Chapter Twelve

256 14 0
                                    

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong maginarte habang naglalakad patungo sa aking silid. Kapag talagang minalas ka nga naman! Kung hindi lang ako nagmumukhang tanga doon sa gitna ng highway ay hinding hindi ako makikisakay sa lalaking iyon! Napakahangin!

Napahawak ako sa noo ko. Masakit. Letse! Sinadya ng lalaking iyon na ipreno ang kanyang sasakyan.

"Oy ikaw!" Pagtawag ko sa isang lalaking estudyanteng nanggigilid sa paglalakad at tila takot na takot sa akin.

"Aaaa-aaako pppp-pppo??" Halos mangisay sa nginig at takot na takot tumingin sa akin.

"Hindi. Baka yung pader? Tinawag kita di ba? Ikuha mo ko ng ice pack. Bilis!" Walang pakundangan kong utos sa kanya. Pakiramdam ko kasi'y nagbukol na ang noo ko. Humanda talaga sakin ang isang iyon. May alas pa ako.

Dumiretso ako sa silid aklatan, dating gawi. Hindi na lamang ako papasok sa klase tutal higit isang oras na rin naman akong huli. Bwisit na umaga, bwisit na lalaking iyon. Sumalampak ako sa sahig at inihilig ang aking likod at ulo sa pader. Doon nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga at saka pumikit. Tuluyan ng sumakit ang aking noo. Sinasabi ko na nga ba.

"Maaga ka pa para sa susunod na klase." Naramdaman ko ang pagtabi ng hindi kung sino lamang. Kaizer.

"Huwag mo akong kausapin." Sabi ko sa kanya habang nananatiling nakapikit ang mga mata.

"Tsk. So childish." Aniya.

"Oo, masyado pa akong bata para makipaglaro sa iyo. Umalis ka na." Prangka kong sagot sa kanya at pantataboy.

Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Ako'y nasa pangalawang taon na sa kolehiyo at siya nama'y magtatapos na sa taong ito. Mabuti nga iyon para hindi ko na siya makita pa sa mga susunod na taon ko sa unibersidad.

"I'm sorry." Biglang pagbaba ng kanyang boses. Hindi ako kumibo. Nanatiling malamig. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang humingi ng tawad. Wala na rin naman akong pakealam.

"I'm such a jerk." Napadilat ako ng bahagya at nakitang napahilamos siya sa kanyang mukha kasabay ng binitawang salita. Oo jerk ka. Tangina buti alam mo. Nag-angat siya ng kanyang mukha ilang segundo at nakita niya akong nakatingin sa kanya. Bago ko pa maibaling sa ibang gawi ang aking paningin ay mabilis niyang kinuha ang aking dalawang kamay at hinawakan ng mahigpit dahilan upang maibalik ko ang aking mata sa kanya. Kunot noo ko siyang tinitigan.

"Sobra akong nagsisisi. Sana mapatawad mo ako. Gusto kong bumalik tayo sa dati. I miss you, I miss you Joy, I miss... Us." Bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya? Bakit mukhang totoo? Bakit parang gusto kong maniwala sa kanya?

Pero ayoko ng maniwalang muli sa kanya. Natatakot na akong muling masaktan. Isa na naman ba ito sa mga patibong niya?

Marahan kong inalis sa pagkakahawak niya ang mga kamay kong nanginginig at mabilis na iniiwas ang aking paningin. Hindi ko na matagalan ang pagtitig sa kanya, tila naguguluhan.

Umayos siya sa pagkakaupo, iniyuko ang kanyang ulo at nanatili ang mga mata sa sahig. Ganoon rin ang ginawa ko. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Biglang akong napipi. Ang dami ko sanang gustong sabihin. Gusto kong magalit, gusto ko siyang iyakan. Ano ba ito.

"I messed up with my life. The moment you started ignoring me, I felt weak. There's something missing in me. That's when I realized na ikaw ang kulang. Hindi na ako sanay na wala ka..." Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa sahig, pinapakiramdaman ang sa akin ngunit nanatiling matigas ang damdamin ko para sa kanya. Hindi ko hahayaang ipakita ang emosyon ko kaya't pilit kong ikinunot ang aking noo.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon