Out of the closet

6.4K 149 5
                                    

Bea's POV

Nagising nalang ako ng may nag doorbell sa dorm namin.

Sinilip ko muna dun sa maliit na tinginan tapos pagkatingin ko napatakbo ako kay Jho.

"JHO WAKE UP NANDIYAN NA PARENTS MO" sabi ko sakanya kasi nakahiga pa rin siya sa kama.

"F**K ARE YOU SERIOUS" sabi niya sakin tas tumayo na siya sa kama.

"Nandiyan na agad sila seryoso di pa tayo naliligo Bea" dugtong niya.

"Oo nga po. Kakatingin ko lang kaya" sabi ko sakanya.

Tas nakatingin lang siya sakin.

"Bea, anong gagawin natin huy ayoko pang mamatay" sabi niya sakin tas lumapit siya dun sa door.

"Jho, sasabihin lang natin na di ka straight. Di naman natin sasabihin na nabuntis ka hahaha" sabi ko sakanya tas tumawa.

Tinulak niya ko hahaha

"Ehh anoba seryoso kasi pano nga pag tinaboy nila ko" sabi niya sakin tas biglang tumunog nanaman yung doorbell.

Kaya hinawakan ko yung dalawang kamay niya.

"Wag mong isipin yun. kaya mo yan saka nandito naman ako eh" sabi ko sakanya.

Tumunog ulit yung doorbell kaya binuksan ko na yung pinto.

Jho's POV

Ang aga naman nila pumunta dito like 7am ng umaga.

Di pa ko naliligo pati na rin si Bea.

"Good morning Mama. Good morning Dad" sabi ko tas nag beso beso.

Si Bea nakatayo lang dun tas nakangiti.

"Good morning nak. Di mo ba kami papapasukin haha" sabi ni Papa sakin.

Kaya nagsalita si Bea.

"Oo nga tara pasok po kayo" sabi ni Bea tas pumasok na sila Mama saka si Papa.

"Bea, umayos ka ah" bulong ko kay Bea habang papunta kami sa sofa.

"Opo haha" bulong din niya tas umupo na kaming lahat sa sofa.

Dalawa sofa namin sa dorm pero pag kami lang dalawa ni Bea, isa lang ginagamit namin para close daw hahaha

Nasa kabilang sofa si mama saka si papa tas kami naman ni Bea sa kabila.

"Jho, di mo ba papakilala samin yang kasama mo" sabi ni Mama tapos tiningnan nila si Bea.

"Ahh si Bea po. Siya po yung sinasabi ko sainyong roommate ko" sabi ko kala Dad tas ngumiti.

"It's so nice to finally meet you po. I'm Bea" sabi ni Bea tas nakipagshakehands siya sa parents ko hahaha

"Nice to meet you too Bea" sabi ni Dad tapos ngumiti.

Umusog si Bea sakin tas bumulong siya.

"Jho, sabihin mo na" sabi niya sakin.

"Uhm there's something I need to tell you" sabi ko tas tumingin ako kala Mama saka kay Dad.

Pinaglalaruan ko yung mga kamay ko para di ako kabahan tas hinawakan yun ni Bea tas tumango siya.

Kaya nagsalita si Dad.

"Tell us Jho. Ano yun" sabi ni Dad pero si Mama nakatingin lang sakin.

"I'm not straight and I really like girls" sabi ko sakanila atas yumuko.

Loving Her (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon