Chapter Seven

410 45 4
                                    

"Hi."

Napangiti ako. Para kong tanga dito pero wala akong pakealam. Wala rin namang nakakakita kaya okay lang.

"Happy Birthday Allys." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti na may kasamang mga luhang nagbabadyang makisama sa nararamdam ko. Ano nga bang nararamdaman ko? Masaya? Malungkot? Sa totoo lang, hindi ko alam. Manhid na nga ata ako.

Naupo ako at hinimas ang kanyang lapida. Nadako ang mga mata ko sa mga bulaklak na malamang ay galing sa kanyang pamilya.

Wala akong dala kahit ano. Walang bulaklak. Walang kandila, dahil ayaw niya noon. Kaya sa pagkakataong ito, isa lang ang maibibigay ko sa kanya bilang regalo, alam kong huli na pero pangako Allyson sayo lang, ang puso ko.

"Kamusta ka dyan? Lagi mo ako babantayan ha? Alam ko ikaw ang guardian angel ko." Natatawa ako sa mga pinagsasabi ko.

"Yung bisita mo kanina masyadong mayabang ano? Tss. Paano mo naging kaibigan yon? Napakahangin. Sigurado ka bang kaibigan mo yon o baka naman tinakot ka lang non para kaibiganin mo siya?" Baka kasi ang totoo ay wala siyang kaibigan kaya pinilit niya si Allyson. Paano kasi sila magiging magkaibigan eh napakalayo ng ugali nila.

Si Allyson mabait, si Joy hindi. Si Allyson matalino, si Joy mukhang hindi naman, balita ko nga laging absent yon. Tch. Si Allyson masayahin, si Joy lalong hindi! Ni hindi ko pa nakikitang tumawa iyon o ngumiti man lang. Si Allyson sweet, si Joy ha! Paano magiging sweet yon? E mukhang ampalaya yung aura ng mukha nun. Si Allyson matulungin sa lahat, si Joy hindi, mailap nga sa tao yon paano pa siya tutulong? At higit sa lahat, si Allyson maganda, si Joy hindi. Uhm. Konti. Medyo. Sakto lang. Tch. Di rin. Lagi ngang nakabusangot yon. Hindi, di siya maganda.

Maputi lang siya saka matangkad, mas matangkad ng kaunti kay Allyson. 5'5 mga ganun. Yung kutis niya parang pangsanggol at mukha siyang pinaglihi sa gatas. Mahaba ang kanyang buhok, minsan ay may kulot sa dulo o baka kapag tinatamad siya ay hinahayaan na lang niyang deretso at walang ayos. Matangos din ang kanyang ilong. Yung mga mata niyang mabilog pero sa tingin ko oras na ngumiti siya hindi na din makikita ang kanyang mga mata. Parang yung sa akin? Yung mga labi niya kagaya din ng akin na sigurado akong kapag ngumiti siya o tumawa ay kagayang kagaya ng sa akin.

Teka. Ako gwapo, si Joy hindi. Bakit ba pinagaksayahan ko pa ng oras isipin siya.

"Sino ba siya? Sino si Joy? Tignan mo tinakot pa ko bago umalis? Tss. Pero seryoso, hihingi ako sayo ng pasensya ha? Kasi pinaimbestigahan ko siya pero ni isang impormasyon wala akong nakuha. Basta siya si Joy. Joy period. Ni edad, birthday, lugar kung saan siya nakatira walang nakuha yung kinuha kong private investigator. Ni apelyido blangko!"

"Mayaman ba siya? Or makapangyarihan? Para kasing takot na takot sa kanya ang lahat. Kaya nga nagtataka ako paano mo yon naging kaibigan? Ibang-iba kasi kayo." Teka bakit ba siya pinaguusapan natin.

Tumayo na ako at nagpaalam.

"Happy birthday Allys. I love you. I miss you." Napangiti habang tinititigan ang kanyang lapida. Kung nabubuhay ka pa sana, ibibigay ko sayo ang lahat. Simula sa kung anu-anong surpresa at sa mga regalong kaya kong ibigay sa iyo. Pero huli na talaga ang lahat at pinagsisisihan ko iyon.

Isa na lang ang maibibigay ko sayo. Sayong-sayo lang ako. Pangako.

Nagsimula akong maglakad pabalik sa aking sasakyan ng may mapansin akong tao sa di kalayuan sa mas madilim na parte ng sementeryo. Pilit kong inaaninag kung sino iyon. Tila kinutuban ako ng kung ano.

Lumapit ako ng bahagya sa parteng iyon at nilagpasan ang aking sasakyan.

Mahaba ang kanyang buhok, babae sa malamang. Nakaputing bistida. Naglalakad palayo habang ako naman ay pilit na lumalapit sa kanya. Hanggang sa huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin...

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon