Bea's POV
Pabebe pa eh susunod din naman.
"Bilisan mo nga, madami pa kong gagawin. Di lang pagbibigay ng punishment sayo" sabi ko sakanya kasi ang bagal niya maglakad.
"Eto na nga oh binibilisan ko na maglakad" sabi niya habang tumatakbo papunta sakin.
Maddie's POV
First day ko palang may punishment na agad.
Di ba pwedeng wag nalang kasi di ko naman alam na siya yung TSC President dito.
Nakadating na kami sa office niya.
Black and Red (black yung walls then red carpet yung sa floor) lang yung color ng office niya hahaha pero sobrang organize ng mga gamit.
Bagay naman sakanya kasi ang seryoso niyang tao.
Bea's POV
Pumunta na ko sa desk ko tas umupo pero natawa nalang ako nung nakita ko siyang tinitignan yung buong office ko na parang sobrang amaze siya.
"Ano? Wala ka bang balak umupo. Tatayo ka nalang ba?" sabi ko sakanya saka tumawa.
"Bahala ka kukunin ko tong upuan mo" bulong ko pero narinig parin niya.
Tumayo ako sa pagkaupo ko and kukunin ko na dapat yung upuan niya kaso bigla siyang tumakbo papunta sakin.
Maddie's POV
"Huy anoba uupo ako. Masyado lang ako nagulat sa office mo kasi bagay talaga sayo" sabi ko saka kinuha yung upuan galing sakanya.
Ayun umupo na ko tas bumalik na din siya desk niya saka umupo.
"Bakit naging bagay sakin? baka bagay tayo haha crush mo lang ako eh" sabi naman niya saka tumawa.
Sus ang assuming naman nito.
"She's not atrractive nga eh hahaha" sabi ko nalang sa isip ko.
"Baliw I don't like you okay. Bagay sayo yung color ng office mo kasi alam mo ba kung bakit?" tanong ko sakanya saka pinigilang di tumawa.
"Deny ka pa haha oh bakit?" sabi naman niya tas yung mukha niya sobrang confused hahaha
"Kasi parang demonyo, sama kasi ng ugali mo eh hahahaha" sabi ko sakanya tas tawa ko ng tawa.
Bea's POV
Wow her confidence sobrang taas para sabihan ako ng ganon pero sinabayan ko nalang yung trip niya hahaha
"Ano? Okay ka na? Masaya na?" sabi ko sakanya tas tinawanan nalang siya.
Yung mukha niyang tawa ng tawa kanina naging poker face hahaha
Mag sasalita pa sana siya kaso may tumawag sakin.
"Teka lang ah" sabi ko sakanya tas tumigil na ko sa pagtawa.
Sinagot ko yung phone call. Si Ate Ly.
~Phone Call~
"Bei! You need to go here as in ngayon na" -Ly
"Huh? Bakit wala namang practice sa varsity diba?" -Bea
"Oo nga pero may try outs ngayon kailangan nandito tayong dalawa since ako yung team captain tas TSC president ka saka part ka din naman ng varsity"
-Ly"Saka kailangan daw linisin yung gym pagtapos ng try outs. Kaya bilisan mo na habang di pa nagsisimula." -Ly
"Okay okay papunta na ko" -Bea