Chapter Eleven

302 42 2
                                    

"Mom I'm going!" Sigaw ko kay mommy at dali-daling humalik sa kanyang pisngi habang siya'y nagluluto ng umagahan. Mabilis kong tinakbo ang kusina hanggang garahe.

"Wait you're not yet eating your breakfast darling!" Habol niya pero huli na dahil nakasakay na ako ng sasakyan. Hindi na ako makakakain, medyo nalate ako ng gising at kung kakain pa ako ay tiyak na mahuhuli ako sa klase.

"Thanks mom but I really have to go! See you later!" Binuksan ko ang bintana ng sasakyan upang makakaway sa kanya.

"Ingat Sungjaeyaaa! Love you son!" Sigaw ng mama ko habang pinapaatras ko ang sasakayan palabas ng garahe.

"I know Mom!" Sigaw ko bago tuluyang makalabas ng garahe. I only have 15 minutes bago ang unang klase. I'm in a hurry at ayaw kong masira ang records ko sa university. I admit, grade concious ako.

Binabagtas ko ang Sentro Highway ng magsimula ng bumagal ang usad ng mga sasakyan. This can't be. Hindi ako maaring lumagpas sa dalawang minuto sa daang ito dahil medyo may kahabaan pa ang subdivision na papasukin ko kung saan naroroon ang Scholastica. Nakuha ko ng sumingit sa mga sasakyang nasa unahan ko kahit na binubusinahan na nila ako. Pero sa huli lumagpas ako sa dalawang minutong inilaan ko para sa highway na ito. Nagsimula ng hindi umusad ang mga sasakyan.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagtiyaga sa napala. Kinse minutos pa ang nagdaan bago tuluyang umusad ang sasakyang nasa harapan ko. Pero kahit anong usad pa ang mangyari, hindi na maalis na huli na ako sa unang klase ko. Hindi ko alam kung papayagan pa ako ng proffessor na makapasok sa klase. Damn.

Tuluyan ng umusad ang mga sasakyan ngunit sa di kalaunan ay nagsimula na namang bumagal. Binuksan ko ang bintana ng aking sasakyan at tinanaw kung ano ba ang mayroon at nagsimula na namang huminto ang mga sasakyan at tila ba ang ilan ay may iniiwasan sa gitna ng kalsada. Mukhang may aksidenteng naganap. Ilang minuto pa muli bago ako nakausad.

Wala naman palang aksidente. Isang sasakyan lamang ang mukhang nasiraan sa gitna ng 4-Lane Highway. Abala talaga. Biruin mo kung hindi siya nasiraan sa gitna pa mismo ng highway ay hindi sana siya nakaperwisyo sa ibang tao lalo na sa mga nagmamadaling pumasok sa trabaho at eskwela kagaya ko. Maaari naman siyang tumawag kaagad ng car towing service para maialis agad ang sasakyan niya. Tss.

Ng malapit na ako sa sasakyang nasiraan ay pilit kong inaaninag ang driver kung nasaan ito. Nakita kong may nakaupo sa driver's seat. So hindi man lamang niya sinesenyasan ang mga nasa likod sasakyan upang malaman kung bakit siya nakahinto doon. Sana'y kahit papaano ay humihingi siya ng paumanhin sa mga driver. Ang laki niyang abala, lunes na lunes.

Ng tuluyan na akong makatapat sa kotseng nasiraan ay nagulat ako sa nakita ko kung sino ang may dala ng sasakyan. Ang kataas-taasang Joy pala!

Binusinahan ko siya ng pagkahaba-haba pero inip na tingin lamang ang sinukli niya sa akin. Hindi tinted ang salamin ng sasakyan ko at siya nama'y nakabukas ng bahagya kung kaya't nasisiguro kong natawanan niya ako. Ang yabang talaga!

"Hoy Miss ang laki mong abala lunes na lunes!" Sigaw ko sa kanya ng tuluyan kong maibaba ang salamin ng sasakyan pero ang isang to ay talagang napakayabang at napakatigasin ng dating. Pinagsaraduhan lang naman niya ako ng bintana niya. Ay ang yabang! Bago ko pa maapakang muli ang gas pedal ay napalingon ako sa kanyang sasakyan at nagulat akong lumabas siya ng kanyang sasakyan. Kinatok niya ang salamin ng aking bintana sa passenger's seat. Ano bang naiisip nito at bumaba pa siya? Lalo kaming makakaistorbo sa trapiko!

"Oh ano ngayon?" Asik ko sa kanya oras na naibaba ko ang salamin ng sasakyan ko.

"Open the door." Maangas niyang utos. Aba't mukhang makikisakay pa sa akin ang isang to!

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon