Complicated

6.7K 208 42
                                    

Bea's POV

Pagkagising ko palang tumingin na agad ako sa other side ng bed ko.

Pero naalala ko bigla na wala nga pala si Jho.

Di ko pala kasama ngayon yung taong gusto kong makasama.

"Life is so unfair" sinabi ko nalang bigla habang nakatingin sa ceiling.

Kaya tumayo na ko saka pumunta sa kitchen.

Kumain lang ako ng cereal tapos naligo na agad.

Nagsuot ako ng volleyball shorts saka sinuot ko rin yung shirsey ko "14" De Leon.

May training kami ngayon kaya inayos ko yung bag ko naglagay ako ng extra shirt.

Shirsey ni Jho yung dinala ko na pang extra.

Jho's POV

After ko maligo, inayos ko na yung bag ko para sa training namin.

Iniwan ni Bea yung shirsey niya dito sa closet kaya yun nalang kinuha ko para gawing extra shirt.

Paglabas ko ng pinto sakto na lumabas rin si Bea dun sa room niya.

"Good morning" sabi niya sakin habang palapit siya sakin.

"Good morning din" sabi ko tapos ngumiti.

"Attend ka ba ng training today" sabi ko sakanya.

"Yes gusto mo sabay ka na sakin" sabi niya tapos ngumiti.

Hindi ako pwedeng sumabay sakanya kasi nga diba time and space muna.

"Hindi wag na okay lang ako" sabi ko tapos naglakad na ko palayo.

Naglakad na ko papuntang BEG.

Bea's POV

Ganito pala feeling pag tinanggihan ka ng isang tao.

Ngayon ko lang kasi ulit naexperience toh eh kasi nasanay na kong palaging "Sure" "Oo" "Sige" yung sinasagot sakin.

I guess Jho is really one of a kind.

Kaya naglakad na kong mag-isa papuntang BEG.

Jho's POV

"Jho, bat ang tagal mo saka nasan si Bea?" sabi ni Ate Ella sakin pagkapasok ko palang.

"Wala di ko siya kasama" sabi ko nalang tapos nag fake smile ako.

"Di niyo pa nga sinasabi samin kung ano ba kayo tas ngayon break na agad sus kaloka kayo ah" sabi ni Ate Ella sakin.

"Time and Space lang naman Ate Ells" sabi ko habang naglalakad kami papunta kala Ate Ly.

"Diba taga batangas ka" sabi ni Ate Ella sakin.

Anong connect nun jusko naman.

"Huh? Oo anong connect haha" sabi ko sakanya kasi di ko na gets.

"Oh taga batangas ka pala eh" sabi niya sakin.

"Bat may time and space ka pang nalalaman? Taga ibang planeta ka ba para sabihin yan hahaha" sabi ni Ate Ella tapos tumawa siya nang malakas.

Ayy grabe siya oh pero promise natawa ako dun ah hahaha

"Oh besh anong nangyayari sayo? Lakas mo tumawa hala siya" sabi ni Ate Ly kay Ate Ella paglapit namin sakanya.

"Eh kasi si Jho saka si Bea parang timang may space and time pang nalalaman hahaha" sabi ni Ate Ella tapos tumawa nanaman siya.

"Eh ano naman meron dun" sabi ni Ate Den na katabi ni Ate Ly ngayon.

Loving Her (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon