Chapter Seven

4.6K 100 3
                                    

INILAPAT ni Darren pasara ang pinto ng silid ni Luigi. Nagbuga siya ng hangin. Sa tuwing nakikita niya ang eksenang iyon ng dalawang mahal niya sa buhay ay hindi niya maiwasang manghinayang. Masakit isiping abot-kamay niya si Shirley pero hindi niya ito maabot. Balak niyang ligawan ito. Ang masaklap, malinaw pa sa sikat ng araw na wala itong damdamin sa kaniya. Ayaw pa daw nitong ma-involve sa isang relasyon. Pero napansin niya kung paano ito makipagbiruan at kiligin kay Bernard. Ngayon ay pumayag pa itong makipag-date sa kabigan.

Sino nga naman siya para mahalin ni Shirley kumpara kay Bernard na isang binata at wala pang pananagutan sa buhay. Kung nagmamahalan ang dalawa, bakit niya hahadlangan? Marunong siyang magparaya. Kapag mahal niya ang isang babae, kung kanino ito liligaya ay handa niyang palayain ito ng buung-buo kahit masakit sa loob niya.

Nag-alarm ang ringtone ng cellphone niya. Si Danny ang tumatawag, isa sa mga buddies niya. Pinapupunta siya nito sa pad nito. Birthday nito. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakaka-bonding ang mga kaibigan. At sa pagkabigong dinaranas niya, ano pa ba ang mapagbabalingan niya. Kailangan niya ng outlet para takasan kahit panandalian ang hapding nakaimbak sa puso niya. He needed time to mend his brokenheart.

Pagkatapos ng kalahating oras na pagda-drive ay nasa condo unit na siya ni Danny. Kumpleto ang barkada. He mingled with them. Bukod sa magagandang lalaki ay pawang may mga sinasabi sa buhay ang mga ito. Tulad niya, businessmen ang mga ito. Magkakasama na sila noong nasa kolehiyo pa lang sila. Si Rommel at siya lang ang pamilyado na. Tatlo ang hindi pa nag-aasawa.

"Bro, hindi yata kita napagkikita nitong mga nakaraang araw." bungad ng birthday celebrant. Inabutan siya nito ng wineglass na may alak.

"Busy sa mga negosyo, bro." tugon niya sabay tungga niya ng brandy. Balak niyang magpakalasing sa gabing iyon.

"Bro, ninong ka sa pangalawang anak ko, ha?" ani ni Rommel.

Sinalinan niya ang wineglass at muling tinungga iyon. "Kailan ba?" Buti pa ito, masaya sa buhay-may-asawa nito.

"Sa susunod na buwan. Huwag kang mawawala, ha? Aabisuhan na lang kita."

"E, kami? Hindi ba ninong?" Si Gary iyon. Kung playboy si Bernard, mas matinik sa chicks ito. Napagsasabay-sabay nito ang tatlong girlfriend nito.

"Lahat kayo, bro. Mahirap lang kasing mahagilap si Darren dahil laging nakasubsob sa negosyo niya."

"Hindi sa mga negosyo, Rommel. Sa mga babae niyang naglalakihan ang mga boobs." Nagtawanan ang mga ito.

"Teka, kulang yata tayo ng isa." puna ni Danny. "Nasaan si Bernard?"

"Tinawagan ko kanina. Hindi raw makakapunta." sabi ni Rommel na nagsalin ng brandy sa wineglass nito. Pangalawa pa lang iyon samantalang siya ay naka-anim na.

"Bakit daw? Babae na naman?"

"May date." masama ang loob na wika niya. Sa mga oras na iyon, baka nasa bahay na ito at sinusundo si Shirley. Sinunud-sunod niya ang paglagok sa sobrang selos.

Inawat siya ni Gary. "Bro, nagpapakalasing ka ba?"

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Groggy na siya pero hindi pa manhid ang pakiramdam niya. Damang-dama pa rin niya ang sakit na kanina pa niya iniinda.

Tinapik siya ni Danny sa balikat. "Ano bang problema? Babae?" Naka-relate agad ang kaibigan sa nararamdaman niya. Tulad niya ay nasaktan na ito sa pag-ibig. Pinagtaksilan ito ng babaeng totoong minahal nito. Iyon ang dahilan kung bakit may phobia ito pagdating sa mga babae. Takot na itong magmahal uli.

"Kung babae ang nagpapasakit sa ulo mo, bro, babae rin ang solusyon." anang si Gary. "Tamang-tama. Parating na ang pinsan kong galing ng Europe. Ipakikilala kita sa mga kaibigan niya pagdating niya."

Shelley's Secret (published under MSV)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon