Bea's POV
Mas nauna kong nagising kay Jho kaya naligo na ko tas nagluto na rin ako ng breakfast namin.
Grilled cheese yung ginawa ko tapos nilagay ko na sa table.
Binalikan ko si Jho pero gising na siya tapos hawak niya yung cellphone niya.
Mukhang may kausap siya.
"Jho, nagluto na ko ng breakfast" sabi ko sakanya tas tumango lang siya.
Kaya umalis na ko tapos kumain na ko hindi ko na siya hinintay.
Jho's POV
Tumawag yung mom ko. Tinanong niya kung may kasama daw ba ko sa dorm ko.
~Phone Convo~
"Goodmorning anak! May itatanong lang sana ako. May kasama ka ba diyan sa dorm mo" -Mom
"Ahh meron po pero kilala ko naman po siya. Wag na po kayong mag-alala" -Jho
"Siguro ka ba diyan? Pakilala mo samin para sigurado tayong mabuting tao yan" -Mom
"Makulit nga po siya eh pero mabait naman" -Jho
"Basta pupunta kami diyan bukas para masigurado naming mabait yan" -Mom
"Hala sige po" -Jho
"Ingat ka anak bye" -Mom
"Opo bye ma" -Jho
Pumunta na ko kay Bea tapos kumain na rin.
"Sino yung tumawag sayo" sabi ni Bea habang kumakain.
"Mama ko. Gusto ka ngang makilala eh" sabi ko sakanya.
"Ano? Bakit daw" sabi niya sakin.
"Para daw malaman nila kung safe ba ko dito hahaha" sabi ko sakanya tapos tumawa.
"Kala ko papakilala mo ko kasi girlfriend na kita hahaha" sabi niya sakin tapos tumawa nanaman siya.
Girlfriend? Lokohin ko nga toh hahaha
"Gusto mo ba hahaha" sabi ko tas inusog ko yung upuan ko malapit sakanya.
"Ikaw gusto mo rin ba hahaha" sabi niya sakin tas nilapit niya yung mukha niya sakin.
Kaso biglang bumukas yung pinto ng dorm namin.
Naiwan pala naming bukas yung pinto hahaha di namin nalock kahapon
"Ayy nakakaistorbo ba ko? Sige alis muna ko hahaha" sabi ni Ate Ly.
Sasarado na dapat ulit ni Ate Ly yung pinto kaso nagsalita si Bea.
"Bakit ka nandito? hahaha" sabi ni Bea.
Pumasok si Ate Ly sa dorm namin tapos
lumapit siya saming dalawa."Papaalala ko lang na may pasok ngayon baka kasi makalimutan niyo hahaha" sabi ni Ate Ly samin.
Tapos tumingin si Ate Ly sakin.
"Saka Jho yung results ng try out nandun na din sa gym. Tignan mo nalang ah" sabi niya sakin kaya tumango nalang ako.
"Alam naming may pasok Ate Ly kaya nga gising na kami diba hahaha" sabi ni Bea.
Kaso biglang tumunog yung cellphone ni Ate Ly.
"Sige alis na ko saka nag text na si Den, puntahan ko daw siya. See you nalang sa campus Jhobea hahaha" sabi ni Ate Ly samin tas ginulo niya yung buhok namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/67385791-288-k167141.jpg)