Chapter Thirteen

258 12 9
                                    

"Mukhang may iniiwasan ka ata Miss Joy?" Bakas sa tanong ko ang pang-aasar pero dahil ginamit niya ang sasakyan ko, may karapatan naman siguro akong magtanong. Seryoso at diretso lamang ang tingin niya sa daang hindi ko na alam kung saan patungo dahil masyado ng mapupuno at tila hindi sigurado ang hangganan.

Nanatili siyang tahimik at walang kibo. Mukhang wala nga siya sa mood kaya't hindi ko na muna kinulit kahit na dapat ay magpasalamat siya sa akin.

Nagpapakiramdaman kaming dalawa.

Ni minsan ay hindi ko naisip na darating ang ganitong pagkakataon na mapagsasama kami. Ni pangalan namin ay hindi kumpirmado pero ito na nga ata ang pagkakataon para makilala ko siya kaya I've decided to enjoy the moment.

Humilig na lamang ako sa kinauupuan at tinuon ko ang mga mata sa labas. I looked at the view na unti-unting gumaganda mentras tumataas ang daang tinatahak namin. Nakakamangha ang lugar na ito. Ngunit ng di nagtagal ay wala ng ni isang sasakyan kaming nakakasalubong, doon ako muling lumingon sa kanya at nagtanong.

"Do you still know this place? Mukhang dead end ang mararating natin." I'm starting to feel a bit nervous dahil we're driving for almost an hour.

"Don't worry. I will not salvage you. We're almost here..." Walang gana niyang pagsagot.

"Wow." The view is breath taking.

Hindi ko akalain na mayroong ganitong natatagong lugar sa kabihasnan.

Itinabi niya ang sasakyan sa tabi ng isang malaking puno ng mangga at tahimik na nagpaunang bumaba. Sinundan ko siya agad at inunahan siya sa paglalakad patungo sa lugar kung saan mukhang mas maganda tignan ang tanawin.

Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita sa baba ang lawak ng syudad at naglalakihang building ng Maynila. I never really thought na mayroon ganitong lugar or it's just hindi ako gaanong nagagawi dito. Parang isang painting kung titignan. Tanaw rin ang mga eroplanong dumaraan sa himpapawid.

Lumapit pa akong lalo sa hambang nakaharang upang walang maaksidente. Doon ay ipinatong ko ang aking mga siko at tinanaw muli ang napakagandang view. Napakatahimik at mahangin. Huni lamang ng ibon ang nagbibigay ingay sa amin.

Nilabas ko ang aking cellphone and there I took some photos. Kahit sa paanong anggulo ko ito kuhanan, perfect shot. Inilibot ko pa ang cellphone ko at hindi sinasadyang maitapat ko ito sa kanya. Pinakatitigan ko siya mula sa screen. Seryoso ang mukha at nakatingin sa kawalan. Pinagisipan kong mabuti kung pipindutin ko ang capture button, and yes, kinuhanan ko siya. Perfect stolen shot of a perfect stolen moment at the perfect stolen place. Mukhang nakaramdam siya sa aking ginawa at lumingon sa aking gawi. Dalian kong itinago muli ang aking cellphone sa aking bulsa at tumitig na lamang sa tanawin.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paglayo niya at sinundan ko siya ng tingin. Doon ko lamang napansin na mayroon din palang kubo sa kanang bahagi ng lugar. Nakita ko siyang naupo sa isang duyang napapalibutan ng iba't ibang uri ng orchids, yumuko siya at itinukod ang dalawang kamay sa gilid ng kanyang mga hita. Tumagal ang pagtitig ko sa kanya ng ilang minuto at ng hindi siya kumikilos mula sa pagkakayuko ay nagpasya akong lapitan siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin ng maramdaman ang presensya ko. Umusog siya ng bahagya at binigyan ako ng space na mauupuan.

Palaisipan sa akin kung ano ang problema niya. Sigurado ako, mayroon.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon