Flashback- Stalker

2 0 0
                                    

***

I spent that day cleaning the mess in his unit. Ipinag luto ko na rin siya ng early dinner niya at iniwan ang note sa ibabaw nito. Umuwi na ako sa condo ko kasi kailangan ko pang magbabad sa laptop kasi mag aaral pa ako.
I cant concentrate reviewing because of Drew. I just hope maabutan ko siya bukas sa unit niya. I need to talk to him.

Its 9:47pm, and probably this time he's already up for gig. Pero ni isang text o tawag ay wala akong may natanggap galing sa kanya. Instead I texted Jesse and asked him if Drew will be coming.

He said yes. So I made a desicion. By 11pm I'll be coming over to the bar. Hindi ako magpapakita sa kanya.

Oobserbahan ko lang ang mga kilos niya at pagkatapos noon ay uuwi na. I wonder if what he is on stage lately? Malamya rin ba siya at walang kabuhay buhay kumanta? The bar manager would be probably disappointed as the audience.

Nang makarating ako sa bar ay umalingawngaw ang tinig ni Drew na kumakanta. Mellow ang kantang iyon kaya medyo mabagal ang tempo ng music. Umupo ako sa pinakamalayong lamesa para hindi ako makita.

I ordered a glass of Jack Daniels when the waiter ask me for drink.

Tiningnan ko si Drew habang kumakanta. Nakaupo siya habang kaskas ang kanyang gitara. Pagod ang mga mata at ang boses ay malamig. Nang matapos ang kanta ay napansin ko ang isang seksing babae na tumatalon talon habang malakas ang palakpak. Sinisigaw niya ang pangalang 'Andrew' kasabay ang matinis na tili nito.

Wow, Having Fans already Drew? You should be proud of yourself Right now.Pinagmasdan ko ang babae.

Mestiza ito at may pagka petite ang pangangatawan. Ngunit hindi mo maitatanggi na seksi ito. Sa suot niyang body hugging dress na napakaikli ay lumilitaw ang maumbok niyang puwitan at dibdib. Probably she had a perfect vital stats.

Umiling na lang ako at tinanggap ang baso sa waiter na naglalaman ng whiskey. I handed him bills kasama na ang tip niya.

Suddenly I got curioused to that girl Kaya tinanong ko waiter.

"Is that girl regular here?" Itinuro ko ng bahagya ang babaeng nakatayo habang tuwang tuwa kay Drew.

"Uhh. opo maam. Ilang weeks na nga siya pa balik balik dito para abangan ang Call the Shots. Actually Si Andrew pala. Yung vocalist po." Aniya

Kumunot ang aking noo.

"Big fan huh?" Sabi ko kahit nakatuon ang aking paningin sa babae.

Tumawa ng pagak ang waiter.

"Its more like, Big Stalker. Obsessed yan kay Andrew e. That girl is crazy. She even send Andrew some nudes."

Nabigla ako sa sinabi niya kaya nabaling ang atensyon ko sa chismosong waiter.
Napataas ang kilay ko.

"Im sorry? Did I hear nudes?" Kalma kong tanong kahit sa loob looban ko ay gusto kong sabunutan ang babaeng iyon.

"Yup. Almost 3 weeks na ngang walang palya sa pagpapadala ng mga litrato."

"And Drew- I mean Andrew liked it?"

"I dont know. He doesnt seem interested."

Well he should be. Dahil kung hind ay baka pag buhol buhulin ko silang dalawa.

Nakaramdam ako ng matinding inis sa babaeng iyon. Pero iniisip ko na natural na magkakaroon siya ng fans.

Having obsessed fans means you are actually pretty good. Hindi ka nila hahangaan ng ganoon kung hindi ka naman magaling hindi ba?

But on the other side of my mind says that I should be the only girl that Drew should be seeing naked. But I guess It's inevitable eh?

Still though, nakakainis pa rin.. Inilagok ko ang alak sa baso habang pa balik balik ang tingin ko sa babae tsaka kay Drew.

When I Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon