Chapter Two

698 51 12
                                    


I started to strum my guitar.

"Why'd you have to leave so soon?
Why'd you have to go?
Why'd you have to leave me
When I needed you the most.
Cause I don't really know how to tell ya, without feeling much worse.
I know you're in a better place
And it's always gonna hurt.

Carry on,
Give me all the strength I need,
To carry on...

SO LET THE LIGHT GUIDE YOUR WAY. HOLD EVERY MEMORY AS YOU GO. AND EVERY ROAD YOU TAKE, WILL ALWAYS LEAD YOU HOME. HOME..."

My tears started to fall. I miss her.

"It's been a long day,
Without you my friend.
And I'll tell you all about it
When I see you again.
We've come a long way
From where we began.
Oh I'll tell you all about it,
When I see you again...

When I see you again."

I miss you Allyson.

It's been 6 months after we lost her. I lost her. And until now, I still can't find a way to somehow ease the pain. It really hurts.

I blamed myself. Kung hindi sana ako umalis ng bansa, sana ay may kasama siya noong panahon na iyon. Kung mas pinili ko na lamang sana na dito mag-aral sa Scholastica ay hindi na niya kailangang mag-isa. Kung sana ay pinagbigyan ko siya na huwag ng umalis, sana ay magkasama kami ngayon. Sana ay hawak ko pa ang kanyang mga kamay.

I already met Joy. Kanina noong nakita ko siya sa klase. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang pasalamatan. Gusto kong magpasalamat dahil naging kaibigan siya ni Allyson. Dahil siya ang taong nanatili sa tabi ni Allyson noong mga panahong wala ako. Pero hindi ko nagawang magpasalamat sa kanya. Tila malamig ang pakikitungo niya sa lahat. Nagtataka ako kung bakit bigla na lamang siya umalis sa klase kanina at di na muling bumalik. Paano siya naging kaibigan ni Allyson? Hindi ko pa siya naririnig na magsalita pero alam ko na agad ang ugali niya. Magkaibang magkaiba sila ni Allyson.

"Braaaaaader!" Kaway at sigaw ng lalaking tumatakbo papunta sa aking direksyon. Tinanguan ko siya.

"Oy brad! Kamusta first class?" Tanong niyang muli nang makalapit sa akin at tumabi sa inuupuan kong bench sa ilalim ng napakalaking narra tree.

"Ayos naman." Tipid kong sagot.

Sinalat niya ang aking noo at leeg.

"Ano ba?!" Inis kong hinawi ang kanyang kamay sa pagsalat sa akin.

"Problema mo? Meron ka ba ngayon?" Tanong niya. Huh? Ano bang pinagsasabi nito. Huli na ng magets ko ang sinabi niya.

"Fvck you Hyung!" Singhal ko sa kanya at binatukan. Gago talaga.

"Uyy dala mo pala gitara mo, pahiram ako sauli ko mamayang uwian..." Tumango lang ako. "So, nakita mo na siya?" Pagseseryosong tanong niya.

"Mailap brad. Paano naging kaibigan ni Allyson yon? Daig pa bagyo kung katakutan siya ng mga kaklase namin." Ani ko. Palaisipan pa rin hanggang ngayon.

"Ayun na nga brader. May narinig ako kaninang mga estudyante na naguusap sa pagbabalik ni Joy. Mukhang kinakatakutan nga siya dito. Grabe! Ibang klase. Babae siya eh. Saka Korean din ba siya?" Pagtataka rin niya.

"Basta ang gusto ko lang mangyare, mapalapit ako sa kanya. Gusto kong malaman kung paano siya naging kaibigan ni Ally---". Putol niya sa sasabihin ko.

"Heeeeep! Bago yan mamaya ah sa The Trap! Girls hunting ya know??? See ya later brad! Gotta go!" Sabay tayo at takbo palayo sa akin. Pinaalala niya ang paglabas namin mamaya kasama ang barkada. Hindi naman siguro masama kung paminsan minsan ay lumabas ako.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon