Flashback- Getting Closer

3 0 0
                                    

***

Tiningnan ko ang kabuuan ng kanyang unit. Dark features ang kanyang sa loob nito.
May iilan ring mga pictures na nakasabit sa dingding.

Pictures Niya na kumakanta habang may hawak na gitara.

"So you're a musician?"
I asked

"Not really. Gusto kong maging musician pero ayaw ng daddy ko. He said it's just only waste of time."
Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakikinig.

"Pinapunta kita dito kasi gusto kong turuan mo ako."

"Turuan sa ano?"

"You know, music. Kung anong dapat na gawin. Honestly I wanted to be a part of a band. Niyaya kasi akong maging bokalista ng barkada ko. But im still wondering kung ano ba dapat gawin kapag tinanggap ko ang alok niya."

I sighed..

"Okay. First let me hear your voice. Titingnan muna natin kung maganda ba ang boses mo or anong genre ang bagay sayo."

Pinaupo niya muna ako sa couch habang siya naman ay nakatayo sa harapan ko.
He clears his throat.

"How about this? ~~Cause if you jump, I will jump too. We will fall together from the building's ledge. Never looking back at what we've done, we'll say it was love. Cause I worth die for you on skyway avenue.~~"

Napapikit ako nang marinig ko ang falsetto niya. Damn! Maganda ang boses niya!

"I'm quite impressed. Maganda ang boses mo. Masyadong manipis nga lang, you sounded like a girl." I teased him

"Dammit! I do not sound like a girl, the girl sounds like me." Pagmamayabang niya.

I laughed at him at umiling na lang.

"What genre do you prefer? Karamihan kasi sa mga ganyang quality ng boses, they go for pop or electro."

"No way. Magbabanda ako, hindi magsosolo. And I prefer rock. Like alternative rock or emo, or hardcore."

I pouted my lips at nag isip.

"Okay. Have you ever heard of Pierce The Veil? Or Alesana? Those were rock bands who has a quality of voice like you have. Kasi pag rock karamihan diyan bilog at malalim ang boses. Minsan lang talaga yung matinis kagaya mo. Ang mga ganyang boses kasi parang pang solo or pang acoustic. Like Jessie Mcartney, or Aaron Carter. You know them? Pero yung Alesana, Pierce the Veil sila yung mga matitinis na boses pero nag s-scream. Kaya I suggest mag Alternative rock ka or acoustic."

"Yes I like Pierce the veil. I listened to their songs."

"So do you have any song? You know, yung sayo talaga. Yung ikaw ang nagsulat."

"Ang sabi ng barkada ko e mag cocover lang kami. Hindi daw gusto ng mga costumers yung original songs kasi hindi sila makakasabay sa kanta. Mas prefer nila yung sikat na kanta tas kakantahin na lang namin. Though meron akong ilang mga kanta na gawa ko. Hindi pa nga lang tapos."

"Teka nga lang. Bakit sa akin ka ba nagpapaturo? Ang dami mong pera, maghire ka kaya ng manager mo."

"Alam ko namang marunong ka e. Estudyante ka nga sa AIM. Sa porma mong yan alam kong Alternative yung taste mo."

Hindi namin namalayan na lumipas na ang oras. Nagk-kwentuhan lang kami at kung may tanong siya, sinasagot ko naman. Medyo magaan na rin ang loob ko sa kanya. Masarap siyang kausap at palabiro.

niyaya Niya pa nga ako doon na lang mag dinner kaya lang masyadong late na ko uuwi kapag nag dinner pa ako doon, kaya hinatid nya na lang ako sa unit ko.

When I Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon