING pag-aalaga ang ginawa ni Shelley kay Luigi. Lalong naglambing ito magmula nang makagat ng ahas. Naging demanding sa kung anu-anong bagay at halos ayaw na siyang paalisin sa tabi nito.

Kabaligtaran naman nito si Darren. Simula nang manggaling sila sa ospital, kapansin-pansin sa kaniya ang malaking pagbabago nito. Hindi na ito tulad ng dati na sobrang malambing. Nabawasan na ang init ng pagmamahal nito sa kaniya sa mga gabing kapiling niya ito sa kama. Kapag nag-a-attempt siyang kausapin ito ay lagi itong may idinadahilan. Iniiwasan talaga siya.

Saan siya nagkamali? Wala naman siyang natatandaang nag-away sila nito. Was there a third-party involved? Kung may bagong babae sa buhay nito, hindi siya magiging problema nito. Magpaparaya siya. Pero sana ay magsabi ito sa kaniya nang hindi na siya nanghuhula pa.

"Darren, puwede ba tayong mag-usap?" Minsan ay natiyempuhan niya ito sa poolside, umiinom ng alak. "I think I deserve to know what's bothering you. May problema ba tayo?"

"Pagod ako, Shirley. Huwag muna ngayon." matabang na sagot nito.

"At hanggang kailan mo ako iiwasan? Hanggang kailan ako maghihintay para kausapin mo?" Hirap na hirap na siya sa kalamigang ipinakikita nito sa kaniya. Parang hangin lang siya na hindi nito nakikita, dinadaan-daanan. Mistulang tau-tauhan.

"Pagbigyan mo ako until next week. Doon mo malalaman ang magiging desisyon ko sa relasyon natin."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Pero walang paliwanag na iniwan siya nito roon. May ibang babae nga siguro ito.

NASA garden gazebo si Shelley. Kahit gaano kaganda ang tanawing nakikita niya ay wala iyong ka-appeal-appeal sa kaniya. Naghihintay siya sa pagbabalik ni Darren. Ngayon ang itinakda nitong araw na maghaharap sila, ang araw ng pagpapasya nito ng tungkol sa kanila. Nalilito man siya ay pumayag siya sa arrangement na iyon. Kung may involvement nga ito sa ibang babae ay maiintindihan niya. Palalayain niya ito kahit pa masakit sa kalooban niya.

Nang bumukas ang gate at umarangkada papasok ang kotse ni Darren ay tumahip ang dibdib niya. Feel niya ay isa siyang criminal na sesentensyahan sa oras na iyon.

Shelley's Secret (published under MSV)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon