Chapter Eight

361 45 5
                                    

"Hahahahahahahaha!!!" Teka. Kinakapos na ko ng hininga.

"Hahahahahahahaha!!!" Ayoko na. Ang sakit na ng tiyan ko. Isa na lang!

"Hahahahahahahaha!!! 2-1! Hahahahahahahaha!!!"

Quits pala ha? Hindi ko mapigilan tuwing naaalala ko yung itsura niya nung nakakita ng multo. Grabe! The best.

FLASHBACK.

Nag U-turn ako at nagbalik ng North Angel's, dumiretso agad ako sa comfort room at nagpalit ng puting bistida na nahalungkat ko sa aking sasakyan. Palagi naman akong may baong mga damit in case of emergency at nakakatawang ito pala ang emergency case na mararanasan ko. Bright idea.

Ginulo-gulo ko ang buhok kong nakalugay at halos tabunan ko na ang buong mukha ko para mas kapani-paniwala.

Lumabas ako ng comfort room at saktong nakita ang isang babaeng halos kasing-edad ko na nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat sa likod na North Angels, sigurado akong isa itong caretaker dito.

"Pssst." Sinitsitan ko siya.

"Diyos ko..." Sambit niya ng makita ako.

"Pssssst." Pagtawag kong muli sa kanya dahil di ko alam kung paano siya tatawagin. Humakbang ako palapit sa kanya.

"Huwag po. Wala po akong kasalanan. Huwag po." Ano bang pinagsasabi nito. Halos tubuan na ng ugat sa lupa at hindi makagalaw. Saka ko lang naalala, todo bihis na nga pala ako.

"Oy miss. Huwag ka nga." Sabi ko sa kanya.

"Inaalagaan ko naman po ng maa--" Pinutol ko na agad siya.

"Miss huwag oa please? I need your help." Pakiusap ko.

"Ppp-po?"

"Sabi ko I need your help. Name your price." Paninigurado ko para tulungan niya ako.

"Ah eh maam..." Nagaalanganing lumapit sa akin at sinundot ako sa pisngi. Agad akong umiwas baka mamaya kahahawak niya lang sa kung saan, magkabacteria pa ako.

"Ano ba! Don't touch me!" Singhal ko sa kany.

"Ay maam di ka naman pala multo! Hay akala ko totoo na! Adik ka maam!" Sabay hinga niya ng malalim.

"Enough of that. I need your help." Nakinig siyang mabuti sa akin at tinulungan ako sa plano.

Matapos pag-usapan nagtungo na kami sa lugar kung saan malapit sa sasakyan ng unggoy na yun. Nung una pumwesto ako sa isa sa mga puntod na malapit sa kanyang sasakyan, pangalawa sa harapan mismo ng kanyang sasakyan pero naisip kong mas mabuting hindi niya ako makita ng malapitan para mas makatotohan ang ganap.

Napagpasyahan naming pmuwesto sa ilalim ng isang malaking puno na bahagyang malayo sa kanyang sasakyan pero siguradong matatanaw niya oras na sumakay siya doon.

"Maam sandali may naisip ako. Diyan ka lang maam ha. Huwag ka aalis!" Sabi nung babae.

"Hoy saan ka pupunta?!" Tanong ko sa kanya pero ayon at nagmadaling tumakbo sa kung saan at iniwan ako. Madilim na pero hindi naman ako duwag. Tignan natin ngayon kung sinong duwag! Ha!

"Maam isukbit mo to sa dalawang braso mo. Dali!" Pag-uutos niya sa akin.

"Ano yan?!" Angil ko sa kanya habang pilit na ikinakabit sa aking dalawang braso ang mahabang transparent na lubid. Saan naman niya nakuha to at ano bang binabalak nito?

"Maam para mas kapani-paniwala ang shooting natin kailangan may effects, swerte nga tayo kasi medyo mahangin ngayon kaya hindi na natin kailangan ng electric fan kaya eto na lang!" Paliwanag niya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon