Chapter Nine

348 44 1
                                    

"Sungjaeya!"

"Sungjaeyaaa open the door please!"

"Sungjaeyaaaaaa!!!"

Kasabay ng sunud-sunod na pagkatok. Jesus! Ang aga-aga pa at sabado ngayon, wala akong pasok. I really need a long sleep sister.

"Ang aga pa noona! What do you need huh?" Bungad ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto at naglakad pabalik sa kama.

"Come on lil' brother! You have to spend some time with me! Let's go shopping!" Inuga-uga niya ang aking balikat.

"In this early hour? Seriously Noona?" Ang aga pa para magshopping at talagang kasama pa ako. Well, hilig ko din iyon. Dati. Madalas kaming sabay na mamili ni Allyson. Ako ang namimili ng bagay sa kanya at siya naman ang sa akin.

"Hello? Almost 1PM na kaya! Tapos na nga kami maglunch nila mommy at daddy!" Paliwanag niya.

"One more hour please." Kulang pa talaga eh.

"Okay!" Yon! Buti naman pumayag.

"One hour to prepare!" Sabay hila niya sa aking dalawang braso para makatayo. Sabi na eh. Siya dapat masunod.

"Eh?" At wala akong nagawa kundi bumangon na at maligo.

Napagpasyahan naming dito na lamang sa isang mall sa Taguig maglibot. Halos lahat ng boutique ay napasok na namin at lahat din ng iyon ay nilalabasan naming may bitbit na. Tila nasabik ang kapatid ko sa pamimili dahil ilang buwan din siyang nagvolunteer at walang oras para unahin ang kanyang sarili.

Namili siya ng mga damit at kagamitan na kakailanganin niya sa pagbalik sa Korea. Di hamak na mas mura pa rin dito sa Pilipinas ang mga bilihin kaysa doon. Simula sa underwear, make up products, mga damit, sapatos, bags, at hanggang sa ipit na panali sa buhok ay nakabili siya. Samantalang ako ay isang maliit na figurine lamang ang nabili ko. Past 8 in the evening na kami natapos mamili.

"Think this is not yet enough." Kinakausap ang sarili niya habang nakatitig sa mga paperbags na bitbit ko.

"Huh? Ate maawa ka naman sa braso ko. Dalawa lang iyan." Pagrereklamo ko. Dahil mahigit na sa sampung paperbag ang nakasukbit sa dalawang braso ko. Kung hindi ko lang talaga kapatid to. Tss.

"Hmmm... Sabagay I still have time tomorrow. Bukas na lang ulit." Masayang sambit nito. So hindi pa pala kami tapos talaga? Bukas pa daw ulit.

"Ate gutom na ako." Gutom. Pagod. Antok.

"Me too! Come let's eat! Where do you want?" Yon! Nakaramdam din ng gutom si Ate.

"Sa fastfood na lang ate, para mabilis. Gutom na talaga ako." Paliwanag ko. Dahil pakiramdam ko hindi ko na kakayaning magintay pa ng ilang minuto sa mga fine dining restaurant. Gutom na gutom na ako.

"No. I want pasta! Ayun! Doon tayo!" Sabay turo niya sa isang fine dining restaurant.

"Galing mo rin ano te? Tinanong mo pa ko kung saan ko gusto."

"Tss. Reklamo pa, kutusan kita dyan eh. Tara na!" Wala rin akong nagawa kundi sumunod sa kanyang parang bodyguard. Nakakawala ng poise kapag siya ang kasama ko.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon