Chapter Five

389 48 2
                                    

"Oy beks! Nakita ko kanina si Kai at Joy na naguusap! Sila na kaya ulit?"

"Anong sila ulit eh never naman naging sila. Walang commitment na naganap, nu ka ba!"

"Eh pero I can see it in their eyes! May shumashining shimmering effects kaya! Baka di lang sila umaamin talaga!"

"Bagay pa naman sila. KJ (Kai-Joy) forever! Heart heart heart!"

Tamad akong tumayo at sumandig sa hamba ng pintuan at pinakinggan ang magagaling kong kaklase na pinaguusapan ako. Kami. Ni Kaizer.

"Kinikilig ba kayo sa love story namin?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay silang napalingon sa akin na bakas ang kaba sa mga pagmumukha.

"Gawa din kayo para di ako yung pinaguusapan niyo." Walang buhay kong sabi sa kanila at naglakad patungo sa silya ko. Sawa na ako sa mga ganyan.

Lalo ko lang tuloy pinagsisihan ang mga nangyare. Sana kung hindi ako nagpakatanga at naniwala sa hayop na yon edi sana malinis pa rin ang love record ko at hindi nila ako paguusapan ng dahil lamang don.

Ang gusto ko kasi, pagusapan nila yung pagiging mayabang ko. Okay na ko dun. Matutuwa pa ako.

Habang nagiintay sa aming prof, nanatili ang mga mata ko sa mga manlalaro sa field. Eto talaga ang pakay ko sa pwesto na ito. Kapag boring ang klase mas gusto ko pang manuod sa mga naglalaro sa field. Minsan ay soccer, kuminsan naman ay football.

Naramdaman ko ang pag-ingit ng silya sa tabi ko. Hudyat na may naupo doon. Tss. Makulit talaga to. Sinabi ng hindi pwede doon.

"Sino ka ba?" Pataray kong tanong sa taong nasa gilid ko at nakakunot-noong nakatingin din pala sa akin. Problema nito?

"Ha? Bingi ka ba? Di ba pinakilala na ako nung prof kahapon?" Aba't gago to ah. "Di ka lang pala bulag. Bingi pa. Tss." Aba't talagang humirit pa! Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm Yook Sungjae. You can call me Sungjae Oppa or Mr. Yook na lang siguro ano? Di ka naman kasi mukhang sweet para tawagin akong oppa." Sabi nito. Hininaan pa ang huling sinabi pero rinig ko pa rin. Mukhang sinadya.

"Anong sabi mo?" Galit kong tanong sa kausap kong sira ang ulo.

"Ay bingi nga siya talaga!" Sinabayan pa ng pagpapaikot ng kanyang mga mata. Hay bwisit! Inirapan ko na lang siya at pilit binalewala ang presensya kahit na maraming pagkakataong nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.

Dumating na ang prof. Habang nagkaklase, inabala ko ang sarili ko sa pakikinig sa gurong nagsasalita sa harap. Pero sadyang may lintek na kyumad sa tabi ko.

Paglingon ko sa kanya, nakatitig siya sa akin. Tila inaaral ang mukha ko. Hanggang sa nahuli ko siyang nakatingin sa labi ko.

May gusto ba to sa akin?

May gusto ba to sa akin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yook Sungjae

Hindi naman kapangitan ang hitsura niya. Singkit ang mga mga mata, matangos na ilong, makipot pero bahagyang makapal ang kanyang mga labi na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Ang buhok nitong itim na lalong nagpaputi sa kanya. Bukod sa pangalan, sa hitsura din ay halatang halata na koreano din ang isang ito. Hindi siya gwapo. Hindi talaga.

Pero masarap tignan ang kanyang mukha.

"May gusto ka ba sa akin? Direkta kong tanong sa kanya. Pilit kong hininaan ang boses ko upang di makaistorbo sa klase pero sadyang may mga radar ata ang mga kaklase ko at nilingon nila kami. Buti na lamang at ang guro ay hindi nakapansin dahil kasalukuyan itong nagsusulat sa white board.

Rinig ko ang reaksyon ng mga kuto kuto sa paligid.

"Hey miss. Huwag kang masyadong assuming. Hindi porke nakatitig ako sayo ay may gusto na ako sayo." Sabay ngiti ng pagkapangit pangit at parang nangaasar.

"Kung ganoon, bakit mo ako tinititigan?" Sagot! Bilis!

"Ah eh kasi..." Narinig kong nagtatawanan na ang iba kong mga kaklase na nakikiusosyo sa amin. Lahat sila nakatingin sa akin at nagpipigil ng tawa.

"May nunal ka pala sa ibabaw ng nguso mo ano? Bakit kahapon ay wala naman iyan?" Sabi niya habang halatang nagpipigil din ng tawa.

Anong nunal ang pinagsasabi nito? Ako may nunal sa ibabaw ng nguso? Wala no! Dali-dali akong humarap sa bintana sa kaliwang bahagi ko. Doon makikita ang repleksyon kung tititigan mong mabuti.

Tangina. Ano to? Bakit may itim na bilog na parang tuldok sa ibabaw ng nguso ko? Sa bandang kanan. Dali-dali kong hinawakan ang parteng iyon at kinapa kung ano ang naroon.

Maliit na piraso ng papel ang nakuha ko. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong sa dekorasyon sa aming silid maari ito nanggaling. Paano iyon napunta sa mukha ko ay hindi ko alam at talagang sumakto pa talaga sa ibabaw ng nguso ko? Para kong si...

"Gloria..." Ay bwisit na buhay ito! Pagtawag sa akin ng sira ulong katabi ko. Patungkol nito sa dating pangulo ng Pilipinas.

"Hahahahaha! Quits!" Mahina man pero rinig ko ang sinabi niyang ito. So gantihan pala? Sige lang. Makikita mo.

Mabilis ang tumayo at ipinikit ng mariin ang aking mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad sa harap ng lalaking mukhang unggoy. Tumingala siya sa akin at nangunot ang noo.

(Sorry di ko alam kung paano ang sound effects ng kutos. Hahaha!)

"Aray! Ano ba?!" Singhal nito matapos ko siyang bigyan ng isang malakas na kutos.

"Hey what's happening? Miss Joy?" Tanong ng guro na nakuha na ang aming atensyon. Malumanay na pagtatanong, dahil ako si Joy. Pero kung ibang estudyante ang gumawa ng eksena ay sa malamang na nagtatalak na ito.

"Nothing Maam. Just giving extra lessons." Sagot ko at mabilis na lumakad palabas ng silid. Tangina naman. Bwisit. Peste. Tarantado.

Naglalakad na ako patungo sa parking lot dahil napagpasyahan ko na lamang na umuwi dahil sobra akong naiinis sa gagong yon. Kailangan kong umuwi at mag-isip ng gagawin sa kanya. Kailangan kong bumawi. Hindi ako makakapayag na ganun ganon na lang ako tratuhin ng isang yon. Biglang nagring ang telepono ko.

Lumabas sa screen ang reminder na nagpapaalala sa kung ano ang mayroon sa araw na ito.

June 14
Allyson's Birthday.

Noong isang linggo ko pa ito naalala. Kaninang umaga ito rin ang una kong naisip pagkagising na pagkagising ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa kanya o huwag na lang kaya. Masyadong mabigat sa akin.

Sa huli, pinili kong puntahan siya at dalawin. Gusto kong umiyak sa kanya. Gusto kong magkwento. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto ko siyang bumalik.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon