Chapter Fifteen

271 13 4
                                    

Mabilisan akong nagpatakbo patungo sa pinakamalapit na terminal ng taxi. Psh. Siya na nga itong ihahatid ng isang katulad ko, umaayaw pa siya.

Muli na namang nag-iba ang ihip ng hangin. Kung kanina'y maayos naman, tila bumalik na naman siya sa pagiging amazona. Hindi kaya niya nagustuhan ang mga pagkain samin? Hindi sa pagmamayabang pero ipagyayabang ko na, masarap magluto si Mommy kaya't alin sa mga iyon ang hindi niya magugustuhan? O di kaya'y dahil sa inasal ng Ate ko?

FLASHBACK.

"What the hell are you thinking? Why are you even with her? Alam mo namang siya yung girlfriend nung lalaking kinaaasaran ko. Why are you with her? Nilandi ka ba niya? Paano kayo nagkakilala? Sinundan ba niya tayo nung pauwi? Wow. I didn't know that girl can cheat!" Pagbungad na mga tanong ni Ate habang hinihila ako palabas ng bahay.

"Are you done?" Hindi ko alam kung ano ang una kong dapat sagutin sa mga tanong niya.

"Yes I am. So tell me!" Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa akin.

"Noona, first of all. Bago pa kayo nageskandalo sa restaurant, magkakilala na kami..." Hindi pa ako tapos ay inunahan na naman niya ako.

"What?! Matagal ka na niyang nilalandi? Kahit na may boyfriend na siya? Wow ah! Just wow! Ilan kaya kayo? Siya na! Pak ganern!" Pumalakpak pa ito ng mabagal na tila humahanga sa mga bagay na hindi naman ginawa ni Joy.

"Noona please listen to me first! We're not into a relationship. Okay? Classmate ko siya. Classmate ko lang siya. Arasso? And please, stop with the word 'malandi' because she's not."

"Wow naman. Parang kilalang kilala mo na agad ah? So then why are you with her?" Sarkastiko niyang sambit.

"Because... Because... Ah basta! Something happened a while ago." Paano ko nga ba ito ipapaliwanag? Na nagsimula kami sa Sentro Highway hanggang sa hinatak niya ako paalis ng eskwelahan at nagpunta sa isang napakagandang lugar.

"But please noona, let's welcome her as if nothing happened between the two of you. Please." Pakiusap ko sa kanya. Sa ugali ng Ate ko, hindi nito basta basta na lamang maisasantabi ang pagkamaldita pero umaasa akong mapagbibigyan niya ako. Nakakahiya nga't kailangan pa naming umalis sa harapan nila para lang pagusapan ang bagay na ito.

"Just this time Sungjaeya." Pagsisigurado niya.

"No. Always." Hindi dapat ganoon. Tsk.

"Huh? Don't me Sungjaeya, you know me."

"Guess I have to tell you this."

Mukhang ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang bagay na ito, nagbabakasakaling mas maintindihan din niya kung bakit ko ito ginawa.

"She's Allyson's bestfriend." Maikli kong sambit na nagpatulala sa kanya.

"What? Is she the girl?" Tanong niya ng ito'y makabangon sa aking sinabi.

"Yes she is. That's why I want to know more about her. Right time comes, I'll thank her. You know my plans." Iyon naman talaga ang totoo. Sa kabila ng ugali ni Joy, I still wanna thank her for taking good care of Allyson.

"Does she know that you and Allyson's are?..."

"No. Just... I need time. Hayaan mo na ako Ate." Hindi ko pa alam kung paano ipagtatapat kay Joy kung sino ako sa buhay ni Allyson.

Sa totoo lang, hindi ko masabing ako'y kasintahan ni Allyson. Dahil wala naman kaming tunay na relasyon. Hindi kami iyong may label na magboyfriend at maggirlfriend. Pero nasisiguro kong iisa lamang kami ng nararamdaman at doon rin naman ang kapupuntahan namin, kung hindi lamang siya namatay.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon